Thursday, November 23, 2006

futsal blues

sayang.. wala pang kapana-panalo ang boys futsal squad ng 2-20.. pero at least.. undefeated pa rin ang girls futsal squad ng 2-20!! wooooohoooo.. salamat sa mga opensa(Clang and Pieranne), salamat sa mga depensa(JC, Apple at kung sino man un) at salamat sa napakagaling naming goal keeper na si Shenyll!! ewan ko ba kung ano ang meron sa kanya pero hinde makalapit ang bola sa kanya.. wooooohooooo!!

kawawa naman ang boys futsal squad ng 2-20.. wala na ngang kapana-panalo.. tadtad pa sa insulto't mura mula sakin.. kung sa girls futsal squad puro pasasalamat.. sa boys naman.. mga paghingi ng patawad.. sorry Limlengco.. dahil napaiyak kita at ikaw pa ang sinisi ko kung baket tayo talo.. sorry kay Corky na pinilit kong maglaro sa game with 23 kahit alam ko nang mahina ka.. sorry kay Anzel na pinag-mumura't pinag-iinsulto sa harap ng 2-21.. sorry kay King dahil pinilit kitang mang-hawak ng ----- ng iba(pero.. sinunod mo ang utos ko.. tska... GOOD JOB!!).. feeling ko.. ako talaga may kasalanan kung baket ampangit ng laro nila.. kasi inisip ko lang na ako lang ang gagawa ng lahat sa buong game eh.. hinde ko na inisip yung mga iba kong players.. hinde ko inisip na pagbabawalan ako ni coach maglaro.. pero.. kelangan kong i-accept ung fact na natalo kami at dahil un sa kapabayaan ko.. patawad mga bata ko...

pero kahit bigo ako sa pagiging futsal player sa IAC.. baka matanggap daw ako sa football team ng Beda na maglalaro sa NCAA.. sabi kasi ni coach saken na mag practice daw ako kung gusto kong masali sa NCAA.. kaya mula ngayon.. sasama na ako sa mga practices namin!! ipagdasal nyo ako...

BUKAS NAMAN.. malalaman na natin kung magigi pa ring undefeated ang 2-20 girls futsal squad.. at isa pa! kung magkakaroon man ng game bukas ang boys futsal squad.. magiging play for fun na lang ang laro! at magiging 'Jerusalem King Rull Defense' ang depensa namin.. at ang depensang iyun ay ang paghawak ng -----! supportahan nyo ang futsal division ng 2-20!! gayahin nyo ang 1-14! wagi sa futsal! boys and girls! kaya natin 'to!!

No comments: