ngaayong alas diyes-diyes ng gabi may bumulong sa aking tenga.. ano sinabi nya? "Kenneth, mag post ka".. sinagot ko ng "baket? sino ka ba? baket mo ako pinagpopost?" sumagot naman sya "dahil ako ang iyong konsenya"... nagulat ako.. natulala ako.. "baket bumubulong saken ang konsensya ko?" ay naku.. biglang may nag-text.. alas diyes-trese.. si Daniel pala ang nag-text.. naku.. mukang nasa isang storm sya.. wala pa naman akong load.. kaka-download ko lang ng laro.. sorry pare! at biglang bumulong ulet saken ang konsenya ko.. sabi nya "Kenneth, matulog ka na.. alas diyes-kwatorse na".. sinagot ko naman sya.. "huh? akala ko ba gusto mo akong magpost?".. sagot naman nya "kulang ka sa tulog.. matulog ka na!".. sagot ko naman "paano itong post na ito? wala na syang laman?".. tumahimik kami hanggang alas diyes-bente.. ewan ko ba kung baket.. siguro kasi naubusan sya ng mga maisasagot saken.. o hinde ko lang sya marinig dahil nakikinig ako sa bago kong download na album ni Imogen Heap(salamat Chua).. ay.. pero tinatamad ako makinig ngayon.. gabi na rin naman at may mga natutulog na.. kaya ititigil ko na ang soundtrip ko.. sabay ayun! nagsalita ulet ang konsensya ko.. "Kenneth, ano ka ba? may training kayo bukas sa Mendiola.. you need effin' rest!".. sagot ko.. "Konsensya, kahit anong gawin kong pikit hinde pa rin ako makatulog"... at sumagot sya.. "tingan mo ang stat ni Pao Tiausas! Sugarfree - Tulog Na! hinde ka ba natatamaan dun?".. napaisip ako ng sandali.. 'shet.. oo nga pala.. at sinagot ko ang konsenya ko ng "dude.. sorry hinde ko nakita(kahit nakita ko naman talaga)".. napatahimik ulit kami.. ewan ko ba kung baket ko sinasagot ang aking konsensya.. at ayun.. naisipan ko na ring itanong kung ano pangalan nya.. "Konsensya, ano pangalan mo?".. "ang pangalan ko ay George" ang kanyang tugon.. "Oh! ikaw pala George.. baket mo ba ako pinag-po-post?" tanong ko sa bago kong kaibigan.. "ewan ko ba.. feeling ko lang kasi na kelangan mong mag-post" sagot ng aking bagong kaibigan.. "ganun ba?" sagot ko "so.. ano ba dapat ang ilagay ko sa post na ito?"... sinagot nya ako ng "kahit wag ka nang mag-type... okay na yung ginagawa mong post".. nagtaka ako.. nakakahiya naman kasing magpost na walang laman ito.. magmumuka kasi akong retard nun.. sinagot nya ulet ako "muka ka nang retard, Kenneth".. nagulat ako.. "baket naman?!" aking sinagot.. "kasi linalagay mo na sa post mo ang usapan nating hinde naman totoo.. isang usapan na kathang isip lang!" sagot nya... at matapos nun.. tumahimik na sya.. at nalinawan na ako.. nakita ko ang katotohanan at naintindihan ko ang tunay na ibig sabihin ng pagkakaibigan...
*this blog entry can also be called 'the retard's post'
*this blog entry can also be called 'the retard's post'
No comments:
Post a Comment