Monday, May 04, 2009

diuretic

anghirap makatulog.. dhe.. mahirap pala pilitin ang sarili makatulog...

paputol putol tulog ko kanina... paputol putol din yung panaginip ko.. parang nanonood ako ng TV na patay-sindi.. tapos tuwing sumisindi ulet siya iba naman yung channel..

anghirap gumalaw.. pero na-miss ko rin ang araw... I love sunny days.. and the heat... kaya mas gusto ko ang dog days keysa ulan.. lalo na sa iskwelahan ko... talagang mas gugustuhin mo tag-araw na lang forever... unless gusto mo magbayad ng extra sa pedicab...

siguro kasalanan ko rin kung baket nahirapan ako pilitin ang sarili matulog.. dahil ala una pa lang nakahiga na ko at bago nun nanood pa ko ng Dr. Katz.. at dilat na dilat pa ko sa ganung oras... baket pa kasi inimbento ang tulog eh...

kung di lang masama ang feeling pag di ka natulog.. di na sana ako matutulog.. unless pag wala talagang magawa... kasi andaming oras ang nawawala sa araw mo pag natulog ka.. sa ilang oras na yun.. pwede maka-iskor ng mataas sa geo challenge o makakain ng masarap na putahe sa Jollibee..

o baka naghahanap lang ako ng dahilan para maglaro ng sims forever...

parang naging buhay ko na yung linalaro ko sa sims.. kahit 2nd generation pa lang ako.. nagsimula ako sa isang lalaking character na si Fawkes Henger.. di ko na kasi trip gamitin yung first name na Kaiser dahil nakakasawa na eh.. parang lagi na lang Kaiser Henger ang pangalan ng mga starting sims ko.. pinili ko yung 2nd favorite name ko.. na Fawkes.. hango kay Guy Fawkes ang taong pinagbasehan ng maskara sa V For Vendetta...

skill perfectionist ako pag naglalaro ako ng sims.. kaya di ako papayag na makapag-asawa yung sim ko hangga't di pa niya napupuno lahat ng skills at di pa niya nagagawa ang lifetime aspiration niya para forever platinum na yung aspiration bar nya.. tska siguro di rin ako papayag na di makakuha ng plaque sa isang hobby.. kaya ayun.. napangasawa ni Fawkes si Samantha C-something.. nakalimutan ko yung surname..

pero bago nakpag-pangasawa si Fawkes.. binisita siya ng alien.. ng dalawang beses! kaya nabuntis siya... ng dalawang beses! kaya may dalawang alien na anak si Fawkes.. na sina Eva(at isa rin 'to sa mga pangalan na madalas ko gamitin sa mga babaeng sims ko) at Drew.. na parehong blue green.. at parehong umabot sa childhood.. na pareho rin kinuha ng social something dahil iniwanan ng sim ko yung mga anak niya kasi pumunta siya sa trabaho dahil isang libong simoleons na lang ang pera nila at ayaw ko gumamit ng cheat...

kaya ayun.. naisipan ko na rin na i-breed si Fawkes sa isang babae.. at nagkataon na si Samantha ang may pinaka-mataas na chemistry with my sim... at nagkaroon sila ng anak.. na babae.. at pinangalanan ko ulet na Eva.. dahil nakakatuwa na may Hungarian porn star pala na Eva Henger ang pangalan..

at ngayon nag-summa cum laude siya sa Sim State University.. na nag-major sa Political Science... yeah!

sana ganito rin ang totoong buhay

No comments: