Monday, June 15, 2009

preview: u-belt college life

...where grade school friendships are rekindled...

or maybe not...

nakita ko ang mga grade school friends ko habang nasa u-belt at pauwi... may tatlo sa uste.. isa sa beda.. at isa sa santolan..

kasama ko si Daniel Philip J. Obedoza buong araw sa may u-belt... nung umaga eh kasama namin si Maria Katrina D. Lim... they're an interesting bunch... I'd rather be with them than with manly men who talk about manly stuff because I'm gay... nagbago ang itsura ni Lim... pumayat ang itsura niya... dahil siguro sa buhok.. o sa uniform.. at si Daniel Philip Obedoza? wala.. chinese pa rin...

nung panahon na kasama ko sila ay nakita ko sila...

RJ OLAGUER - ang maliit kong kaibigan na sikat sa pagiging barbero nung grade 5 at 6 ata... at alalang alala ko talaga ang kanyang raspy na boses dahil madalas akong dinadaldal nun... at wala akong kwentang kaibigan dahil yun lang ang naalala ko tungkol sa kanya.. tumangkad na siya ng bahagya.. nakasuot nga pala siya ng uniform ng rehab sciences..

JOSEPHINE GO - di ko siya gaanong naging close... or wala akong naalala na pagkakataon na naging close kami.. pero kino-contact niya ko dito sa multipy ngayon.. at di ko pa rinereplyan ang comment niya sa guestbook ko dahil wala akong interesting na sasabihin.. tumangkad na siya tulad ni RJ Olaguer at may kulay ang buhok niya.. reminds me of Mariel Mationg.. nakausot ata siya ng pang-arts and letters..

IVAN blah blah (CARLOS ba yun?) - nakakatuwa 'tong batang ito eh... nakalimutan ko lang kung baket.. pero yeah.. andun pa rin ang dating niya.. ganun pa rin ang itsura niya.. tumangkad rin.. at kahit papaano eh nakapunta na ko sa bahay niya dati sa Village East... maangas ang dating niya dahil naka-accounting uniform siya.. syempre pag accountancy ka sa uste maangas ka na.. kahiya-hiya lang pag di ka pumasa...

some random guy who's I'm guessing is a Ruizian and... yeah.. hayskul lang pumasok..

andami naming ginawang paglalakad ni Daniel Philip J. Obedoza at Maria Katrina D. Lim.. at ang nakakatuwa dun eh wala siyang medyas na suot kaya sugat ang kanyang heel.. may dugo dugo na.. parang tocino..

at dumating si Paolo Miguel T. Quimbo at mahaba-habang lakaran rin ang ginawa namin... hanggang Morayta.. at dun rin nag-give up si Maria Katrina D. Lim at bumalik siyang uste.. at sa height niyang yun.. swerte siya pag di siya pinagsamantalahan...

dumaan kaming Beda.. si Ezekiel Q. Ponce ang hinahanap ko.. pero wala.. ang mga nakita ko eh sila.. Jeiram na may utang sakeng singkwenta, Kevin Gerico S. Rivor, Shaquille O' Neal, Sean Pomperada, Gino ang dakilang gangster, Raven yung may kapatid na repeater, Karlo Don Capistrano, Heland P. Arcolas, Ace ang may maskulandong braso, miss Alarva, Benedict Ayonon, yung Sayson na inaasar ng jabar at amoy bumbay, yung Borja, Angelo Antonio, Nico Petisme, yung kaibigan ni Gesmund Ballecer, et al...

at dun ko nakita yung dati kong kaklase na Joy ang pangalan... malaki ang linaki niya... di na siya cute na manika.. wala na lang.. parang.. ewan.. maputi at not cute anymore..

matapos nun eh bumalik kami sa uste dahil hinde alam ni Paolo Miguel T. Quimbo na bawal pumasok sa building namin.. at pumunta lang kami dun para bumili ng overpriced na tubig dahil na-de-dehydrate na ko at keeling ko babagsak na ko nung panahon na yun...

at nakita namin si Akeem Aragon.. surprisingly walang asaran tungkol sa sexualidad at relihiyon na naganap.. pero inasar ko pa rin siya dahil may dumaan na mga mukang grade school.. tapos sabi ko "mga type mo o"

and yeah... pag malayo ang iskwelahan mo sa bahay eh tatamarin ka talagang umuwi... kaya going home is a chore... DAHIL WALA AKONG HEADPHONES NA DI MUKANG TANGA... I need to get one of those noise cancelling headphones.. maingay sa maynila.. tutal muka naman akong holdaper/snatcher.. di ko na kelangan matakot kung may nagtatangka saken.. ika nga nila.. birds of the same feather flock together...

tahimik si Paolo Miguel T. Quimbo pauwi.. para siyang kapatid ko.. naasar pag maingay ako.. kung anu-ano kasi pinagsasabi ko eh.. pero mas confident talaga ako pag may kasama akong tao na katulad niya.. mga mahiyain.. ako kasi yung polar opposite ng mga kasama ko...

pagkarating namin sa santolan station.. ay umuulan.. kaya napilitan kaming mag-seek ng refuge sa ilalim ng waiting shed... at dun ko nakita si...

ROBLES.. aka. Ampon/Amponis.. isang matalik na kaibigan ko yan nung bandang grade 5 at 6 ata yun.. dahil pag may role-playing kami.. ako ang ama.. at siya ang anak... at ewan.. bigla na lang naging ganun.. di ko rin gets kung baket kami naging ganun ka-close eh.. pero naalala ko sobrang nag-bre-break na boses niya nung grade school.. pero ngayon manly na boses niya... at nung nag-shake kami sobrang higpit ng hawak niya... sa tingin ko eh.. dun mo malalaman kung gaano kayo ka-ayos ng kaibigan mo.. or baka sadyang nanghihina lang talaga yung tao.. pero ako basta in good terms with someone.. firm lagi handshake ko...

at nakauwi ako.. pagod.. pers time kong mapagod sa ganung klaseng lakad...

imagine that times a two hundred something...

hashish


5 comments:

Mikko dC said...

First day ko na bukas!

Kenneth Francis Fernandez said...

puta nakakatamad basahin 'tong entry na 'to...

obedodo . said...

Hahaa. I READ IT! Yey.

Josephine Go said...

weh. anong klaseng description yan! haha

Lemon R said...

Mean mo! =))