Sunday, May 24, 2009

mojo

pag ako lang mag-isa sa Shangri La o sa Megamall na walang sale... I transform into my alter ego.. Mr. Stalker San..

dahil sa bahay.. magagawa mo ang window shopping, shopping, at eating... pero ang di mo nagagawa sa bahay is to see new people...

o ewan.. syadyang gago lang talaga ako at nag-evolve ang people watching hobby ko..

at ngayon nakapunta ulet ako sa mall.. sa Shangri La.. paborito ko yung mall na yun.. dahil maraming prospective subjects dun... at maganda ang National Bookstore dun...

paborito kong lugar ang mga bookstore pag trip ko mag-people watch... una, dahil sabi nga ni Brysky.. type ko daw ang mga intelektwal na nilalang.. at pangalawa, ogranized ang mga books.. kaya malalaman mo kung anong klaseng tao ang tinitingnan mo base sa binabasa niya.. unless best seller ang tinitingnan niya.. mga posers yun...

ngayon eh.. baket hinde sa mga record stores tulad ng Odyssey, Astroplus at Music One? well.. you go there to buy stuff.. di katulad sa mga bookstores.. na pwede mo buksan yung mga naka-seal na libro para basahin.. o basahin yung mga librong tinanggalan ng seal.. kaya mas tumatagal ang mga tao sa bookstores keysa record stores..

ang subject ko kanina ay isang babae.. mukang upper class at intelektwal.. nagpapa-facial dahil halata sa muka.. di kagandahan.. pero it is impossible na walang nagkakagusto sa kanya... medyo bohemian ang get up niya.. medyo messy na hair parang bagong gising tapos inayos lang gamit ang kamay at naka-black na cotton dress at may yellow na mailman's bag.. na maliit...

binantayan ko ang bawat shelf na pinuntahan niya...

nagsimula siya sa Classics.. at sumunod sa Horror.. medyo tumagal siya sa Horror.. or baka kasi andun yung mami niya na kamuka ng mami ni Nathalie Joy Mertalla.. pagkatapos nun eh nakita ko siyang may binabasang libro tungkol sa French language.. "uy.. this should be interesting" naisip ko.. tapos di ko na siya nakita.. I lost the person.. and my stalking mojo..

matapos nun eh pumuta ako sa Law section.. at nagbasa ng Security Guard's Handbook.. na 15 pesos lang.. pero di ko binili.. yung mga ganung bagay kasi dinedekwat na lang eh.. at nakita ko nanaman ang aking subject na nagbabayad.. may hawak siyang isang puti na libro.. ka-size ng The Alchemist ni Paulo Coelho.. pero mas makapal ng konti.. di ko na inalam kung ano yun dahil nagkaroon ng security breach when I was closing in on the target...

nakita niya ko.. at napatigil ako at nagkunwari na tumitingin tingin.. tapos yun pala eh nasa oslo paper section ako.. kaya ayun.. dun ko talaga nalaman na my mojo is gone.. forever lost..

at lumayo na lang ako.. bumalik sa Law section at nagbasa ng Security Guard's Handbook..

pero luckily.. nakita ko siya sa escalator nung ilalagay yung mga binili sa kotse.. at kasama niya parents niya.. at sabi ni Brysky.. "narinig ka ata ng magulang niya".. dun talaga ako nawalan ng pagasa sa stalking career ko...

huhuhu...

pero at least epektibo pa rin ang radar ko at ang pag distinguish ko ng mga taong ka-vibes ko.. dahil sa huling pagkakataon.. eh nakita ko siya pumunta sa Gallery 7.. yung lugar ng pagawaan ng pop art portraits.. at sumunod naman magulang niya...

ibig sabihin eh spoiled na bata siya.. either that or I am totally losing my mojo..

pero at least may hilig siya sa artsy fartsy stuff.. personally I'm not a huge fan of pop art pero keri ko naman ang ganung klaseng chorva...

sa tingin ko eh ka-age ko siya.. or maybe she's younger.. mukang nagaaral siya sa Poveda or sa MC.. at kung college man siya.. malamang sa malamang eh sa UP o Ateneo yan.. or baka La Salle.. dahil nagsha-shopping siya sa Shangri La.. malabong sa UST siya dahil walang matalino ang nagaaral sa UST.. ay teka.. andun pala ako.. at mas pipiliin ng mayaman ang La Salle, Saint Benilde o UA&P.. hello Hennessy and Paolo Chua..

or baka bored lang talaga ako? whatever

4 comments:

Bea Sigua said...

Bored ka lang talaga. :D Isang beses palang ako nakakapunta ng Shang! Huhuhu.

Paolo Chua said...

I just went there today where I saw Filart. EWWW. Its officially a dead mall.

Bea Sigua said...

You see Filart everyday. :))

Jesse Marcus Rivera said...

Ayy may bad memory ako jan :>