ngayong wala na ang mga pinsan ko... napaka-depressing na ulet ang mood ng bahay..
at di nanaman ulet ako nagsasalita...
umaabot ata ng hundreds yung average words na sinasabi ng normal na tao.. pero ngayong araw.. ni di pa nga umaabot sa bente eh...
kaninang umaga.. wala akong sinabi sa mga magulang ko.. kinuha ko lang yung kahon ng cereals at kahon ng gatas.. linagay lahat sa bowl... at kumain..
nagpaalam ang aking ama at papasok siya sa trabaho.. sabi ko "bye po".. word count: 2
buong umaga ako nanood ng mga documentaries sa Google Video... kaya buong umaga ako nakatunganga sa monitor habang nakahiga sa sofa...
natulog ako ng tanghali.. at nagising ako nung tinanong ako ng mami ko kung kakain ba ko.. sabi ko "hinde po".. word count: 4
pagkatapos ng isang power nap ay bumaba ako para kumain.. nung patapos na ko kumain sabi ng katulong namin ay "di mo ba kakainin yung beef steak?".. sumagot ako ng "ay oo".. word count: 6
may tumawag.. sinagot ko phone.. sabi ko "hello".. tapos inabot ko dun sa hinahanap... word count: 7
kaninang hapon pumunta ako sa tindahan nila Quilala.. sabi ko "dalawang sweet and spicy".. word count: 11
tapos nung dinner humingi ng tubig mami ko.. at sinabi ko "eto po o".. word count: 13 dahil di word ang 'o'.. isang letter lang yun! haha
at hanggang ngayon.. sobrang wala akong sinasabi...
sisisgaw ako ng "bata"..
word count: 14
4 comments:
wow?
you're counting your words per day ;P
ngayon lang 'to
Dun sa telepono, diba dapat sinabi mo muna, "Sandali lang po" or whatever bago iabot sa hinahanap ng tumawag
hello. dahil sakin hindi natapos ang pagbibilang mo ng words per day dahil sakin. :D
Post a Comment