Monday, November 27, 2006

oh elise it doesn't matter what you do

lumilipad ang isipan... hinahanap ang katotohanan... kelangan ko ng isaw... pati na rin pala Coke in can..

Nagising ako kaninang umaga ng walang laman ang utak. Ewan ko ba kung baket. Bumangon na ako, tinginan ko ang oras "aba'y alas sais na pala" sabi ko sa sarili ko. Nagmadali akong kunin ang aking twalya at dali-dali akong pumasok sa banyo. Ayos, nagpainit sila ng tubig para saken. Binuhos ko ung mainit na tubig sa balde at binuhusan ang aking katawan na antok na antok. Nagsabon ako, nagshampoo, nasigawan ng "KENNETH, LATE KA NA!". Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako. Kinuha ang polo, ang pantalon, at ang sapatos. "Putchak! hinde pa nila hinanda ung polo't pantalon at medyas" sabi ko. Antok na antok pa rin ako kahit tapos na akong maligo. Ewan ko ba kung baket. Kaya nasigawan nanaman ulet ako ng "KENNETH, ANO BA? PAPASOK KA BA?". "opo" sagot ko. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako at kumuha ng isang pirasong saging. Tumakbo papuntang sasakyan at natulog ulet.

Pagkagising ko ay nasa Beda na ako. Tiningnan ko ung oras, alas siyete kinse "aba'y sakto pa pagkarating natin ha" sabi ko sa driver ko. Pagkababa ko ng sasakyan ay naisip ko si 'i love "L"'. Ay, oo nga pala! may ipapabigay pala syang whatever para kay Kat(z). Pero sorry na lang sya, alas siyete ang sinabi nya pero alas siyete kinse na ako na karating. Sino kaya yun? Bahala na nga. Sakto nga talaga ang pagkarating ko sa Beda. Nagsisimula na ung flag ceremony. Ba't pa kasi kelangan ng seremonyas na yan. Buti sana kung tatalino tayo dahil dun o yayaman ba tayo? Buti sana kung maayos ung pagkanta ng Philippine National Anthem tska ung Bedan Hymn. Paano pa kaya sa World Cup? Dapat kakantahin natin ang national anthem with pride! Tska ung Bedan Hymn! putcha! Para naman tayong hinde nagchampion sa NCAA Basketball! Pero alam ko naman na wala ring kwenta ung pag-rant ko o pagbigay ng opinyon.

At ngayon hapon, napadpad ako dito sa Computer Lab ng Beda. Tapos na ung klase ng mga Hapay na whatever kids. AY! ung driver ko nga pala! lagot ako dun! paalam, at salamat sa pagbabasa.

No comments: