I was never the neat type...
ang suot ko ngayon ay kung ano ang suot ko nung nag-enroll ako sa uste, kumain sa greenhills, pumunta ng SM Taytay, kumain sa eastwood...
lahat nang iyun ginawa ko within the span of two days
screw me
ngayon kelangan kong pumunta sa Pangasinan... nanaman.. dahil may wedding.. and hopefully iba na ang suot ko by then..
naglaro nanaman ulet kami ng "pabilisang makatapos ng isang game ng dota in wtf mode".. pero iba na ngayon.. Techies edition na..
kasi na-realize namin na siya ang pinakamabilis makatapos ng isang game..
as expected nag-forfeit agad si bryskitots.. at as expected na-beat ni chibetbong yung record niya at naging 2 minutes and 44 seconds... and as expected na-beat ko ang record ni chibetbong at 2 minutes and 30 seconds...
naglaro kami nang naglaro.. dagger of escape ang playing style ni bryskitots.. tumakbo bago masira ang tower ang playing style ni chibetbong.. at ako yung nagpapatigas gamit ang Tongkat Ali(vitality booster) at ako yung nagpauso ng Fernando Poe feat(yung pag ranged kalaban mo.. lalapitan mo habang binabagsakan mo ng mines)..
naging standard na rin ang pag-gamit ng tongkat ali (sa mga di nakakaalam.. sa Enduranz yun.. yung nagiimprove ng sexual potency [at para dun sa mga lalong di nakakalam.. malambot masyado di Techies with 400HP.. kaya kelangan siyang patigasin.. hence.. the reference]) dahil sobrang lambot ni Techies.. ang ginagawa ko.. bibili ako ng boots of travel tapos pupunta sa secret store.. tapos bibili ako ng isang vitality booster.. pero ang ginawa ni chibetbong ay.. bibili siya ng dalawang town portal.. dalawang (o tatlo) na bracers at isang ultimate orb.. tapos isang boots of speed..
kaya medyo naging competitive ang laro.. parang olympics
ang benchmark ng isang magandang good game ay matapos ang 1st tower within 9 seconds.. matapos ang 2nd tower within 30 seconds.. at matapos ang 3rd tower within 1 minute..
and for the first time nakapag-set ng record si bryskitots with his dagger of escape playstyle.. na magteteleport agad sa tabi ng tower... with 1 minute and 55 seconds...
pero 1 minute and 44 seconds later.. na-beat ni chibetbong ang record ni bryskitots..
ang masaklap lang talaga.. ayon sa kanya... eh "ni wala man lang nag-hirap para makatalo sa record" niya..
at oo.. masaklap nga.. lalo na kung after a few games.. natalo ko yung record niya with 1 minute and 48 seconds.. 4 second difference sa record ni chibetbong...
nag-matter talaga ang pag-takbo niya from the tower bago masira ito dahil it saves time.. kahit sabihin mong ilang segundo lang yun...
at oo.. kinakarir namin..
No comments:
Post a Comment