Thursday, April 30, 2009

mirror mirror

nag-ba-blag ako dahil wala akong makausap...

kung may mga kapatid lang talaga ako o kung andito nakatira mga pinsan ko forever di ko na siguro kelangan mag-blag in the pers place... pero hinde.. kami lang ni katrina ang nasa bahay buong araw at nakaupo lang ako sa tapat ng kompyuter magdamag..

halos di na nga ako nagsasalita eh.. di ako dumadaldal..

marami daw taong bored... isa ako dun sa mga... hinde alam kung bored ba siya o hinde...

as in parang... nakasanayan nang wala masyadong ginagawa.. kaya parang di nga ako bored.. or bored talaga ako pero di ko ma-feel na bored ako kasi nakasanayan na.. so parang na-manhid na ko sa nakakabagot na feeling ng pagka-bored..

pero magandang paraan rin para di ma-bore ang ginawa ni Trina Etong.. pero.. may baril ka eh.. baket ka mabo-bore kung may baril ka.. kulang na lang ng camera.. tapos kuhanan mo sarili mo ng maraming maraming pictures tapos i-upload mo dito sa multiply.. parang yung isang picture ni Paolo Fernando Chua dati.. na may baril siya.. emo days pa niya ata yun eh.. sa DeviantArt..

antagal ko nang di binubuksan yung DeviantArt account ko.. wala naman kasing nag-vie-view saken dun eh.. although ayos na yun para sa taong di nag-aadvertise masyado ng page niya.. parang multiply na lang talaga binubuksan ko eh.. at least dito may pumapansin saken.. di ko na pinapakelaman yung MySpace dahil wala rin namang akong kakilala dun.. di ko na binubuksan yung Friendster dahil sawa na ko sa survey.. at di ko na rin binubuksan yung Facebook dahil.. andami nang tao dun.. at puro games na lang.. kaya nga ako nag-Facebook para takasan yung mga tao sa Friendster eh..

hanging on the wall

No comments: