Tuesday, November 14, 2006

another one of those senseless musings

naisip nyo na ba kung anong noble na gawain na pwede nyong gawin? imposible man o posible? magago man o seryoso?

habang iniisip ang mga nangyayari sa pilipinas ngayon.. I wondered kung ano na kaya ang kahihinatnan ng bansang ito? ano kaya ang mangyayari satin? oo.. umaasenso na ang piso laban sa dolyar.. pero pera lang ba at mga materyal na bagay ba ang importante? andyan naman ang mga tao.. sila ang bumubuo sa bansa natin.. sila dapat ang pagtuunan ng pansin.. tingnan nyo.. nagkalat ang mga pulibi sa lansangan.. ang mga skwater; nag susulputan na lang parang kabute.. nasubukan nyo na bang magbigay ng mahal na bagay sa mga nilalang na ito? nasubukan nyo na bang ibigay ang burger nyo na nabili nyo sa Chili's sa kanila? o nasubukan nyo na bang patikmanin ang mga batang iyun ng mga kape o frap na nabibili nyo sa Starbucks? mga tao! kelan ba kayo magigising? kelan nyo ba sisimulaang tulungan ang mga nangangailangan ng tulong? wag nyo nang i-asa sa iba o sa petiks nating pamahalaan ang pagtulong sa kanila.. dahil baka matagalan pa sila.. at pag lalong tumagal.. baka lalo lang lumala.. san ba dapat natin simulaan ang tulong? para sakin.. dapat ito simulaan sa mga bata.. dahil sila ang kinabukasan ng ating bansa.. kaya tulungan natin ang mga public schools na mabigyan ang mga bata ng dekalidad na edukasyon! pero dapat.. disiplinahin rin natin sila.. dahil posibleng lulong na sila sa mga masasamang droga at maadik sa walang katapusang -ap o -ar sa DotA! at pag umasenso na ang mga bata.. tulungan na natin ang mga matatanda!

pero hinde yun ang iniisip kong pag-tulong.. parang cliche na kasi eh.. kaya ang naisip ko.. ay kukunin ko ang lahat ng mga sakit(ailments) ng mga tao.. at ilalagay ko sa katawan ko.. para wala nang mga viruses sa mundong ito! amen..

No comments: