Tuesday, April 28, 2009

public service reminder

marami na sa atin ang makakapag-boto sa nalalapit na 2010 elections...

ngayon pa lang ay nagpaparamdam na ang iba.. sa TV, sa lansangan at sa mga piyesta..

gusto tulungan ni Mar Roxas ang mga mahihirap.. gusto tulungan ni Manny Villar ang mga naghihirap.. at gusto puksain ni Bayani Fernando ang mga mahihirap...

pero teka muna.. eto ba talaga ang kelangan ng ating bansa?

ang mga naghihikahos at kumakain ng mga tirang manok ng restaurants?

sa aking opinyon mga kaibigan.. hinde ang mga nasa lower strata ng ating society ang dapat pag-tuunan ng pansin.. kundi ang mga nasa alta sociedad.. ang mga nakaupo sa mga public offices...

hinde ko sinasabing si Gloria ay evil.. sa tingin ko siya'y napaka-bait na presidente.. ang talagang dapat pasukan ng isang mahabang bamboo stick sa butas ng pwet at i-lechon ay ang mga taong di natin binoboto para ma-upo.. ang mga taong itinatalaga ng mga binoto natin..

take the Customs for example.. binoboto ba natin ang mga nandun? hinde.. maganda ba ang pamamalakad nila? hinde rin.. baket? hinde naman kasi talaga dapat naka-upo yung mga yun dun eh...

isa pang example eh yung mga taong nalalgay para sa constitutional assembly (o convention or whatever).. hinde tayo ang mga bumoboto para sa mga taong nasasali dun.. hinde tayo ang mga taong pumipili ng mga taong magbabago ng Philippine Constitution... hinde tayo ang mga nagsabing ilagay ang retired general na yan dyan.. ilagay ang apat na kamag-anak ni Arroyo dyan..

kung tutuusin.. isang malaking kalokohan lang ang eleksyon.. it just gives us an illusion of democracy..  kaya sa nalalapit na laban ni Pacquiao at Hatton.. ipunin ang buong pamilya.. buksan ang TV.. manood ng GMA o Solar All Access..

dahil yun lang nag natatanging pag-asa natin sa mas magandang Pilipinas...

Kenneth Fernandez po.. isang classical liberal..


7 comments:

Dexter Ancheta said...

wala namang mali sa mga pamamalakad ni gloria eh. malakas lang magreklamo yung mga tinatamad magsipag at naghihintay na lang ng biyaya galing sa gobyerno

Lemon R said...

Puro na lang naka-focus ang gobyerno sa mahihirap eh sila nga ang hindi nagbabayad ng tax.

Lazybones Sasis said...

Karamihan sa mayayaman, nag-iiwas ng tax, gumagamit ng pera ng bayan sa panonood ng mga laban ni Pacquiao sa US, etc. Karamihan sa mahihirap, nag-iiwas ng taxes, o kaya'y walang trabaho, pero kumukuha ng sangkatutak na subsidies at give-aways.
Sa katangahan ng gobyerno, ang middle class na nagtatrabaho ang nagbubuhat sa karamihan ng buwis ng Pilipinas.

Lemon R said...

Wawa naman us :

Dexter Ancheta said...

Stricter Tax Laws = Solution?

Lazybones Sasis said...

Yup. And MORE TRABAHO that don't require expensive college degrees.

Dexter Ancheta said...

Oh.. hehe.. I arrived to the conclusion that anyone who has these two things on their platform deserves to win the 2010 election.