Thursday, November 30, 2006

blabbing

nilagang itlog
typical skwater putok
kagat ng lamok
pitong hotdog na bulok
blobless booze
honry povedan whore
empty stomach
empty brain
empty pocket
empty memory card
tainted love
lust and sins
orange chicken
felis catus
muay thai kick boxer
newly bought boxer shorts
chicken nuggets
cookies and cream
Krispy Kreme
donuts
balut
toyo
patis
chili
hamburger
tekken 5
initial D
angel locsin
FHM
Katrina Halili
Premire Condoms
gynecologist
doctor
super size me
toothpick
hotdog with japanese mayonnaise
thousand island dressing
salad
fast food
Paolo Chua

amphetamine

eto nanaman po tayo, may istorya nanaman ako. Asahan nyo nang malabo storya, magago, R-13 at katulad ng mga tipikal na literary pieces ni Kenneth. Habang sinusulat ko ang istoryang ito ay nakikinig po ako sa Annie-Dog ng Smashing Pumkins.

Amphetamine-
"Putang ina Gregorio, gumising ka na nga!" sigaw ng roommate ni Gregorio na si Juan. 'ugh... eto nanaman po, tadtad nanaman ako sa mura ni Juan'. Dinilat ni Gregorio ang kanyang mga mata at nakitang bihis na si Juan. "o, ano okasyon?" tanong ni Gregorio. "Parating na dito ang innkeeper! Sisingilin na niya tayo! Tara na!" sagot ni Juan "Putang ina! magbihis ka na! inayos ko na mga damit mo, tara na!". Nanlaki ang mga mata ni Gregorio at nagsuot na ng pantalon at puting shirt at jacket. "Taralets!" sabi ni Gregorio. Ngunit narinig nila na parang may umaakyat sa kahoy na hagdanan ng inn. "Yung inn keeper na siguro yun! ihanda mo ang traps!" sabi ni Juan. "Sige" sagot naman ni Gregorio at sinetup nya ang dart gun nya. Sinawsaw niya ang dart sa isang liquid na substance at linagay sa dart gun. Pumwesto sa ilalim ng kama si Gregorio at sa tabi naman ng pintuan si Juan. At pagkabukas ng pintuan ay nandun nga ang inn keeper. Hinila na ni Gergorio ang trigger ng dart gun at tinamaan ang innkeeper sa leeg(neck). "Putcha, ano 'to?" sabi ng innkeeper dala ng gulat. Naging groggy ang innkeeper at bumagsak sa kahoy na sahig. Tinago ng dalawa ang katawan ng innkeeper sa ilalim ng kama at tinakpan pa ng kumot. Dali-daling umalis ang dalawa sa inn at naghanap ng taxi.

Nagising ang dalawa sa tunog ng baril, at nakita ng dalawa na natamaan ng bala ang driver ng taxi. "Nasa gitna ba tayo ng away ng mga gangs?" tanong ni Gregorio kay Juan. "Ewan ko, pero mag-ingat ka comrade. Baka matamaan ka ng bala." sagot ni Juan. Dumapa ang dalawa sa sahig ng taxi. Habang nakikinig sa mga tunog ng mga baril. "Paano kaya ito? Baka sumabog ang sasakyang ito pag natamaan ng baril!" sabi ng natatakot na Gregorio. "Puta! Itigil mo na nga kasi ung paglalaro mo ng Grand Theft Auto. Hinde yun mangyayari!" sagot ng nababadtrip na Juan "Silipin mo nga kung ano nangyayari sa labas. Dumungaw ka sa bintana"; "....... sige". Sinilip ni Gregorio kung ano ang nangyayari sa labas, at nakita nya na may mga lalaking nakasuot ng bulletproof vests at helmet. Patungo ang mga lalaking iyun sa isang building na tila ba walang tao pero dun nangagaling ang mga bala ng baril. Tiningnan ni Gregorio ang bag nila, ang nakita lang nya ang dart gun, darts, poison, kutsilyo, smoke bomb at mga karayom. "Juan, akin na nga ung isa pang bag" utos ni Gregorio. Binato ni Juan ang bag kay Gregorio. Tiningnan nya ang laman nito at mga damit, baller at isang Stun Gun ang nakita nya. "Wala talaga. Paano kaya ito" sabi ni Gregorio sa sarili nya. "Wag ka nang umasang makaalis dito! Hintayin mo na lang matapos ang barilan" sabi ni Juan. At natulog na lang ang dalawa.

Nagising sila, at nasa loob pa rin ng sasakyan ang dalawa. Unang nagising si Juan at sinilip nya kung ano meron sa labas. Nakita nya ang isang grupo ng mga lalaking nakaputi at namumulot ng mga bangkay ng mga naka-bulletproof vests. "Mukang hinde normal na away 'to ha. Naka bulletproof vest at helmet na napatay pa rin." sabi ni Juan. At may papalapit na lalaking nakaputi sa pintuan na sinisilipan ni Juan. Ginising nya agad si Gregorio ngunit pagkagising niya ay nabuksan na ng lalaking nakaputi ang pintuan ng sasakyan. "Wala po kaming masamang intensyon! Nakasakay lang kami dito sa taxing ito at napatay ang driver!" sabi ng nagmamakaawang Juan sa lalaking nakaputi. 'huwaw, linis Tide ang damit nya ha' inisip ni Gregorio. Linabas ng lalaking nakaputi ang kanyang pistol at binaril si Juan. "Ay PUTANG INA!!" sabi ng galit na Gregorio. Bago pa maitutuok ng lalaking nakaputi ang baril kay Gregorio ay natamaan na ni Gregorio ng poisoned dart ang lalaking nakaputi. Kinuha agad ni Gregorio ang pistol ng lalaki at pinagbabaril siya. "Juan, putang ina! GAAAAAAAH!! PINAPANGAKO KO SA IYO NA PAPATAYIN KO ANG LIDER NILA!!". Lumabas ng sasakyan si Gregorio at nakita nya na mahigit sampung mga lalaking nakaputi ang nakatingin sa kanya. "Ba't ganun, wala akong nakikitang facial expression mula sa kanilang mga muka? ano sila? robot?" sabi ni Gregorio. Binaril nya ang may hawak ng Sub-Machine Gun at nakita ang dugo mula sa lalaki "o, may dugo naman. Ba't ganun itsura nila?". At pinagbabaril ng mga lalaking nakaputi si Gregorio. Inilagan niya ang mga bala at pinagbabaril ang iba, ngunit nataman sya ng bala sa braso(para hinde maging cliche! ;)). May natirang lalaking nakaputi, pero maswerte si Gregorio dahil ispada lang ang hawak nya. "Ang-low tech naman". Tumakbo papalapit kay Gregorio ang lalaking may ispada ngunit nabaril ni Gregorio ang lalaki bago pa sya maabutan ng ispada. Pinulot ni Gregorio ang ispada ng lalaki at hiniwa niya ang ulo ng mga napatay niya. "O, may utak naman sila.". Linabas niya ang utak ng lalaki at hiniwa ulet. "Wala namang kakaiba". Hiniwa niya ang tiyan ng lalaki at linabas ang tiyan, intestines at liver. Hiniwa rin nya ang mga internal organs ng lalaki at wala naman siyang nakitang kakaiba dun. At ginawa rin niya un sa iba, hiniwa ung ulo, tinanggal ang utak, hiniwa ang utak, hinwa ang tiyan, linabas ang internal orgas, hiniwa ang mga internal organs.

Pinuntahan ni Gregorio ang building kung saan nangaling ang mga lalaking nakaputi. "aba'y tama nga ang hinala ko!" sabi niya. At nakita niya ang malaking sign ng Tide sa entrance ng building. Pagkabukas ni Gregorio ng pintuan ay sinalubungan siya ng kutsilyong tumama sa kanyang kaliwang mata. "ARGH! PUTANG INA!! ANSAKEEEET!!!". Hinila niya ang kutsilyo na nakasaksak sa kanyang kaliwang mata habang sumisigaw sa matinding sakit. Pagkahila niya ay wala naman siyang nakitang tao sa lobby ng building. "SINO ANG BUMATO NG KUTSILYONG IYUN?!?!" sigaw ng galit na galit na Gregorio. At may nagpakitang lalaking nakasuot ulet ng puti, "ako ang lider ng mga lalaking nakasuot ng puti, LNP for short." sabi niya. "TANGINA MO! IKAW BA ANG BUMATO NG KUTSILYO NA TUMAMA SA MATA KO?!" tanong ng galit na galit na Gregorio. "Trap iyun, pare" sagot ng kalmadong lider ng mga lalaking nakasuot ng puti(LLNP fpr short). Tumakbo patungo kay LNNP si Gregorio habang dala-dala ang ispadang napulot niya. Ngunit ang hinde alam ni Gregorio at nagaral ng Jiujitsu si LLNP. Hinawakan ni LLNP ang wrist ni Gregorio na may hawak ng ispada at kinuha ang ispada. At pagkakuha niya ng spada ay hiniwa ni LLNP ang braso ni Gregorio na may hawak ng ispada kanina lang. "ARGH! TANGINA!!" sigaw ni Gregorio na halatang nasasaktan ng todo. "Subukan mo pa akong patayin at papatayin kita; subukan mo namang umalis ay may gift pack ka mula sa Tide. Parang pamasko, alam mo naman ang Surf, may bagong pakulo" sabi ni LLNP. "Hinde ako aalis! may ipinangako ako kay Juan!" sagot ni Gregorio. "Tsk tsk.." sabi ni LLNP. At hiniwa ni LLNP ang kanang binti ni Gregorio. Natumba siya at sumigaw at nagmumura dala ng sobrang sakit. Kinuha ni Gregorio ang putol niyang kanang paa at itinama sa testicles. Bumagsak si LLNP sa sahig at inagaw ni Gregorio ang ispada kay LLNP at pinutol ang parehong binti ni LLNP. Pero linabas ni LLNP ang kanyang nakatagong dagger at sinaksak sa ribs si Gregorio. Pero wala nang naramdaman na sakit si Gregorio dahil sa kanyang galit. At hiniwa ang leeg(neck) ni LLNP. Hinde na gumalaw o huminga si LLNP. "Pwede na akong mamatay..." sabi ng Gregoriong putol ang kanan na braso at kanan na paa at sugat ang kaliwang mata.

Wednesday, November 29, 2006

Circum Size Me

haaaaaaaai... kakapanood ko lang ulet ng Super Size Me (salamat sa torrents). At pagkatapos kong panoorin ang dokyu na yun ay nainspire ako. Parang gusto kong gumawa ng sarili kong version ng Super Size Me!

May dalawa akong iniisip na dokyus na na-inspire ng Super Size Me, at yun ay ang: Extra Large Me at ang Upsize Me. Ang una kong ieexplain ay ang Extra Large Me. Ang Extra Large Me ay ang pinoy version ng Super Size Me. Baket naging Pinoy version? Kasi imbis na McDo ako kakain; sa Jolibee ako! At imbis na 30 days; 60 days! Baket 60 days? kasi alam naman ng mga nakapanood ng Super Size Me ay walang kinain na rice si main character ng Super Size Me. Kaya mahirap na kung ginawa nila ng two months ang Super Size Me. Alam naman natin na mahirap gawan ng alternative ewan ung rice. Kaya pure na rice ang ginagamit sa Jolibee! Kaya it's healthier and safer! At para mas maging pinoy ung Super Size Me, HINDE AKO PUPUNTA SA DOKTOR!! Baket? Kasi wala naman atang middle class na pinoy ang pupunta sa Cardiologist, Gastro-whatever! Pero marami naman sigurong pumupunta sa General Practitioners. Basta! hinde na ako magpapacheck up! Ay! pero ano pa ba point ng pag gawa ko ng kagaguhang un? Wala ring sense! Kaya siguro, sa simula ako mag papacheck up at pagkatapos ng diet. Tapos ung Up Size Me naman, parang Extra Large Me pero McDo naman. Eh since walang Super Size dito sa Pilipinas at Up Size lang ang meron. Hanggang dun na lang ako sa Up Size! wooooohoooooo! Kulang na lang ang pera at camera! Pwede ko naman gawin itong proyektong ito during summer eh!

Monday, November 27, 2006

oh elise it doesn't matter what you do

lumilipad ang isipan... hinahanap ang katotohanan... kelangan ko ng isaw... pati na rin pala Coke in can..

Nagising ako kaninang umaga ng walang laman ang utak. Ewan ko ba kung baket. Bumangon na ako, tinginan ko ang oras "aba'y alas sais na pala" sabi ko sa sarili ko. Nagmadali akong kunin ang aking twalya at dali-dali akong pumasok sa banyo. Ayos, nagpainit sila ng tubig para saken. Binuhos ko ung mainit na tubig sa balde at binuhusan ang aking katawan na antok na antok. Nagsabon ako, nagshampoo, nasigawan ng "KENNETH, LATE KA NA!". Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako. Kinuha ang polo, ang pantalon, at ang sapatos. "Putchak! hinde pa nila hinanda ung polo't pantalon at medyas" sabi ko. Antok na antok pa rin ako kahit tapos na akong maligo. Ewan ko ba kung baket. Kaya nasigawan nanaman ulet ako ng "KENNETH, ANO BA? PAPASOK KA BA?". "opo" sagot ko. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako at kumuha ng isang pirasong saging. Tumakbo papuntang sasakyan at natulog ulet.

Pagkagising ko ay nasa Beda na ako. Tiningnan ko ung oras, alas siyete kinse "aba'y sakto pa pagkarating natin ha" sabi ko sa driver ko. Pagkababa ko ng sasakyan ay naisip ko si 'i love "L"'. Ay, oo nga pala! may ipapabigay pala syang whatever para kay Kat(z). Pero sorry na lang sya, alas siyete ang sinabi nya pero alas siyete kinse na ako na karating. Sino kaya yun? Bahala na nga. Sakto nga talaga ang pagkarating ko sa Beda. Nagsisimula na ung flag ceremony. Ba't pa kasi kelangan ng seremonyas na yan. Buti sana kung tatalino tayo dahil dun o yayaman ba tayo? Buti sana kung maayos ung pagkanta ng Philippine National Anthem tska ung Bedan Hymn. Paano pa kaya sa World Cup? Dapat kakantahin natin ang national anthem with pride! Tska ung Bedan Hymn! putcha! Para naman tayong hinde nagchampion sa NCAA Basketball! Pero alam ko naman na wala ring kwenta ung pag-rant ko o pagbigay ng opinyon.

