ayaw ko munang mag ingles ngayon... parang natatarayan ako sa sarili ko pag binbasa ko yung ingles na blag entries ko eh... pero ayun.. di rin naman ako friendly.. pero kahit sa internet naman sana maging friendly ako.. haha.
day three sa probinsya (pero kung bibilangin mo yung days nung holy week.. ummm.. ewan.. I've lost count..)
tapos ko nang madownload ang Sims 2.. sa wakas.. University pa lang naiinstall ko.. ayos lang.. yun lang naman gusto kong expansion pack sa lahat ng mga naging expansion packs eh.. pero sayang wala yung compatibility chuchu na meron sa Nightlife. tska wala rin atang kotse.. geektalk.
anyway.. inuwi na rin ng ate ko yung speakers na sinasabi nya.. yey! minsan lang ako maka-experience ng high quality sound eh.. sa sinehan lang.. poor me.. ansaya nga eh.. abot sa chest cavity yung vibrations ng bass eh.. di katulad sa standard speakers lang na parang kiliti lang.. kulang na lang ng sound card tas pwede na ko sa 7.1 surround sound.. diba may 7.1 na? okaaaay.. geektalk nanaman
nakakatuwa yung Maps at Y Control sa speakers ko.. or baka lahat na ng Yeah Yeah Yeahs songs? ewan.. Led Zep, Daft Punk, Death Cab, at Mew pa lang napapakinggan ko sa bago kong speakers eh.. salamat ate! sana next time Xbox 360 na may Jasper chipset naman.. pero sa august pa yun eh.. antagal daw kasing gumawa ng 65nm na GPU yung mga enhinyero ng Microsoft.. tae.. geektalk ulet
parang ewan yung sopas dito sa wake.. parang mainit na macaroni salad na may karne.. super lapot..halos wala nang sabaw.. na absorb na ng macaroni yung sabaw..
I gotta date with a niiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiight! okay... haha.. enjoy yung Yeah Yeah Yeahs sa speakers eh.. pero parang pare pareho lang boses ni Karen O sa bawat kanta.. parang isang mahabang kanta yung album kasi parepareho lang yung tunog ng kanta.. except yung iba.. lalo na sa latter parts ng Fever To Tell..
nakakainspire tuloy gumawa ng banda.. kung si Karen O bumebenta sa ganung klase ng kanta ako pa kaya? pero syempre.. dapat tama yung audience.. dito sa pilipinas gusto nila emo eh.. walang lugar ang pop punk.. pop punk ba yung Yeah Yeah Yeahs? Parang punk-ish yung tunog eh.. tas pop beat mala Ramones.. alternetive na lang kaya? whatever.. rak yan.. rak.. magaling na performer si Karen O.. ooooooooooo
tae ka pag di mo 'to naintindihan..
No comments:
Post a Comment