shit, gusto ko siya.
kahit gano karami ang i-tukso saken o ang matipuhan ko, di ko magawang ibaling ang tingin ko sa iba.
ilang blag entry ko na sigurong kine-kwento ang babaeng tinatawag ko lang na 'this girl I like so much', ayaw ko pang sabihin pangalan niya dito. baket? una, kasi I might jinx my pursuit. at panglawa, she doesn't have the most google-proof name. parang i-type mo nga lang sa google yung pangalan na she's commonly called, 1st page pa lang lalabas na kaagad friendster profile niya.
ancheesy oo, pero masyado akong torpe para lapitan siya out of nowhere at magpakilala.
olats ako sa mga taong may gusto ako. although generally olats talaga ako sa mga babae, sadyang mas olats ako kapag may pagtingin ako. dahil... ewan. ano nga ba kinakatakutan ko?
naalala ko tuloy yung pelikulang Groundhog Day kung saan paulit-ulit na gumigising sa isang araw si Bill Murray. sa pelikulang iyon ko napagtanto, what's stopping me from doing certain things? then it hit me... CONSEQUENCES. mas malakas ang loob ni Bill Murray gumawa ng kung anu-anong bagay nung nalaman niyang stuck siya sa groundhog day, kasi bukas parang walang ring nangyari, alaala na lang ng araw na isasabuhay niya pagkagising niya ulet.
kaya tanongin natin, sa ka ba takot?
sa rejection?
takot ka dahil?
maaring pag nakita niya ulet ako eh may awkward na atmosphere?
pano ka nakakasigurong mangyayari yun?
di naman talaga ako sigurado eh, isa yun sa posibilidad.
pero baket yun yung iniisip mo kaagad?
kasi pessimist ako.
at sa tingin mo ba magkakatuluyan kayo sa ganyang attitude?
pag nagkaroon ng mirakulo, oo.
ayun nga, kaso nga lang minsan mo na lang siya makita at minsan lang rin mangyari ang mga mirakulo, kaya sobrang slim na yung pagkakataon na mangyari yan.
ngunit naniniwala akong may ginagawang paraan ang universe para magkatuluyan kami!
ang fanny mo! but seriously, ano hinihintay mo? groundhog day?
hmmm... oo nga 'no. maghihintay ako para sa groundhog day! pero di yung literal na sa bawat pagtulog ko eh magigising ako sa parehong araw at maging stuck sa isang cycle. walang napapala ang ganun! kaya hihintayin kong magkaroon ng pagkakataon na non-factor na ang consequences ng actions ko!
at kelan naman yun?
pagka-gradweyt niya sa uste!
seriously?! maghihintay ka ng isa pang taon para magpakilala? pano?
sa peysbuk, mag-me-message ako sa kanya. or sabihan ko yung 8 naming common friends na sabihan siya.
sa tingin mo ba epektib yan? and besides, isang taon yun pare! sa tingin mo ba maghihintay siya para sa stalker? ang masaklap pa dun, di ka pa super hot o accomplished sa buhay! lousy pare.
pero... ewan. bale sa tingin mo kelangan ko nang magpakilala as soon as possible?
the sooner the better syempre. para pag nag-fail ka ngayon, di ka manghihinayang sa panahong sinayang mo at mas mabilis kang makakahanap ng iba. o better yet, mas mabilis mong marerealize na tatanda kang binata!
siguro nga, walang nararating ang mga di nagkukusa. kumbaga in english, you can't get there if you don't take the first step.
no, don't think of it that way. you've already taken the first step. no matter how creepy it may sound like, getting to know her without her knowing it (read: stalking) is a first step. now you have to take another step forward! or if you think stalking her for almost a year is the other step I was pertaining to, then take the leap.
I guess so... yeah. thanks. if only you weren't just some fabricated persona which makes me look... schizophrenic.
but anyway, that conversation just made me... more than creepy. cause being a stalker alone is creepy in itself, but talking to oneself in a public blog? that's just... disturbing.
disturbing enough to make me want KFC.
No comments:
Post a Comment