At ngayon hapon, napadpad ako dito sa Computer Lab ng Beda. Tapos na ung klase ng mga Hapay na whatever kids. AY! ung driver ko nga pala! lagot ako dun! paalam, at salamat sa pagbabasa.

Sunday, November 26, 2006

love story

isang araw sa Luneta Park, may mag-syotang nag-de-date. Gabi na noon at nakahiga silang dalawa at nakatingin sa kalawakan. "Maria" sabi ng lalaki. "Bakit Diego?" sagot naman ni Maria. "Mahal mo ba ako?" tanong ni Diego. "Mahal na mahal kita" patawang sagot ni Maria "Hanggang kamatayan". At napatahimik na lang ang dalawa buong gabi. Pero hinde nila alam, may isang lalaking gustong umagaw kay Maria na nagtatago lang sa likod ng mga nagbebenta ng lobo. Hinintay niya hangga't antukin ang dalawa. May masama siyang binabalak.

Dumating na ang alas once ng gabi, at gusto nang umiwi nina Diego't Maria. At yun na ang hinihintay ng lalaking may masamang balak. At nang pasakay na ng taxi ang dalawa. Biglang hinila ng lalaking may masamang balak(tawagin na lang nga nating LMMB[acronym po ng lalaking may masamang balak] para hinde ko na isusulat ung 'lalaking may masamang balak'. Nagmumuka akong tanga eh) ang kamay ni Maria at binuhat niya ito. "Putang ina! Gago! baket mo tinatakbo si Maria?!" galit na sigaw ni Diego. "Tanga! eh kung habulin mo kaya ako!" sagot ni LMMB. "Ay oo nga 'no!" sabi ni Diego at tumakbo ng napaka-tulin. "IBALIK MO SI MARIA! PUTANG INA KA!" sigaw ni Diego kay LMMB. Pero kahit anong tulin ang takbo ni Diego ay hinde nya mahabol si LMMB. "Ambagal ng syota mo ha" sabi ni LMMB sa binubuhat nyang Maria "Partida na! buhat-buhat pa kita!". "Gago! pakawalan mo ako!" sabi ni Maria habang nag-i-istruggle na makaalis sa buhat ni LMMB. At naglaho na lang si LMMB kasama ang syota ni Diego. "PUTANG INA!! ASAN NA UNG GAGONG KUMUHA KAY MARIA?!?!?!" sigaw ng galit na Diego na rinig sa buong Luneta Park.

Umaga, masama ang gising ni Diego. "Putang ina! asan na kaya yung kumuha ng Maria ko?" sabi nya sa sarili nya. Hinde na nag-sayang ng oras si Diego at nagbihis na para hanapin ang kumuha kay Maria. Pagkabukas nya ng pintuan ay may nakatayo agad na lalaking mukang die hard fan ng The Matrix dahil sa suot niya. "Manong, sino po kayo? ba't kayo nandito?" tanong ni Diego sa lalaking mukang die hard fan ng The Matrix. "Ikaw ba yung boypren ni Maria?" tanong ng lalaking mukang die hard fan ng The Matrix. "Oo, baket?"
"Well, isa ako sa mga servants ni Mistress Maria"
"Mistress si Maria?"
"Oo, hinde lang niya sinabi yun sa iyo"
"Ano ba ang Mistress?"
"Ang Mistress ay ang babaeng vesion ng master"
"Ganun ba? galing ha"
"(putcha! sya pa lang ang hinde nasusurprise dun ha) Alam mo bang may magical powers si Mistress Maria?"
"Hinde ko nga alam na title nya ay Mistress eh! Yun pa kaya?"
"Ay, oo nga pala. Utos nga pala sakin ni Mistress Maria ay kausapin daw kita"
"Tungkol saan?"
"Kung paano mo ma-se-save sya"
"May paraan?! Alam nyo kung nasaan sya?! DI NGA?!"
"Oo, pero may konting problema tayo sa pag-save sa kanya"
"Baket? wala tayong memory card?"
"(corny pala mga type ni Mistress Maria) HINDE!! Nasa ibang dimensyon si Mistress Maria!"
"So... ano meron?"
"Ibig sabihin nun ay hinde ka makakapunta dun ng kasama ang katawan mo"
"So... sinasabi mo bang magpapakamatay ako?"
"Ganun nga po"
"PUTANG INA!! BA'T PA BUHAY ANG KAPALIT?!?! TANG INA NAMAN O!"
"Ngunit iyun na lang po ang paraan! Dahil hinde ordinaryong nilalang ang kumidnap kay Mistreess Maria!"
"May baril ka diyan?"
"Eto po o"
*BANG*

Nung buksan ni Diego ang kanyang mga mata ay nakita nya ang katawan nyang pinagkakaguluhan ng mga tao. "Buti na lang walang mga necrophiliac dito samin" sabi ni Diego sa sarili nya. "Sir Diego, eto na po ang portal papunta sa kabilang dimensyon" sabi ng lalaking mukang die hard fan ng The Matrix. At may portal ngang lumabas sa tabi ni ng lalaking mukang die hard fan ng The Matrix na kulay purple. "Dito ko na ba mapupuntahan siya?" tanong ni Diego. "Oo, dito na nga po. Sige na. Hinihintay ka niya" sagot ng lalaking mukang die hard fan ng The Matrix. At naglakad si Diego patungo sa portal....

Napunta si Diego sa isang madilim na lugar. Ngunit may parang spotlight sa kinakatayuan nya. "Shet! may spotlight! sosyal!" sabi ni Diego. "DIEGO?!" may isang faint na boses na tumunog. "Parang si Maria yun ha!" sabi ni Diego. At tumakbo na lang sya sa direksyon ng tunog. At pagkarating niya dun ay nakita niyang nasa isang cage si Maria at kinukuhanan ng lakas ni LMMB. "Putang ina! ano yan?!" gulat na sinabi ni Diego. "Bwahahahaha! may ilang segundo na lang si Mistress Maria para mabuhay! dahil kinukuhanan ko sya ng Life Force!" sabi ni LMMB na parang ginamitan ng vocoder ang boses. "Putang ina mo!" sigaw ni Diego at sabay sapak kay LMMB. Pero hinde nakramdam ng sakit si LMMB dahil may force field na nakapalibot sa kanya. "Buwahahahahahaha! may sampung segundo ka na lang!!". Nanlisik ang mata ni Diego at singigaw "KAGEBUNSHIN TECHNIQUE!!". At biglang dumami si Diego! "Haduken!" "Optic Blast!" "Kamehameha!" "Shoryu Repa!" nagsigawan ang mga Diego at gumamit sila ng mga techniques ng mga characters mula sa Marvel, Dragon Ball, Capcom at kung saan pa! Bumagsak si LMMB at nawala ang cage na pumapalibot kay Maria. "Maria! ayos ka lang ba?" dalidaling lumapit si Diego sa kanyang mahal. "Ayos lang ako." sagot ng naghihingalong Maria "Pwede na tayong magsama". "MAHAL KITA MARIA!! ALALAHANIN MO YUN!" sagot ng paluhang Diego "Wag mong kakalimutan ang sinabi mo saken sa Luneta Park!!". At yinakap ni Diego ng mahigpit si Maria...

