Tuesday, April 10, 2007

ampangit mo! ampangit mo! ampangit mo!

Linulunod ko ngayon ang aking sarili sa musika ng Radioactive Sago. Kakabili ko lang kasi ng bago nilang album eh, yung "Tangina Mo Andaming Nagugutom Sa Mundo Fashionista Ka Parin". Napaglitan pa nga ako ng mum ko eh. Ansama daw ng lyrics. Well I can't blame her, sino bang magulang hinde magagalit pag paulit-ulit sinasabi ang 'puta' sa isang kanta(For Adult's Only)? O sa pag-ulit-ulit ng mga salitang 'Alak, Sugal, Kape at Babae'(Alak, Sugal, Kape, Babae, Kabaong)? Ganyan talaga, sanay sila sa pop music eh. Ang akala nila sa rak ay hinde ito ganun ka-gulo. Lumaki siguro sila na ang rak ay masaya at funky. Oh well...

Kung tatanungin niyo ako, mas nagustuhan ko yung Urban Gulaman keysa sa Tangina Mo Andaming Nagugutom Sa Mundo Fashionista Ka Parin. Ansarap pakinggan ng spoken word ni Lourd DeVeyra eh. Pero hinde ko sinasabing pangit yung Tangina Mo Andaming Nagugutom Sa Mundo Fashionista Ka Parin, nagustuhan ko rin siya(AMPANGIT MO! AMPANGIT MO! AMPANGIT MO!). Para ngang makalumang aksyon movie yung feel ng album eh. May kasama pa ngang 'theatrical' poster eh! Dun nga sa unang kanta(George Estregan Groove Explosion), iniimagine ko yung cast ng Strangebrew sa Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin Ka na nag-eevade ng bullets. Parang opening credits, sabi pa nga ng ate ko "Parang sila Maverick and Ariel". Pero anganda ng album cover ah, parang makalumang komiks. HANEP!

oooookay.. balik paglalaro ulet ako.. I am currently playing Civilization III: Conquests.

No comments: