Monday, November 13, 2006

shooting skulls

isa lang ang masasabi ko sa mga bata ko(futsal players). ambabano nila! pero 30% lang ang nakita ko sa kanila.. di ko na alam kung ano itsura ng 100%.. Redmond, Fernandez and Corcuera on offense and Valderrama on defense and Limlengco as the keeper! wooooohoooo! pero natakot ako sa play ng mga bata ko.. si Limlengco.. panget ang pag-g-GK.. ang mga bata ko.. nag-didikitan.. at hinde sila sumusunod sa formation.. at ako naman.. mahina ang endurance.. siguro surprise attack na lang strategy ko.. GINAGAMITAN LANG YAN NG UTAK!!

para sa mga gustong makaalam.. ang formation namin ay posibleng 3-1 offense or 2-1-1 or 1-2-1.. magiging dangerous ang formation namin pag 3-1 offense dahil ang focus ng formation na yun ay pag-iskor lang ng goals.. kaya once na maagaw ung bola.. isang defender at ang GK na lang ang inaasahang tumigil ng attack(pero inaasahan ko na ang defender lang ang tumigil nun). pag 2-1-1 naman.. medyo safe na yun.. since dalawa na ang pwedeng tumigil ng attack.. pero ang problema lang.. medyo manghihina opensa namin.. dahil may dalawang strikers, isang midfield at isang full back(at ang goal keeper ay parang dwende lang).. tas at ang 1-2-1 formation.. ang formation na pinaghandaan ko ng mabuti.. isa itong versatile at balanseng formation.. dahil pwede sya mag-bago at maging 1-1-1-1 or 3-1 or 1-3.. andami ko nang plays na hinalo para sa play na yun! putcha! tingnan lang natin kung hinde mahirapan ang kalaban sa ganung formation!

ang susunod ko namang nating paguusapan ay ang lineup!! may dalawa kaming ghost players sa line up ng futsal namin.. at bawal ko sabihin kung sino sila! pero ang pwede kong sabihin ay ang mag posisyon ng mga bata ko! at ang mga bata ko ay sina:
Juan Benito Corcuera - fullback/midfield/secondary striker
Gerard Nick Chu - goal keeper/offensive midfield/fullback
Redmond Zapanta - striker
Anzel Paul Valderrama - defensive midfield/fullback
Kenneth Francis Fernandez - striker/goal keeper
Jerusalem King Rull - midfield
Ralvin Ronald Torres - goal keeper
Michael Dennis Limlengco - goal keeper
Kevin Gerico Rivor - midfield
Kevin John Cabral - fullback\defensive midfield

at sana naman po ay wala kayong natutunan sa post na ito.. dahil para akong San Beda pag may training.. closed sa public.. pero eto na po.. nag post ako ng ganito.. salamat sa pag-babasa.. HaHa

No comments: