Friday, May 15, 2009

kwarto: where amazing happens

hinde ako makatulog... kahit nakapatay man yung ilaw o naka-bukas.. kahit naka-on ang electric fan o naka-patay.. kahit.. err.. insert witty statement here

bawat gabi na lang.. pinipilit kong makatulog dahil malapit na ang pasukan at kelangan ko nang baguhin ang sleeping habit ko... pero hinde. mula ala una hanggang alas kwatro nakahilata lang ako sa kwarto at hinihintay antukin.. every thirty minutes na lang tinitingnan ko celpon ko para malaman ang oras... 1:59... 2:38.. 3:15.. 4:48.. ni hinde nga thirty minutes ang interval ng mga oras eh..

napaka-ironic.. nung panahon ng pasukan pinipilit ko ang sarili ko na manatiling gising.. pero ngayon naman pinipilit ko ang sarili kong matulog.. kumbaga sa 3310 na celpon eh three bars pa ko...

di ako mahilig mag-basa ng libro.. never talaga.. pero dahil sobrang dami ng libro sa tinutulugan ko.. napipilitan akong magbasa.. binabasa ko ulet ang Sandman ni Neil Gaiman.. brings back memories.. at binabalikan ko rin yung literature books ko nung 2nd year dahil simple lang ang mga storya nun at naalala ko si ma'am Elemento pag binabasa ko yun..

libro lang talaga ang natatanging paraan para ako'y antukin dahil wala akong load.. nahalata ko mas inaantok ako pag may ka-text ako kasi siguro naka-set na yung utak ko na "tutulugan ko 'to.. tutulugan ko 'to.. lalo na pag matagal siya magreply".. at nasa kwarto ng kapatid ko yung speakers kaya di ako makapagpatugtog... kaninang madaling araw yung musika ang nagpatulog saken... pero dahil old skool yung headphones ko bawal akong humiga ng patagilid kasi mapuputol yung plastic na nagcoconnect dun sa dalawa.. kaya nagising ako na may stiff neck..

kaya ngayong gabi.. mag-co-covert ops ako.. kukunin ko yung speaker sa kwarto ng kapatid ko habang wala siya.. which is ngayon na.. pero mas minabuti ko munang i-type itong huling statement.. *matapos kunin ang speakers* ayan.. naka-set up na ang speakers.. kulang na lang ng mga songs.. dahil lima lang yung kanta sa 1 gig na mp3 player.. maghahanap na lang ako ng kantang pampatulog galing sa Parokya ni Edgar, Outkast, at Korn..

anyway... may game 7 pa ang Rockets at Lakers... at di ko inaasahan yun.. gusto kong manalo ang Houston Rockets pero alam kong andyan ang Black Mamba.. at sino ang nasa Rockets? Ron Artest? Aaron Brooks? Luis Scola? wala ang dalawang star players ng Rockets... pero simula nung nawala si McGrady nakalusot ang Rockets sa 2nd round.. di kaya si McGrady ang humihila sa Rockets? whatever.. sino ba ko para magsalita tungkol sa mga ganyang bagay.. ni di nga ako marunong mag-basketbol eh...

*maglalagay sana ako ng Hey Ya ng Outkast dito*
and you'll never know if a someone really is behind you until you turn around..

6 comments:

Anthonyyyy >:D said...

haha! di ka nga nag tetext eh! XD

Mikko dC said...

Magaling daw magpatulog ang mainit na gatas. :D

Kenneth Francis Fernandez said...

Yakult lang ang natatanging gatas sa pamamahay na 'to.. have you tried warm cultured milk?

Jesse Marcus Rivera said...

Sayang maraming songs sa 5800 ko. Kaso tinangay na nung mga lecheng holdaper eh.:))

Kenneth Francis Fernandez said...

so I've heard... I mourn for your loss

Jesse Marcus Rivera said...

Yah. May my phone's soul rest in peace... :((