ewan ko ba kung na-mi-miss ko ang iskwelahan... pero parang mas gusto ko bumalik sa Beda.. balikan ko pers year.. tawagin ko nanamang poser si Nico.. hahantingin nanaman nila ako.. mali-link ako kay Bea.. susugatan ko si Elmar.. paiiyakin ako ng parents niya sa harap ni ser Taruc.. at magkakaroon ako ng 10 demerits.. makikipag-suntukan kay Ryan pero di naman ako susuntok.. hahampasin ulet ng 1-14 yung armchairs na parang drum.. salamat kay ser Crisostomo dahil kung hinde pinanood samin yung Drumline di namin maiisip yun.. pahihirapan ulet namin yung mga teachers namin... at bibisitahin ko si ser Taruc on a weekly basis..
tapos pagkatungtong ko sa sican yir.. karamihan ng mga kaklase ko galing 1-14 din..tapos magiging uso backstab-an.. noon magkamuka pa sila Shenyll at si Amira.. mag-fi-fishbowl ulet kay Elemento.. tapos pamatay na recitation with Lorenzo.. mag-foo-football ako.. magkakaroon ako nung Creative Zen Vision:M.. lalagyan ko ng porn tapos ipapapanood ko kay Camille Bartolo yung Tera Tera Tera na nasa bag ko lang habang math.. kakarmahin ako mendiola at mananakaw yung Zen.. tapos di ako makakapunta sa farewell dahil may chicken pox ako
pagka-abot ko naman ng terd yer.. summer vacation ay nasa mendiola ako nag-tre-training kasama ng women's team ng beda.. at lagi kong kasama si Cabural.. at magiging bespren ko siya.. magiging target ako ng mga pang-aasar ni Jehu.. at andaming kong di kakilala sa klasrum.. marerealize ko na tatlong taon ko na palang kaklase si Rull at si Pieranne.. makikilala ko si Arisa.. at mali-link siya saken.. tapos magsisimula yung career ko sa pag-eedit ng video.. at magiging peyborit ako ni Dominguez.. mag-aaway sila Oscar at Miguel.. at hanggang ngayon di ko alam kung baket sila nag-away... tapos tutulungan ko si Jose magkaroon ng mataas na marka sa English.. at mare-realize ko na kahit ina-api ako sa 3-32.. nag-enjoy rin pala ako..
at nung nasa port yer na ko.. magugulat na lang ako na nasa pre-med pala ako.. sinabi ko pa naman din kay Rull na mag pre-law siya dahil siguradong sigurado na ko na ma-pe-pre-law ako.. kaya ayun nandun siya inaasar.. magiging kaklase ko si Jethro sa pangalawang pagkakataon.. at magiging bitter siya dahil compared sa 3-32.. walang kwenta ang 4-40.. at magiging kaklase ko si Ponce at si Ramon Nieves sa pangalawang pagkakataon sa graduating class.. too bad nasa ibang pre-med si Napoleon.. edi sana kumpleto kaming mga galing 6 - Temperance sa Lorenzo.. magkakaroon ng aberya ang section namin kay ma'am Arile at mag-papadala ako ng letter.. aarangkada nanaman ako sa recitation at quizzes.. lalo na sa Physics at Economics.. pero laging line of 7 ang grade ko except sa Economics.. pareho sila Sigua at Lorenzo magbigay ng grade eh.. laging naglalaro sa 85 pag kinakarir mo yung subject nila.. magiging matalik kong kaibigan ang mga kagrupo ko sa congress.. except si Fatima.. lagi namang wala yun.. pero at least andyan si Geoffrey para magmukang gago.. andyan si Ponce para gaguhin si Geoffrey.. at andyan si Micah dahil lahat ng groups of four ay kelangan ng babae o feminine character.. parang yung sa South Park.. si Kyle yung parang feminine sa kanila.. at ako yung Cartman ng grupo.. pero di ako mataba.. at maputi.. magiging bespren ko si Gesmund at lagi siyang nasa bahay.. magiging isang malaking failure ang paper namin para sa congress.. at pati na rin yung defense ko sa english.. pero at least may mga tinulungan ako sa defense nila tulad ni MJ na nagkaroon ng pinakamataas na grade sa defense.. magpapasalamat siya kahit di ko feel na may naitulong ako sa kanya.. sa last days ng classes ma-li-link ako kay Ana Micahela.. at eventually magiging partner ko siya sa gradbol.. at masta-stuck yung kulot na buhok ni Bea sa butones ko sa collar habang tinutukso kami ni Charmaine..
*additonal: oo nga pala.. dahil nag-comment si brother wesley.. na-alala ko tuloy ang Teenpreneur.. nakakatuwa talaga maging out of place sa grupo ng mga matatalinong studyante.. at dun ako natuto mag-cut ng klase.. lalo pa kong nag-enjoy nung dumating si brother wesley.. lalo na yung mga banat niya nung nasa service kami.. hanggang ngayon natatawa pa rin ako pag inaalala ko siya.. kahit siya lang ang alalahanin ko.. matatawa na ko.. kahit nakalimutan ko yung inorder niya sa Jollibee..*
at gragradweyt ako para lang pahirapan ulet sa kolehiyo.. at gragradweyt ako sa kolehiyo para pahirapan ulet sa corporate world.. hanggang mag-retire ako para gawin ang mga ginagawa ko during summer vacation nung nasa hayskul pa ko..
the end
9 comments:
get over it dude! haha ito ba yung... i dont know how to describe this one. basta ito nga yata yun. haha. :) :D
nakaka-miss yung adrenaline rush nugn tinataguan ko sila Aldave eh..
i miss him soooooo much. grabe. one of the best guro ever! you rock sir lorenzo. or ahould i say atty. lorenzo. grabee nakakamiss!
haha. i never thought that was gonna happen. haha
really? sa laki mong yan? haha
ahhhhh... i miss these things! haiii... :(
Nagbalikan na ang mga pangyayari noon.
Ikaw pala 'yung Fernandez na pinupuntahan DAW ni Bea sa classroom ng 2-20 noon...
Ayon sa mga sources tulad ng ilang titsers...
Di ko ineexpect na makaksalubong kita sa internets... nice to meet you :D
Dapat nga pre-law ka!
Para mas masaya ang potritree.
At makapiling mo uli si Bea. :))
Para ngang roller coaster ang high school. Good job Kenneth.
Post a Comment