=Patawad po kung low class itong storya ko. Ginawa ko lang kasi ito ng isang oras lang. At ginawa ko lang ito dahil bored ako at ayaw kong gawin ung project sa Theo tungkol sa The Christ Commission=

Saturday, November 25, 2006

me and my crazy victory dance

Today's one of those big days. May training kami ngayon sa Mendiola. Ano meron? Wala lang. Sabi kasi sakin ni Coach John(coach ng football team[?]) na mag-training daw ako kung gusto kong masali sa lineup ng NCAA. At sa December 12 na ang pasahan ng lineup ng maglalaro sa NCAA. 22 ang spots at 19 na ang napili para sa lineup. Kaya tatlo na lang ang spots na pwede. Siguradong nasa lineup na si Toru dahil kelangan ng reserve na goal keeper. Pero ako, si Pan, si Tugcay at si Malibiran ang mga pwede pa dun sa natitirang dalawang spots. Kelangan kong makuha yung isa dun!! Mataas na siguro chances nina Pan at Malibiran. Kasi nasali na sa Mendiola FC(Football Club) si Malibiran at football player si Pan sa Thailand. Eh ako naman? dalawang taon pa lang ako naglalaro ng football! Hinde pa nakakasali sa Football Club at hinde pa nakakalaro ng isang game ng totoong football! KELANGANG KONG MAHIGITAN ANG GALING NG DALAWA!!!

Tapos na rin ang IAC. Hinde na ang mangingitim pa lalo, hinde ko na mamumura ng todo ang mga bata ko, at hinde na ako makakatulog ulet sa Mendiola Hall. Pero nag-enjoy naman ako! Kahit walang kapana-panalo ang futsal boys, kahit third lang kami sa basketball, kahit pang-ilan lang kami sa volleyball. At least makakapag-chinelas ako sa Beda at makakapagsuot ng shorts na pagka-ikli-ikli! weeeeeee~ Ma-mi-miss ko rin ang pag-sayaw ng victory dance ko tska ang pagtakbo na mukang ewan pag galing sa football field. AMPUTI KO! GRABE!

lunacy

yey! nasalo ng futsal girls namin ang kahihiyan na natanggap ng futsal boys namin. 1st place! putchak! salamat sa mga players(nag-laro man o hinde), salamat sa mga nanood at salamat na rin dun sa nagbuhat ng tubig.

Pero since ako ang (so-called)coach ng futsal division ng 2-20, feeling ko kelangan kong i-explain kung ano ba talaga ang echas na nangyari(tska nakikinig naman kasi ako sa usapan nila para magets ko rin). Ganito kasi yun, 4-1 ang win loss record ng 20 at 3-2 ang sa 21 naman. Pero ang sa 23 at 25 ay 2-2. So ibig sabihin lang nun eh kulang ng isang game ang 23 at 25. At pag naglaban ang 20 at 21 sa championship, isa dapat sa 23 at 25 ang magiging 3rd place. Pero since nag-tie sila, magkakagulo kung sino ba ang dapat ilagay. Kaya minabuti na lang na magkaroon ng laban ang 23 at 25 para maging lima na ang mga games na nalaro ng dalawang sections. At since win over the other ang rule, hinde na makakalaban ng 20 ang 21. Ang makakalaban ng 20 ay kung sino ang mananalo sa laban ng 23 at 25. At since nanalo ang 25 sa laban with 23. 25 ang nakalaban ng 20. Wag nyo na ring isipin na si Coach John(ung tagapagmahala ng futsal games) ang may kasalanan. Ang may totoong kasalanan ay kung sino nag-ayos ng sched ng futsal games. Kasi linagay dun na may Championship match pa. Kung wala nang Championship match, by ranking na lang yan o by point system! Hinde nyo siguro nagets un pero bahala na. Congrats sa mga players, at least may isang major na panalo tayo!! wooooohoooooo!!

Thursday, November 23, 2006

futsal blues

sayang.. wala pang kapana-panalo ang boys futsal squad ng 2-20.. pero at least.. undefeated pa rin ang girls futsal squad ng 2-20!! wooooohoooo.. salamat sa mga opensa(Clang and Pieranne), salamat sa mga depensa(JC, Apple at kung sino man un) at salamat sa napakagaling naming goal keeper na si Shenyll!! ewan ko ba kung ano ang meron sa kanya pero hinde makalapit ang bola sa kanya.. wooooohooooo!!

kawawa naman ang boys futsal squad ng 2-20.. wala na ngang kapana-panalo.. tadtad pa sa insulto't mura mula sakin.. kung sa girls futsal squad puro pasasalamat.. sa boys naman.. mga paghingi ng patawad.. sorry Limlengco.. dahil napaiyak kita at ikaw pa ang sinisi ko kung baket tayo talo.. sorry kay Corky na pinilit kong maglaro sa game with 23 kahit alam ko nang mahina ka.. sorry kay Anzel na pinag-mumura't pinag-iinsulto sa harap ng 2-21.. sorry kay King dahil pinilit kitang mang-hawak ng ----- ng iba(pero.. sinunod mo ang utos ko.. tska... GOOD JOB!!).. feeling ko.. ako talaga may kasalanan kung baket ampangit ng laro nila.. kasi inisip ko lang na ako lang ang gagawa ng lahat sa buong game eh.. hinde ko na inisip yung mga iba kong players.. hinde ko inisip na pagbabawalan ako ni coach maglaro.. pero.. kelangan kong i-accept ung fact na natalo kami at dahil un sa kapabayaan ko.. patawad mga bata ko...

pero kahit bigo ako sa pagiging futsal player sa IAC.. baka matanggap daw ako sa football team ng Beda na maglalaro sa NCAA.. sabi kasi ni coach saken na mag practice daw ako kung gusto kong masali sa NCAA.. kaya mula ngayon.. sasama na ako sa mga practices namin!! ipagdasal nyo ako...

BUKAS NAMAN.. malalaman na natin kung magigi pa ring undefeated ang 2-20 girls futsal squad.. at isa pa! kung magkakaroon man ng game bukas ang boys futsal squad.. magiging play for fun na lang ang laro! at magiging 'Jerusalem King Rull Defense' ang depensa namin.. at ang depensang iyun ay ang paghawak ng -----! supportahan nyo ang futsal division ng 2-20!! gayahin nyo ang 1-14! wagi sa futsal! boys and girls! kaya natin 'to!!

