Saturday, September 16, 2006

Mabuhay Ang Mga Pinoy Gamers!

Nasa aking mga kamay na ang final issue ng Games Master.. ang magazine na minahal ko for the last three years.. nalulungkot ako at wala na ang magazine na pinagagastusan ko ng isang daan bawat buwan.. muntikan na akong mapaluha nung napsakamay ko na ang final issue ng Games Master.. baket kailangan pa nitong magtapos? ano bang expasion na ewan ang nangyayari sa Summit ngayon at kelangan pang mawala ang Games Master?? baket? baket? baket? Ang Games Master ang magazine nag bibigay saken ng iba't ibang emosyon.. tuwa.. pagkaingit.. dismaya.. at kung anu-ano pa.. Ang magazing ito ay ang gamit na dala-dala ko everytime na may pupuntahan kaming malayo! pero.. kelangan na nitong mawala.. paalam..


Ngayon, san na mapupunta ang isang daan ko? bawal naman sa FHM dahil 125php siya.. bawal rin sa T3 dahil di ko afford ang mga finefeature na products dun.. bawal rin sa K-Zone dahil jologs iyun.. ano na ang mangyayari sa Philippine Gaming Scene? mapupuno na ba ng mga Korean MMOG lovers ang mga kompyuter shops? naku! wag naman sana... ayos rin naman kung naglalaro sila ng DotA.. pero wag naman sobra sa DotA.. yung tipong pag may pumapasok sa kompyuter shop eh alam mo nang DotA ang lalaruin nila.. kasi nasa kanan mo nag-do-DotA.. nasa kaliwa mo nag-do-DotA.. nasa likod mo nag-do-DotA.. nasa harap mo nag-do-DotA!! AT ANG MAY ARI NG KOMPYUTER SHOP AY NAG-DO-DOTA!! ANO NA ANG KAHIHINATNAN NG PHILIPPINE GAMING SCENE?!?!?! ANO?!

Posible ngang ma-laos ang DotA.. pero hinde siguro ngayon taon.. dahil pag paganda ng paganda ang mga updates ng DotA.. lalong tatagal ang mga fanboys ng DotA.. ano na kaya ang makakatapos ng DotA regime? ang Next-Gen consoles kaya? speaking of Next-Gen consoles.. ba't kaya andami pa ring pinoy na gusto ng PS3?? eh kung titingnan mo ang presyo nito.. napaka-mahal! shet! at kung nakita/narinig/nabasa nyo ung speech ni Ken Kutaragi tungkol sa PS3.. sabi nya gagawin nilang obsolete ang PC sa pamamagitan ng pagbenta ng PS3! shet.. sinasabi nyang isang 'super-computer' ang PS3.. tas ang format ng mga games ng PS3 ay hinde na DVD! kundi Blu-Ray!! na may capacity ng 50GB!! at kung ganun ka-laki ang mga Blu-Ray discs edi matagal ang pag-gawa ng isang laro!! except kung napakarami ng mga nagtratrabaho para sa isang laro.. at kung marami ang nagtratrabaho sa isang laro.. lalong mamahal ang laro!! ang problema ng PS3? PRESYO


At kung paguusapan lang natin ang presyo.. sa Nintendo Wii na lang tayo! baket? siya daw ang pinaka-mura sa lahat ng mga Next-Gen consoles.. at kung kayo ung tipong tao na tinitingnan ang presyo.. sige! bilhin nyo PS3!! dahil graphics lang ang maipagmamayabang ng PS3 mo! ano ba talaga ang point mo ng paglalaro ng games? edi para sumaya.. makapag-relax.. o maka alis sa mga problema.. at dun pumapasok ang gameplay! kung sa graphics mahina ang Wii.. sa gameplay siya lamang! tingnan nyo.. ang controller nya ay isang remote na may motion-sensing whatever! kaya kakaibang experience ito! pero kung di nyo trip ung remote.. pwede rin naman ung classic SNES controller na pwede mong gamitin.. atska kung ikaw ung matalinong gamer na alam na may motion-sensing chuva ung PS3 controller.. magaling ka! lolx.. pero ang problema dun.. mawawala ung vibrating chuva ng controller!! kaya di mo gaanong ma-eenjoy ung laro.. pero kung ikaw naman ung ayaw sa vibrating chuva ng PS3.. magsaya ka! pero parang may nakakalimutan tayo.. ano? ang natitirang Next-Gen console na di ko pa nadidiscuss(ano ako? titser?).. ang Xbox 360!!


Ang Xbox 360.. ang nauna na-release sa mga next-gen consoles.. ang pamato ng Microsoft sa Console Wars.. para saan pa ba ito? kung ang graphics ay nasa PS3.. gameplay para sa Wii.. ano na asset ng 360? syempre.. ang Xbox Live! hinde lang un! ang Xbox 360 ay ginawa para sa mga middle class people.. baket? kasi ang price nya ay 20k lang! at ang Wii ay 12k! at ang PS3 ay aabot ng 25-30k!! pero ang presyo ng Wii at PS3 ay mga hula ko lang.. dahil wala pa sa market ang dalawang consoles na yun.. sa kasalukuyan.. ang Xbox 360 ang dapat kong bilhin.. baket? kasi meron akong dalawang games ng Xbox 360 na binili ng lolo ko para sa bertdey ko.. at sayang naman kung di ko rin malalaro ung dalawang yun..


teka.. parang may kulang...

ayun!

AYOS!!!

No comments: