baket pa ko dadagdag diba?
kahit sabihin na nating di talaga kagandahan ang buhay at worth ranting siya. pero why bother? masyado nang maraming gusto dumada ng dumada at wala na atang natitirang taong handang makinig.
fortunately, isa ako dun.
kadalasan na lang, pinapakwento ko yung mga kaibigan o kasama ko. tapos ganun na yun hangagng huli, puro siya na lang nagsasalita.di naman sa minamasama ko ang kung sino mang maraming gustong sabihin o sinasabi, kung tutuusin mas gusto ko pa ngang maging katulad nila.
kaya siguro ako na lang lagi yung nakikinig kasi wala talaga akong masabing may katuturan. prime example na siguro blag ko. kung tutuusin naman kasi dito lang naman ako naglalabas ng hinaing at di sa kaibigan dahil #1: mauuna pa silang mag-salita bago ako, #2: sabaw ako lagi, #3: I have trouble organizing my thoughts, and #4: magkwe-kwento lang naman ako para magpatawa.
unless na lang malapit kitang kaibigan, at ku-kwentuhan... actually hinde... kumbaga eh, kapag malapit kitang kaibigan, para kang writer ni Thomas Aquinas. dahil siyempre ayon sa Philo prof ko, ang style daw ni Thomas Aquinas eh meron siya iba't ibang secretary na handang isulat ang kung anu mang pumasok sa isip niya depending on the topic. parang may secretary siya para sa metaphysics, o sa theology, o sa proof of god, o whatever. to put it in simple terms, bino-bombard ko sa mga theories ko ang mga malapit kong kaibigan.
at least di ko sila bino-bore sa problema ko na paki ba talaga nila kung sabihin ko. as if naman may mapapala sila pag nalaman nilang may problema ako. cynical, oo. pero ganun ako.
3 comments:
Well depende minsan sa pagkwento ng problema eh. Kung tuloy-tuloy ang emo mood ng mga kwento (tulad ko) tatakasan ka na nila habang pabukas palang bibig mo. Pero kung may katuturan naman ang problema at tadtad ng =)))))))))))) (tulad ng isang Multiply loyalist diyan), keri.
I agree =)))))))))))))) Hahaha
Either way, kailangan pa rin ng mga tao ng outlet ng problema nila. :))
Kung hindi, maiipon yun sa loob at sasabog ka na lang bigla. As such, 'di rin nonsense magsabi ng problema, may paki man yung sinasabihan o wala, may magagawa man siya o wala.
Post a Comment