Monday, November 20, 2006

whispers in the night

ngaayong alas diyes-diyes ng gabi may bumulong sa aking tenga.. ano sinabi nya? "Kenneth, mag post ka".. sinagot ko ng "baket? sino ka ba? baket mo ako pinagpopost?" sumagot naman sya "dahil ako ang iyong konsenya"... nagulat ako.. natulala ako.. "baket bumubulong saken ang konsensya ko?" ay naku.. biglang may nag-text.. alas diyes-trese.. si Daniel pala ang nag-text.. naku.. mukang nasa isang storm sya.. wala pa naman akong load.. kaka-download ko lang ng laro.. sorry pare! at biglang bumulong ulet saken ang konsenya ko.. sabi nya "Kenneth, matulog ka na.. alas diyes-kwatorse na".. sinagot ko naman sya.. "huh? akala ko ba gusto mo akong magpost?".. sagot naman nya "kulang ka sa tulog.. matulog ka na!".. sagot ko naman "paano itong post na ito? wala na syang laman?".. tumahimik kami hanggang alas diyes-bente.. ewan ko ba kung baket.. siguro kasi naubusan sya ng mga maisasagot saken.. o hinde ko lang sya marinig dahil nakikinig ako sa bago kong download na album ni Imogen Heap(salamat Chua).. ay.. pero tinatamad ako makinig ngayon.. gabi na rin naman at may mga natutulog na.. kaya ititigil ko na ang soundtrip ko.. sabay ayun! nagsalita ulet ang konsensya ko.. "Kenneth, ano ka ba? may training kayo bukas sa Mendiola.. you need effin' rest!".. sagot ko.. "Konsensya, kahit anong gawin kong pikit hinde pa rin ako makatulog"... at sumagot sya.. "tingan mo ang stat ni Pao Tiausas! Sugarfree - Tulog Na! hinde ka ba natatamaan dun?".. napaisip ako ng sandali.. 'shet.. oo nga pala.. at sinagot ko ang konsenya ko ng "dude.. sorry hinde ko nakita(kahit nakita ko naman talaga)".. napatahimik ulit kami.. ewan ko ba kung baket ko sinasagot ang aking konsensya.. at ayun.. naisipan ko na ring itanong kung ano pangalan nya.. "Konsensya, ano pangalan mo?".. "ang pangalan ko ay George" ang kanyang tugon.. "Oh! ikaw pala George.. baket mo ba ako pinag-po-post?" tanong ko sa bago kong kaibigan.. "ewan ko ba.. feeling ko lang kasi na kelangan mong mag-post" sagot ng aking bagong kaibigan.. "ganun ba?" sagot ko "so.. ano ba dapat ang ilagay ko sa post na ito?"... sinagot nya ako ng "kahit wag ka nang mag-type... okay na yung ginagawa mong post".. nagtaka ako.. nakakahiya naman kasing magpost na walang laman ito.. magmumuka kasi akong retard nun.. sinagot nya ulet ako "muka ka nang retard, Kenneth".. nagulat ako.. "baket naman?!" aking sinagot.. "kasi linalagay mo na sa post mo ang usapan nating hinde naman totoo.. isang usapan na kathang isip lang!" sagot nya... at matapos nun.. tumahimik na sya.. at nalinawan na ako.. nakita ko ang katotohanan at naintindihan ko ang tunay na ibig sabihin ng pagkakaibigan...

*this blog entry can also be called 'the retard's post'

Tuesday, November 14, 2006

70

mga kids.. eto po ang 70th post ko.. wala lang..
oras: 8:00

masaya ako ngayon.. dahil sa sobrang saya ko.. handa na ako sa aking kamatayan.. sana nga kunin na ako ni Lord o kung sino man ngayon eh.. dahil sayang rin ang buhay natin.. lalo na pag gumagawa at nagbabasa ka ng blogs.. grabe! napakasaya ko talaga.. feeling ko super hero na ako.. kaya ko nang gawin kahit ano.. magswimming kasama ang mga sharks.. tumalon sa taas ng isang building.. o magpabungo sa tren.. dahil alam ko naman na kaya ko silang pigilan.. dahil superhero ako.. kaya kong pigilan ang mga masasamang loob.. kaya ko rin sila patayin.. pwede ko silang ikulong.. pero mas gusto kong patayin sila dahil sa impyerno lang nararapat ang mga kriminal.. mga kriminal talaga! ba't pa sila nabuhay sa mundong ito! dapat kinukuha na sila ni Satanas o kung sino man! mga mamamatay tao, kidnappers, rapists, mga baliw na nananakit na lang ng kung sinu-sino.. ipapatay na lahat sila!! ibalik ang death sentence.. dapat ipawalang bisa na ang batas na bawal ipakulong ang mga bata o bigyan ng death penalty! dapat lahat ng mga kriminal.. bata man o matanda.. babae man o balka.. pinapapatay! magsama silang lahat sa impyerno!

at sana na-gets nyo po ito.. dahil pag-nagets nyo ang ibig sabihin nito.. kilala nyo ako..

tuesday bliss

ayos.. ansama ng simula ng araw ko.. nalaman ko lang na babagsak ako sa music this quarter(again).. pero since homo sapien sapien(doubly thinking human) ako.. may naisip akong paraan kung paano ma-avert ang isa nanamang ragnarok.. at iyun ay ang sumali sa marching band! buti't naandun si Januel nung pinagbabagsak kami ni Crisostomo.. heheheheheh! eat me!

pag sasali ako sa marching band.. siguro I'll play percussions.. ispecifically snare drums.. pero kino-concider ko rin ung bass drums.. bahala na.. basta ayaw ko sa cymbals.. tska malay nyo.. baka makuha ako sa high school band.. un nga lang.. palagi akong nasa bleachers pag manonood ng game.. T_T

basta.. ang point ng pagsali ko sa marching band ay ang exemption.. kasi.. ang mga kasali sa marching band ay exempted sa music, PE at CAT!! putcha! ano kayo?? hahahahahaha.. safe na ako sa babagsak na grade kay Crisostomo! pero mamimiss ko rin ung ingles ni Cabuang.. GOOD MORNENG!

another one of those senseless musings

naisip nyo na ba kung anong noble na gawain na pwede nyong gawin? imposible man o posible? magago man o seryoso?

habang iniisip ang mga nangyayari sa pilipinas ngayon.. I wondered kung ano na kaya ang kahihinatnan ng bansang ito? ano kaya ang mangyayari satin? oo.. umaasenso na ang piso laban sa dolyar.. pero pera lang ba at mga materyal na bagay ba ang importante? andyan naman ang mga tao.. sila ang bumubuo sa bansa natin.. sila dapat ang pagtuunan ng pansin.. tingnan nyo.. nagkalat ang mga pulibi sa lansangan.. ang mga skwater; nag susulputan na lang parang kabute.. nasubukan nyo na bang magbigay ng mahal na bagay sa mga nilalang na ito? nasubukan nyo na bang ibigay ang burger nyo na nabili nyo sa Chili's sa kanila? o nasubukan nyo na bang patikmanin ang mga batang iyun ng mga kape o frap na nabibili nyo sa Starbucks? mga tao! kelan ba kayo magigising? kelan nyo ba sisimulaang tulungan ang mga nangangailangan ng tulong? wag nyo nang i-asa sa iba o sa petiks nating pamahalaan ang pagtulong sa kanila.. dahil baka matagalan pa sila.. at pag lalong tumagal.. baka lalo lang lumala.. san ba dapat natin simulaan ang tulong? para sakin.. dapat ito simulaan sa mga bata.. dahil sila ang kinabukasan ng ating bansa.. kaya tulungan natin ang mga public schools na mabigyan ang mga bata ng dekalidad na edukasyon! pero dapat.. disiplinahin rin natin sila.. dahil posibleng lulong na sila sa mga masasamang droga at maadik sa walang katapusang -ap o -ar sa DotA! at pag umasenso na ang mga bata.. tulungan na natin ang mga matatanda!

pero hinde yun ang iniisip kong pag-tulong.. parang cliche na kasi eh.. kaya ang naisip ko.. ay kukunin ko ang lahat ng mga sakit(ailments) ng mga tao.. at ilalagay ko sa katawan ko.. para wala nang mga viruses sa mundong ito! amen..

Monday, November 13, 2006

shooting skulls

isa lang ang masasabi ko sa mga bata ko(futsal players). ambabano nila! pero 30% lang ang nakita ko sa kanila.. di ko na alam kung ano itsura ng 100%.. Redmond, Fernandez and Corcuera on offense and Valderrama on defense and Limlengco as the keeper! wooooohoooo! pero natakot ako sa play ng mga bata ko.. si Limlengco.. panget ang pag-g-GK.. ang mga bata ko.. nag-didikitan.. at hinde sila sumusunod sa formation.. at ako naman.. mahina ang endurance.. siguro surprise attack na lang strategy ko.. GINAGAMITAN LANG YAN NG UTAK!!

para sa mga gustong makaalam.. ang formation namin ay posibleng 3-1 offense or 2-1-1 or 1-2-1.. magiging dangerous ang formation namin pag 3-1 offense dahil ang focus ng formation na yun ay pag-iskor lang ng goals.. kaya once na maagaw ung bola.. isang defender at ang GK na lang ang inaasahang tumigil ng attack(pero inaasahan ko na ang defender lang ang tumigil nun). pag 2-1-1 naman.. medyo safe na yun.. since dalawa na ang pwedeng tumigil ng attack.. pero ang problema lang.. medyo manghihina opensa namin.. dahil may dalawang strikers, isang midfield at isang full back(at ang goal keeper ay parang dwende lang).. tas at ang 1-2-1 formation.. ang formation na pinaghandaan ko ng mabuti.. isa itong versatile at balanseng formation.. dahil pwede sya mag-bago at maging 1-1-1-1 or 3-1 or 1-3.. andami ko nang plays na hinalo para sa play na yun! putcha! tingnan lang natin kung hinde mahirapan ang kalaban sa ganung formation!

ang susunod ko namang nating paguusapan ay ang lineup!! may dalawa kaming ghost players sa line up ng futsal namin.. at bawal ko sabihin kung sino sila! pero ang pwede kong sabihin ay ang mag posisyon ng mga bata ko! at ang mga bata ko ay sina:
Juan Benito Corcuera - fullback/midfield/secondary striker
Gerard Nick Chu - goal keeper/offensive midfield/fullback
Redmond Zapanta - striker
Anzel Paul Valderrama - defensive midfield/fullback
Kenneth Francis Fernandez - striker/goal keeper
Jerusalem King Rull - midfield
Ralvin Ronald Torres - goal keeper
Michael Dennis Limlengco - goal keeper
Kevin Gerico Rivor - midfield
Kevin John Cabral - fullback\defensive midfield

at sana naman po ay wala kayong natutunan sa post na ito.. dahil para akong San Beda pag may training.. closed sa public.. pero eto na po.. nag post ako ng ganito.. salamat sa pag-babasa.. HaHa

Saturday, November 11, 2006

saturday I am in love...

gad! I am too weak to type the words that I really want to say.. alam nyo naman siguro na I need 10 hours of sleep to function properly.. at sa buong linggong ito.. halos anim hanggang limang oras na lang ang tulog ko.. salamat sa PLDT at kay Bea! mothaf--..

tatlo ang objectives ko ngayong araw na ito.. at yun ay ang:
makalusot sa integration ng Peer Facilitators (check)
masimulan ang project sa English (di pa nagagawa)
at makatulog ng sampung oras!! (di rin nagagawa)

gad! I need effin' sleep! kung pwede lang tumigil ang oras.. matutulog na lang ako buong araw.. oh god!

naku.. sa lunes na opening ng IAC namin.. tas ginawa pa akong parader ni Chua.. p'tang ina.. kelangan ko ring maghanda sa futsal.. ako pa naman team captain.. kinakabahan rin ako.. dahil ako ang coach ng fustal squads ng 2-20.. pero hinde naman labag sa aking kalooban yun! pero natatakot lang ako na ako ang sisisihin pag natalo kami.. tska kelangan rin pala nilang matutuo mag-futsal.. naku.. pero nakita ko naman na may potential sina: Anzel, Jan at si Rull.. kulang lang sila sa lakas na kakailanganin lalo na't kami lang ng 2-22 ang hinde makakarecieve ng tulong mula sa mga football players.. kita mo.. may Malibiran ang 2-21, may Kan ang 2-23, may Cuaycong ang 2-24 at may Renzi ang 2-25! at narinig ko rin kay Limpot na iaabolish na ang bracket-whatever sa IAC.. kaya baka malagot kami pag nakaharap namin ang 2-21.. oo.. inaamin ko.. natatakot ako kay Mozo.. natatakot ako kay Eusebio.. natatakot ako kay Pan.. natatakot ako kay Pujante(makakaganti ako sa iyo!!).. pero hinde dapat ako pangunahan ng takot.. isang team game naman ang lalaruin ko diba? kaya makakakuha pa ako ng lakas mula sa mga team mates ko.. nandyan naman si Redmond on attack.. Jan on defense.. at ayaw ko nang imention ang pangalan ng mukang mahina naming goalkeeper.. para sa mga hinde nakakaalam.. nakahanda na ang mga strategies ko na ieexecute ko sa mismong game.. kulang na lang ay magets ng mga players ko yun.. at sana naman.. makatikim rin ako ng panalo sa futsal.. PARA SA INYO ANG LABAN NA ITO 2-20!!! *sings Manny Pacquiao's song Para sa Iyo Ang Laban na 'to*

Friday, November 10, 2006

Fragments of Memories...

oh Final Fantasy VIII! I missed Squall, Laguna, Rinoa, Zell, and Seifer... I missed Shiva, Ifrit, the Brothers and Diablo... I missed the Lunatic Pandora, the Ragnarok, and Balamb Garden... It's like reviving a dead girlfriend.. I missed you..

Final Fantasy VIII is my favorite in the series.. there's no doubt.. I really don't know why.. maybe because it's the first final fantasy game I ever played.. I missed junctioning GFs.. I missed putting Squall, Zell and Rinoa together to complete my dream squad.. I missed the flying gardens(Balamb and Galbadia).. I missed the soundtrack(especially the Winhill theme song Fragments of Memories, Laguna's battle music, the Trust Me song, and the Fisherman's Horizon theme).. I missed Sorceress Edea.. I missed the Leonheart Limit Break that caused 9999 damage everytime.. and I missed the ending.. but it still leaves me with a question in my head.. did Squall really die in the end?

