Kapag ang paligid ay mainit, at may mga bagong tuling tumatalon sa tubig... isa lang ang ibig sabihin... BINATA NA SILA!
Thursday, April 02, 2009
guitar here.. guitar there
pero kelangan muna pumunta sa babang luksa... sa probinsya.. demmet! kelangan pang bumiyahe... buti sana kung eroplano na lang eh.. ilang minutes lang andun ka na... kaya syempre.. andyan kayong mga kaibigan ko para kulitin sa text.. kaka-load ko pa naman din ng isang daang piso.. na isang daan at limang piso sa uste!
sadyang ganyan ang presyo ng mga goods sa loob ng malls ng unibersidad..
nakapag-reserve na ko ng slot sa AB Economics sa uste.. yehey po.. kolehiyala na ko! pwede na ko mag-ingles...
gusto ko magpalit ng major.. Philo major type ko eh.. tas pag nag-philosophy ako.. magtratrabaho ako sa call center! o diba? bongga!
mukang di ko susundin ang mga utos nila tito ping.. na mag-fine arts daw ako.. diba sa mga patalastas.. parang fine arts lagi yung kurso na parang ayaw ng magulang.. so ang image ng fine arts eh.. "yung kurso ng mga black sheep ng pamilya"
pero ayos naman fine arts eh.. yun ang nagpapaganda ng mga bagay bagay natin! gradweyt ng fine arts ata yung mga nagsimula nung Graphic Designed Lifestyle.. or archi grads sila.. basta ganun!
minsan lang ako mag-rant tungkol sa personal kong buhay.. dapat kasi sinasabi ko 'to sa mga kaibigan ko eh.. pero para maiba naman... anyway.. naiirita ako.. kasi nung bandang summer.. or basta nung time na pumipili ako ng kurso.. WALANG PAKI yung mga magulang ko.. tas ngayong pasado na ko sa uste.. dun na sila nagsasabi ng "ano ba talaga gusto mo? diba gusto mo sa negosyo? mag-commerce ka!" parang ganito..
parent: kenneth, what's your passion?
kenneth: passion ko talaga eh neurology!
parent: eh diba mahilig ka sa negosyo? mag-commerce ka na lang!
kenneth: opo
-or-
parent: ano na ba desisyon mo?
kenneth: economics po
parent: commerce o ab?
kenneth: ab po
parent: mag-commerce ka na lang!
kenneth: opo
-or-
parent: diba di ka pasado sa UPCAT? kasi quota course kinuha mo eh! nag geology ka dapat kasi!
kenneth: (oo nga.. quota course ang film at philosophy) opo *opo na lang sinagot ko para wala nang diskusyon*
-or-
parent: dapat kasi di ka last minute nag-de-decide
kenneth: (oo nga.. dapat kasi nung pumipili na ko ng kurso kinakausap niyo ko eh.. di rin last minute na pag-pressure saken kung ano ba talaga gusto ko kahit wala naman talaga sa mga options ko yung gusto ko) opo
mabait akong bata.. kaya puro "opo" lang sinasabi ko.. never akong sumasagot sa magulang! :D
tska oo.. I tend to keep things to myself.. kaya siguro baliw ako
more bid
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
summary of whole entry:
parent: kenneth...
kenneth: opo
Opo!
Post a Comment