isang gabi naisipan kong basahin muli ang aking blag, at dun ko na-realize kung gano ka-incoherent ang mga entries ko. parang, shit man, kahit sarili kong gawa di ko maintindihan. kaya sobrang saludo ako sa mga regular na nagbabasa ng blag ko.
kasi parang pag tina-type ko yung mga entries ko, it all made sense to me. parang there was this grand idea in my head which I can't seem to convey through words. siguro kelangan kong gumamit ng ibang medium upang maipamahagi ang mga nasa isip ko. pero pwede ring di ko na lang ipamahagi dahil wala namang significance talaga ang sinasabi ko. tska shit di rin ako marunong gumamit ng punctuation marks! ngayon pa nga lang sobrang hirap na hirap na ko dahil di pa ko gumagamit ng isang ellipsis. siguro eto yung nararamdaman ng mga chain smokers pag di makapag-yosi ng matagal. pwede na 'to, ellipsis addiction, at least di na ko gagastos ng kung anu-ano pa. pero di nga lang ako nakaka-experience ng high
pero ayun, wala pa rin akong planong baguhin ang aking pagsusulat. dahil blag 'to at di ako nakakatanggap ng grade, kaya di ko kelangang karirin ang pag-sulat dito. tska kahit pag kinarir ko wala rin namang magbabasa eh. kung umabot man ng double digits ang regular readers ko, baka ma-pressure ako nun para mag-ayos, or pag pinopondohan nila ko.
tutal marami namang mas magaling na bloggers sa internet, at ang pag-blag ngayon ay ang pag-repost ng post iba... kaya para saan pa ba ang ginagawa ko?
ELLIPSIS!! dot dot dot...
1 comment:
Like :-bd
Post a Comment