I just dl'ed the original soundtrack of Final Fantasy VIII.. it's just a 200 megabyte download..

surprises and the like...

oooooh.. may Gemini pala kami ng Spongecola sa PC ko.. sino kaya nag-dl nito? ayos pa boses ni Yael dito.. fuck his new songs!

nagiisip ako kung ano magiging itsura ng mga short films kong gagawin.. trip kong magpaka-RA Rivera eh.. iniidolo ko sya.. gusto kong makisali sa mga indie filmmakers.. kaya nagiisip na ako kung ano ang magiging produkto ko.. pero salamat kay Jeszel Marie Sigua.. kasi binigyan nya ako ng mga ideya sa mga gagawin kong art.. salamat rin kay Paolo Quimbo, kay Paolo Fernando Chua, kay Bien Rose Landicho, Toru Takahashi, Daniel Obedoza, Elmar Jon Lactaoen, Hennessy Del Rosario dahil kung wala kayo hinde magkakaroon ng 'flavor' ang binu-brew kong artworks!


so.. ano nga ba ang mga naitulong ng mga taong iyun? hmmmmm.. una muna.. sila ang nagbigay saken ng mga ideas kung ano ang theme ng mga artworks ko, kung ano ang pagkatao ng mga characters ng artworks ko, at kung anu-ano pa! at eto po ang mga examples ng mga ideang naibigay nila:
  • character: isang assassin na pumapatay gamit ang mga specialized combs/suklay nya.. most likely na magiging babae sya...
  • story: isang upuan na kumakain ng bata.. pero may isang batang matapang at makikipagkaibigan sya sa kanya.. at nakilala lalo nung bata yung upuan at naging magkaibigan sila.. at nalaman rin ng bata ang dahilan kung baket ganun ung upuan...
  • story: isang babaeng mage ay mapapadpad sa dimension ng isang introverted na demi-god.. at nung napunta dun ang mage.. hinde sya makahanap ng paraan para makaalis.. so gumala muna ung mage sa dimensyon nung demi-god at kinilala na rin nya yung demi-god.. pero sinungitan lang nung demi-god yung mage.. kaya nung makakaalis na yung mage na-realize ng demi-god na in love pala sya dun sa mage na yun.. pero huli na ang lahat ng gusto na nyang sabihin sa mage kung ano ang gusto nya talagang sabihin...
  • character: isang über introverted guy na dahil sa sobrang pagka-introverted at wala syang mapagsabihan ng mga hinaing nya.. namatay sya...
  • theme: love sa mga dark and creepy places.. HINDE MAKING LOVE HA!!
  • theme: mga magkaibigan na magbackstabban...
  • character: isang japanese guy na fluent sa Deutsch...
  • theme: LOVE
  • theme: false freedom
  • theme: wala talagang aboslute na bida o kontra-bida..
  • theme: kadalasang lalaki o gay o bisexual na lalaki ang mga characters...
at iyun po mga kaibigan ang mga naitulong ng mga kilala kong tao sa aking artworks.. right now may ginagawa akong short story.. tungkol sa isang batang namatayan ng tatay at nawalawalan ng nanay.. dalawang pages pa lang ang nagagawa ko.. gamit kong font ay New Times Roman at 12 ang font size.. at sampu/10/diyes na ang mga nabibilang kong profanities!!

Thursday, November 09, 2006

Musing of a Fragile and Zealous Boy

oras: hapon
lugar: parking lot ng Beda
ginagawa: tinitingnan ang kalangitan

napakaganda talaga ng mga gawa ng panginoon.. sayang nga lang at parang napapalayo na ako sa kanya.. at malaki ang chances kong masunog sa impyerno.. pero kung iyun ang nararapat.. yun ang dapat kong harapin..

haaaaaaaaay.. napakaganda talaga ng pwesto ng San Beda College Rizal Campus.. malapit sa mga magagandang bundok at dahil sa altitude nya.. malapit sya sa kalangitan.. at habang hinihintay ang aking driver na nanood pa ng training ng basketball players.. tinitigan ko lang ang mga magagandang ulap sa napakagandang kalangitan.. kung pwede ko lang hawakan ang langit.. at kung pwede akong makalipad at sumayaw kasama ang mga ulap.. pero hanggang dito na lang ako sa lupa habang tinitingnan ko ang isang napakalaking art gallery na tinatawag kong kalangitan.. kung pwede ko lang ibulong ang mga salitang gusto kong sabihin sa iyo..

pauwi.. nakabukas ang bintana ng sasakyan.. katabi ko si Toru na naglalaro ng 2006 Real Football sa celpon ko.. mula sa isang walang laman na subdivision sa bundok hanggang sa mga kalsada ng Rizal.. di ko alam.. pero nung nasa daan ako pauwi.. naapreciate ko ang bawat bagay na nakita ko.. bawat tunog na narinig ko.. at bawat amoy na pumasok sa ilong ko.. miski basura man yan o yung matinis na tunog pag nag-bre-brake ang jeep o usok ng sasakyan.. I saw beauty in everything.. siguro kasi.. alam kong gawa ni God yun.. and I saw art! I saw realtiy! and most importantly.. I saw the true meaning of humanity!

nanghina ako habang pauwi.. mabigat na ang aking mga mata.. pero kelangan ko pang makita ang gusto kong makita.. ngunit mas malakas ang katawan ko keysa sa will power ko...

Tuesday, November 07, 2006

I'll always find a way...

HAH! kala ng mum ko mapuputol nya ang internet services ko sa pagtanggal ng cable ng modem ha! meron pang internal modem ang PC'ng ito! so pwede pa ako mag-internet! dial-up nga lang.. pero at least may internet pa ako!

mga boys and girls.. dinedemonstrate ko sa inyo ang isa sa mga strategies sa Thirty-Six Strategies ng mga Chinese.. ito[Thirty-Six Strategies] ay isang koleksyon ng 36 na proverbs na nasasabing militaristic tactics na ginamit nung Warring States Period sa China.. ang ginamit ko ang Strategy 14(which happens to be my favorite number).. at ang strategy 14 ay 借屍還魂" "借尸还魂.. di nyo gets 'no? sige.. ang english translation nun ay: borrow another's corpse to resurrect the soul/ raise a corpse from the dead.. since nabasa ko lang un sa isang librong nawala.. hinanap ko na lang sya sa internet.. fortunately.. nakahanap ako.. sa Wikipedia pa!(kaya may chinese characters ako eh! ;)) eto ang ibig sabihin ng Strategy 14: "Take an institution, a technology, or a method that has been forgotten or discarded and appropriate it for your own purpose. Revive something from the past by giving it a new purpose or to reinterpret and bring to life old ideas, customs, and traditions."... pwede rin masabing ako ang Dakilang Pasaway kaya nakapag-internet pa ako! ;)

Isa lang yun sa mga 36 strategies.. at may 35 pang hinde ako nasasabi.. sa kasalukuyan, sa 36 strategies ko binabase ang mga stratehiyang ginagamit ko sa laban ng buhay.. pero hinde ko lang dun binabase ang mga stratehiya ko.. kasama na rin ang mga works ni Confiucius, yung The Art of War ni Sun Tzu at iba bang stuff ng mga naunang Asian peoples.. pero maayos na rin ung mga philosophies ni Kierkegaard.. pero existensialism ung mga philosophies nya.. kaya hinde applicable ang mga philosophies nya sa buhay ko.. bahala na nga! basta.. sa kolehiyo.. mag-b-BA Philosophy ako! at magiging indie filmmaker na gumagawa ng mga philosophical ART films!!

Monday, November 06, 2006

ragnarok

nung nabasa nyo ang title ng post ko.. siguro ung larong Ragnarok Online ung naisip nyo agad 'no? well.. I can't blame you.. mas nauna nyo sigurong nalaman ang Ragnarok Online keysa sa Norse Mythology Ragnarok..

ano nga ba ang Ragnarok? well.. Ragnarok translates to The Fate of The Gods or End of The World.. ito ung storya ng laban nina Odin at Loki.. sa laban na iyun.. alam na ng mga gods kung sino ang papatay kay ganito at kung sino ang papatay sa kanya.. at sa huli.. mamamatay lahat sila para mag-give way sa mundo ng mga tao.. pero hinde ako ganun ka-sigurado sa mga tinype ko.. un lang ung nabasa ko sa libro eh.. pero the story is all about facing your destiny.. at un ang nangyayari saken ngayon.. well.. dati ko pang alam na destiny ko nung 2nd quarter.. dahil nag-petiks ako.. at naapektuhan pa ng mga training sa football team.. bumagsak ng todo grades ko.. ngayon.. hihintay ko na lang ang mga 'pre-Ragnarok events'.. pero hinde pa sila nagpapakita.. narinig kong uuwi dad ko sa 18th.. dun kaya magsisimula ang mga pre-Ragnarok events? or dun mismo magsisimula ang Ragnarok? di ko alam...

handa na akong harapin ang aking destiny.. handa na akong harapin ang mga consequences ng mga actions ko.. handa na rin akong kunin ng Panginoon sa mundong ito.. bow

Saturday, November 04, 2006

shutting down in 5... 4... 3... 2... 1...

my gad! I hate PLDT!! una.. ung red tape sa DSL connection.. ngayon ang PU-- INANG PAG PUTOL SA LINYA NAMIN!! nagbayad naman kami ha! PU-- INA! isang linggo ang tagal nun sabi ni mami.. pero sana naman less than a week! PLDT, FU-- YOU!! actually may atraso pa PLDT sa mum ko.. kasi may mga pumapasok na tawag sa bill namin! kung di nyo gets.. imaginin nyo phone bill nyo.. tas nagulat na lang kayo na may mga chinarge sa inyong calls na hinde naman sa inyo.. kaya kelangan nyong magbayad ng PU-- INANG 10,000 pesos! eh wala naman kaming magawa kahit sa anong eksplanasyon hinde tinatangap ng PU-- INANG PLDT!! FU--'IN SH--!!

kaya dalawa ang post ko ngayong araw na ito.. kasi mawawala muna ako... pero wala rin namang nagbabasa ng blag ko.. kaya balewala rin un.. kaya ibaba natin ang mga daliri natin at itaas ang daliri sa gitna.. at itapat sa opisina ng PLDT!! MABUHAY ANG MGA REBELDE!!!

gapaghoul

ang bideyo na naka-embed dito ay bawal sa mga batang aged 13 pababa.. pero kung ganun ka katapang at wala naman nakabantay sa iyo.. sige! panoorin mo! I DON'T GIVE A F UH!!



Thursday, November 02, 2006

Where the other me is me..

ugh.. may dugo na plema ko.. baka stress lang siguro 'to.. wag naman sana Tuberculosis.. basta.. pag namatay ako.. sana wlang umiyak.. just belive that I will always be with you.. 68!!

kakagaling lang namin sa Zambales.. ang probinsya ng biches.. backyard pa lang ng bahay ng lolo't lola ko may bich na eh.. pero hinde kami dun natulog.. since walang ilaw dun at walang TV(at gusto nila[tita't insan ko] ng Pinoy Dream Academy) nagcheck in na lang kami sa isang malapit na 2 star hotel.. kami lang ata ang nagcheck in dun.. ang mga hallways ay madidilim.. ngunit hinde na nakakatakot ang lugar dahil sa tunog ng mga alon sa tabi ng bich.. pagkadating sa room 22 ibinagsak na namin ang mga bagahe namin at nanood ang mga tita't insan ko ng Pinoy Dream Academy.. habang ang lola ko'y natulog at ang mum ko'y naglaro ng Super Text Twist sa laptop nya.. pero ako naman.. humiga na lang sa kama at naglaro ng 2006 Real Football sa celpon ko.. alas once.. dumating ang mga reinforcements na may dala-dalang portable na lutoan at noodles (Lucky Me Instant Mami na Chicken).. kumain na lang ako ng noodles habang busy ang mga insan ko sa mga celpon nila sa kakatext sa kung sino man.. at nung inantok na ako.. natulog na lang ako at inisip.. 'may bukas pa ba?'

alas diyes.. ako'y nagising.. ako na lang ang nagiisa sa silid na tinulugan ko.. mahigit sampung oras ang tulog ko nguit pakiramdam ko eh kelangan ko pa ng pahinga.. pero narinig ko na pumutang swimming pool ang mga insan ko.. kaya pumunta muna ako sa bich.. at nag istreching-istreching habang pinapakinggan ang napakagandang tunog ng mga alon na humahampas sa buhangin.. at dumirestso na ako sa swimming pool.. medyo nalungkot lang ako dahil 4 feet lang ang lalim(babaw) nya.. pero dahil minsan nga lang ako makapagswimming.. nakisali na rin ako.. pagkatapos kong mag-swimming ay naghanda na ako papuntang sementeryo.. pagkabalik ko sa room namin eh nandun pa rin ang mum ko.. naglalaro ng Super Text Twist.. pero at least may time sya na ihanda ung pambihis ko..

pagkarating namin sa cementeryo ay inisip ko.. 'sana may maayos akong shots'.. pero pagkatapos kong maglibot sa buong sementeryo.. wala akong makitang maayos na shots.. maliban nga lang dun sa cross na mukang phallic sign.. pero may mga shots pa rin naman ako.. tingnan nyo ung visual shit site ko: http://www.flickr.com/photos/hengerbot.. dahil wala namang magagandang shots dun.. eh minabuti ko na lang na paglaruan ang mga kandila.. una muna naghanap ako ng bato at sinunog ko.. ewan ko ba kung baket ko ginawa yun.. hinde naman nasusunog ang bato pag linagay mo lang sa kandila.. nangingitim lang sila.. at ang sunog na bato ay lava.. kaya linunod ko na lang sa wax ang mga bato.. at kumuha na rin ako ng mga shots ng kandila na still life..

pauwi na.. nagpapaalam na ang araw.. wala akong magawa kundi tingnan na lang ang mga taniman at biches na dinadaanan namin.. at nung gumabi na.. nahalata ko lang.. may mga nakatirik na kandila sa tapat ng mga bahay.. at walang ilaw na nakasindi sa loob ng mga bahay.. parang may brown out sa lugar na yun.. pero hinde ko na un inisip at tinitigan ko na lang ang mga bahay na may mga naktirik na kandila.. it makes me feel somewhat at home...