ayos.. meron na akong 2gig na memory card! mas malakas na ung storage ng Cheapo-mp3 player ko kung ikukumpara mo sa iPod Shuffle tska sa iPod Nano na 1GB lang! kaya todo upload na ako ngayon.. nyahahaha..
kagabi lang.. nung tinulugan ako ni Bea.. wala akong magawa.. naisip ko.. 'manood kaya ako ng mga pelikula?'.. dahil nagsawa na ako sa mga palabas sa Jack TV.. nagsawa na rin ako sa mga music videos sa MYX at MTV.. tska nagsawa na ako sa mga babaeng rumarampa sa FTV.. nag channel surfing ako.. at nakahuli rin ako ng isang German Art Film.. medyo nagandahan ako.. pero pagkatapos ng ilang eksena.. nainis na ako.. hinde ko maintindihan ang sinasabi nila.. WALA PANG SUBTITLES!! kaya dahil nagagago ako.. tiningnan ko ang Cinema One.. at may isang makalumang pelikulang pinapalabas.. since mahina volume ng TV nung gabing iyon gumawa na lang ako ng sarili kong interpretayson ng kung ano ang sinasabi nila sa pamamagitan ng pag tingin sa body language nila, sa pag obserba ng angulo at galaw ng camera, at sa mga aksyon nila.. at natuwa ako.. pero dahil paganda ng paganda ang mga eksena.. lumapit na ako sa telebisyon at linakasan ang volume.. nagtaka ako.. baket kaya ako nagandahan? hinde naman sya ung tipong pelikulang nakakaiyak.. o pelikulang matatawa ka.. pero I can feel the artsy-ness of the film.. ito'y kahangahanga! ito'y isang pelikulang napakaganda! at napakaganda ng ending nito! dapat ito panoorin ng mga nilalang na mahilig sa pelikulang seryoso.. pero may mga eksena itong bawal na bawal sa mga bata.. at ang pamagat ng pelikulang iyon ay Salome.. direktor: Laurice Guillen... napakaganda! mahusay ang pagkakagawa! panoorin nyo!
AYOS!
No comments:
Post a Comment