oo bitter ako pag bertday... di kasi ako mahilig na gini-greet ako sa bertday... ewan ko ba kung baket... siguro kasi ayaw ko ng feeling na parang star ako... taong sidelines kasi ako eh.. at mahiyain.. unless naka-down na ng ilang drinks
intially plano ko sanang burahin ang bawat wall post sa peysbuk ko na i-gree-greet ako ng happy birthday... dahil bitter nga ako.. haha.. pero nung nakita ko na pati si Bea Dawn Casabar nag-greet... parang... waw.. err... I haven't talked to her in ages.. and.. yeah...
parang naisip ko.. minsan na nga lang kami magusap tas i-de-delete ko pa...
pero tae.. minsan lang ako magkaroon ng wall post sa peysbuk eh.. mga update lang sa Playstation Network trophies.. kaya parang nung kapanahunan ng presnter.. kung saan buong taon akong may testimonial na may nakasulat na happy birthday na nakadisplay sa profile ko... nakakairita lang isipin na buong taon na ipapaalala sa'yo na pag birthday ka lang inaalala ng mga tao... at sa buong taon ay walang mag-bibigay sa'yo ng testimonial.. every april 7 lang talaga.. tapos happy birthday lang rin nakasulat.. tae.. magpopost ulet ng happy birthday sa testimonial only para matanggal yung mga last year's happy birthday testimonials na naka-display sa profile mo...
the sad state of being a non-sociable person... kaya dapat di nag-so-social networking sites ang mga katulad kong tahimik na nilalang eh.. kasi lalong mapapatunayan na walang pumapansin saken.. kahit magpapansin pa ko...
at kung meron mang pumansin... isa o dalawa lang.. swerte na ko pag may tatlong taong pumansin...
6 comments:
Ako yung unang pumapansin!
Ano ba yan Kenneth.
belated happy birthday kenneth francis agron fernandez!:)
DAPAT PUMUNTA KA NUNG BIRTHDAY NIYA!
nasa bicol ako!
Yuck bicolano
Post a Comment