hinde naman pala ganun ka-tagal ang enrollment sa uste...
kala ko pa naman din aabutin ng dalawang oras...
susunod na ko yapak ng ate ko, tita ko, at tito ko... at ng pinsan ko... magiging tomasino boy na ko..
isang commerce, isang archi, isang fine arts at isang panandaliang enhinyero.. sa Unibersidad ng Sandaliang Termino..
at ngayon.. ako'y isang ekonomista.. yehey!
pero gusto ko talaga maging Pilosopo.. mas gusto ko maging Pilosopo sa Ateneo.. para pagkatapos ng klase.. makakapag-guitar hero agad ako!
sana pwede ang double major sa uste.. para limang taon ako sa bachelor's degree ko.. or baka mag-minor na lang ako sa pagiging Pilosopo..
ayos naman sched ko eh.. may isang Philosopy.. kaya kung magandahan ako sa klase ko sa pilosopiya.. baka lumipat ako ng major..
pero sabi naman ng mga taga-arts and letters.. may future daw ako.. kasi nakapasa ako sa Econ.. tutal may Global Economic Crisis.. at sa palagay ko mga ekonomista ang magiging soothsayers o doomsayers ng future.. kaya pwede ako sa dyaryo o sa magasin..
Korfball nga pala ang PE ko.. sa mga di nakakaalam kung ano ang Korfball.. imagine basketball.. pero walang board.. tapos imbes na mga negro ang naglalaro.. mga mukang bading..
sabi ni Gesmund na pag-A ang section sa Commerce.. ibig sabihin eh matalino ka.. kung susundin ang ganung istilo sa Arts and Letters.. ibig sabihin.. nabibilang ako sa mga matatalino! YEHEY! dahil ang section ko ay 1Eco1.. dalawang 1 yun! ibig sabihin dalawang beses akong matalino! haha.. yehey! sa buong talambuhay ko.. ngayon pa lang ako na-consider as matalino ng isang institusyon!
pero para putukin ko naman ang sarili kong lobo.. pwede rin natin sabihin na nauna lang talaga ako sa slot.. kasi alas otso yung enrollment ko eh.. kaya first come, first served ang ginagawa nila sa section... or.. ang mas masaklap.. lahat kasi ng mga matatalino napunta sa UP, Ateneo at sa Singapore.. kaya second best lang siguro ang mga katulad ko.. or baka third best.. o fourth best..
pero ayos lang yan.. isa lang naman binabagsakan ng mga katulad kong Tomasino..
call center
pero plano ko talaga sana magtuloy sa Med o sa Law.. kaya baka pagkatapos ng pag-aaral ko.. mag-aaral ulet ako!
masaya mag-aral.. kasi may bakasyon! di katulad ng pagiging empleyado.. araw-araw kang nasa opisina! at ang pinaka-mahaba mo nang bakasyon eh christmas o holy week plus leave..
4 comments:
Pareho na tayong Ekonomista dude! Hahahaha!
Shet. :))
1PSY4 ako. =)
Pangalawa sa dulong section. =))
Tangnang dick in a box 'yan. =))
tama ka dyan! goodluck thomasian dude! :))
Post a Comment