puro sisig lang ang kinain ko kahapon...
marami kasi akong pera kahapon pambili ng libro.. at unfortunately... di ko talaga ma-control ang urges ko.. at bumili na lang ako ng pagkain...
unang sisig ko ay sa Ed's Eatery.. sa dulo ng Asturias.. katapat ng Tapsi... ayos lang naman yung sisig.. for 45 pesos.. ma-buto.. at di gaanong ma-lasa... kasama ko sila Luis Alberto Mata, Abulkhayr Macabato at Eric Gabayan.. ang lunch buddies ko sa klase...
matapos nun ay tumambay ako sa pad ni Luis Alberto Mata sa P Noval at nanood ng Evan Almighty sa HBO... pero nung nasa part na gumagawa ng ark si Evan.. nag-text si Gesmund Ballecer..
kain daw kaming Almer's...
inisip ko... "malabong sasabay saken si Jelyn.. mauuna na lang ako sa Almer's!"
kaya dali-dali akong umalis at dumiretso sa Almer's... along the way eh nakasalubong ko ang tropa nila Joker.. at nag-hello goodbye lang at dumiretso na kong Almer's...
umorder ako ng isang sizzling sisig at extra rice.. dahil ako'y isang tunay na lalaki.. pero mas tunay nalalaki sila Micah Timothy Pe at si Gesmund Ballecer sapagkat sila'y umorder ng dalawang extra rice... they are twice the man as I am...
punong puno na ko matapos ng meal na yun... at nag-text rin si Jelyn na nagsasabing di na daw siya makakapag-lunch dahil may practical exam siya... I smell treason..
nag-yosi muna si Gesmund Ballecer at nag-pabango si Micah Timothy Pe... di katulad nila.. wala akong ginawang manly na bagay.. dahil ako'y di tunay na lalaki..
at halos buong hapon kaming tumambay sa museum->tapat ng eccle->CFAD pav... at maraming magaganda sa CFAD... di lang maputi.. pero epal si Micah Timothy Pe dahil pinutok niya yung isang pimple ko habang unaware ako.. at nag-se-senti si Gesmund Ballecer habang nakikinig sa mp3 player ko...
matapos nun eh nag-zagu muna kami.. napaka-enticing ng pricing methods ng zagu.. kaya napa-bili ako ng grande.. eh putcha.. anlaki naman pala talaga... tapos matabang pa! I'm better off with black pearl.. nakita ko rin si Luis Alberto Mata na palabas ng computer shop.. kaya tinawag ko na siya para sabay na kaming pumunta sa AB pav para sa freshman walk...
at long last ay nakita ko rin si Patricia Cruz... ang ruizianong di ko naging close at eco rin.. antagal rin naming naghintay sa AB pav.. at napansin ko eh maligalig ang 1eco2... kaya nag-rant lang ako ng nag-rant kay Apolonio Renz Villanueva.. ang ka-block ko na polar opposite ko pagdating sa opinyon at pananaw sa buhay...
nakakatuwa kausapin ang mga taong kasalungat ko mag-isip pero kaya pa rin ako kausapin.. minsan kasi may mga taong kasalungat mo pero ayaw makipag-usap sa'yo.. kasi parang masyadong makitid ang kanilang pag-iisip... buti naman at di ganun si Apolonio Renz Villanueva... masyadong mahaba ang listahan ng mga bagay na di namin pinag-aagreehan.. basta to sum it all up.. he's an optimist and I am the pessimist...
anyway...
di ganun ka-pabuloso ang freshman walk.. parang "wala lang" ceremony... or sanay lang talaga ako na may nababasa at nagmumukang tanga para ma-welcome ang mga freshman.. di na kami nag-mass ni Abulkhayr Macabato at ni Luis Alberto Mata.. kasi muslim si Abulkhayr Macabato... kaya naki-join kami... haha... medyo ayaw ko pa sumama sa kanila nung una... pero nung sinabi nilang kakain daw sila sa Mang Tootz... how could I say no diba?
sisig number 3... pero umutang ako kay Luis Alberto Mata dahil sobrang short ako.. ginastos ko na lahat ng pera ko sa pambili ng theology book, sisig sa Ed's at sisig sa Almer's.. pero singkwenta lang naman inutang ko.. kaya keri naman.. at ma-pera naman si Luis Alberto Mata dahil syempre.. ang probinsyanong nag-aaral sa maynila ay isang maharlika!
iba ang sisig ng Mang Tootz.. di siya sizzling o crispy.. pero bumabawi siya sa flavor at richness.. putcha.. naglalaway ako as of the moment habang iniisip ko ang sisig... muka nga daw akong sisig sabi ni Micah Timothy Pe.. grabe.. gusto ko ng sisig ngayoooooooooooon...
anyway...
ang problema ko lang sa sisig sa Mang Tootz eh napaka-tongue numbing ng sili niya... na-overload sa capsicin ang dila ko kaya di ko na nalasahan ang sisig... oo nga pala.. umorder pa ko ng extra rice... na di ganun ka-lambot... gusto ko ng malambot na kanin eh.. yung parang lugaw-esque...
at umorder nga pala ako ng apat na banana rama(rhum'a).. hanep na dessert ang banana rama sa kahit anong pagkain sa may uste! sobrang... it completes any meal!
napansin ko talagang puro sisig na lang ang kinakain ko sa uste... ang huling pagkakataon na di ako kumain ng sisig eh nung kumain ako ng cheeseburger at mcflurry sa mcdo sa mall.. kasama ko rin yung mga lunch buddies ko nun.. at napagastos ako ng 100.. at dun ko na-realize na I'd rather suffer hypertension and stroke on a sisig diet than spend lotsa money on fast food chains... that sell processed food that will inevitably kill you...
so I guess love for sisig and other 50 peso-karinderya meals are somwehat like bandages.. they keep me relatively sane... and relatively happy...
2 comments:
nako mahirap pigilin ang urge. haha :)) control lang dapat
sabi ng di Dr. Manapat "you are not an intelligent consumer when you do not know when to stop". :D
Post a Comment