Friday, March 28, 2008

text pistols

masaya dito sa burol.. lahat nga sila nagtatawanan at nagsusugal eh.. lupet..

maraming mah jong pieces dito.. halos pwede ka na nga gumawa ng mah jong castle eh.. san ka pa!

napaka-varied rin ang mga pagkain dito.. may pork na durog, may pork na buo, may pork na puro taba, may pork na may veggies, may pork na buto lang, may pork na red, may pork na orange, at may pork na dark brown.. kulang na lang ng fried pork pwede na pangkain sa mga ambassadors ng UN eh

napaka-youthful rin ng mga bumibisita dito.. yung iba may glaucoma na, yung iba buto't balat na lang, yung iba gumagamit na ng baston pero malakas pa rin mag yosi..

ang malupet pa dun... nagkalat ang mga butong pakwan! may butong pakwan sa styro bowls, may butong pakwan sa tables ay may butong pakwan sa sahig..

di lang yun.. sandamakmak rin ang Boy Bawang dito.. enough na yung supply ng Boy Bawang dito para sa isang pamilya for a year.. lupet 'no?

napaka-saya talaga sa mga burol sa probinsya... di katulad sa Manila na may aircon, sandmakmak na bulaklak at may preacher..

happy happy joy joy

No comments: