Thursday, November 02, 2006

Where the other me is me..

ugh.. may dugo na plema ko.. baka stress lang siguro 'to.. wag naman sana Tuberculosis.. basta.. pag namatay ako.. sana wlang umiyak.. just belive that I will always be with you.. 68!!

kakagaling lang namin sa Zambales.. ang probinsya ng biches.. backyard pa lang ng bahay ng lolo't lola ko may bich na eh.. pero hinde kami dun natulog.. since walang ilaw dun at walang TV(at gusto nila[tita't insan ko] ng Pinoy Dream Academy) nagcheck in na lang kami sa isang malapit na 2 star hotel.. kami lang ata ang nagcheck in dun.. ang mga hallways ay madidilim.. ngunit hinde na nakakatakot ang lugar dahil sa tunog ng mga alon sa tabi ng bich.. pagkadating sa room 22 ibinagsak na namin ang mga bagahe namin at nanood ang mga tita't insan ko ng Pinoy Dream Academy.. habang ang lola ko'y natulog at ang mum ko'y naglaro ng Super Text Twist sa laptop nya.. pero ako naman.. humiga na lang sa kama at naglaro ng 2006 Real Football sa celpon ko.. alas once.. dumating ang mga reinforcements na may dala-dalang portable na lutoan at noodles (Lucky Me Instant Mami na Chicken).. kumain na lang ako ng noodles habang busy ang mga insan ko sa mga celpon nila sa kakatext sa kung sino man.. at nung inantok na ako.. natulog na lang ako at inisip.. 'may bukas pa ba?'

alas diyes.. ako'y nagising.. ako na lang ang nagiisa sa silid na tinulugan ko.. mahigit sampung oras ang tulog ko nguit pakiramdam ko eh kelangan ko pa ng pahinga.. pero narinig ko na pumutang swimming pool ang mga insan ko.. kaya pumunta muna ako sa bich.. at nag istreching-istreching habang pinapakinggan ang napakagandang tunog ng mga alon na humahampas sa buhangin.. at dumirestso na ako sa swimming pool.. medyo nalungkot lang ako dahil 4 feet lang ang lalim(babaw) nya.. pero dahil minsan nga lang ako makapagswimming.. nakisali na rin ako.. pagkatapos kong mag-swimming ay naghanda na ako papuntang sementeryo.. pagkabalik ko sa room namin eh nandun pa rin ang mum ko.. naglalaro ng Super Text Twist.. pero at least may time sya na ihanda ung pambihis ko..

pagkarating namin sa cementeryo ay inisip ko.. 'sana may maayos akong shots'.. pero pagkatapos kong maglibot sa buong sementeryo.. wala akong makitang maayos na shots.. maliban nga lang dun sa cross na mukang phallic sign.. pero may mga shots pa rin naman ako.. tingnan nyo ung visual shit site ko: http://www.flickr.com/photos/hengerbot.. dahil wala namang magagandang shots dun.. eh minabuti ko na lang na paglaruan ang mga kandila.. una muna naghanap ako ng bato at sinunog ko.. ewan ko ba kung baket ko ginawa yun.. hinde naman nasusunog ang bato pag linagay mo lang sa kandila.. nangingitim lang sila.. at ang sunog na bato ay lava.. kaya linunod ko na lang sa wax ang mga bato.. at kumuha na rin ako ng mga shots ng kandila na still life..

pauwi na.. nagpapaalam na ang araw.. wala akong magawa kundi tingnan na lang ang mga taniman at biches na dinadaanan namin.. at nung gumabi na.. nahalata ko lang.. may mga nakatirik na kandila sa tapat ng mga bahay.. at walang ilaw na nakasindi sa loob ng mga bahay.. parang may brown out sa lugar na yun.. pero hinde ko na un inisip at tinitigan ko na lang ang mga bahay na may mga naktirik na kandila.. it makes me feel somewhat at home...

No comments: