haaaaaaaaai... ang first few weeks ng summer ko ay nasayang sa tapat ng PC. Tara mga kaibigan at balik tanawin natin ang mga nangyari sa unang parte ng bakasyon ko...
Unang week ng bakasyon...
Na-download ko na ang lahat ng episodes ng Chobits(Chobitsu).. matagal ko nang napanood ang Chobits, pero hinde ko pa talaga natatapos ito. Gusto ko ulit panoorin ang Chobits dahil isa ito sa mga anime na minahal ko. Tawagin nyo akong bading, wala akong paki. Kahit naka-set man sya sa mundo ng Angelic Layer at girly yung theme.. wala akong paki! Eh sa gusto ko eh! Na-download ko ang 26 episodes, kasama na dun ang tatlong special episodes. Medyo napangitan ako sa ibang eksena sa bandang katapusan. Lalo na dun sa part na yinakap ni Motusawa Hideki si Chii, tapos tinanong ni Chii: "Hideki, why are you hugging Chii?". Nagtataka lang ako kasi kung si Hideki ang 'only person' ni Chii, hinde na dapat mag-react si Chii at yinakap na rin si Hideki. Tska dun rin sa part na nasa rooftop yung dalawang government persocons, Hideki, Freya at si Chitose Hibaya. Ung isha-shutdown na si Freya/Elda, pinapakita dun kung gaano ka-bobo si Hideki. Pero it has it's share of kilig moments here and there. It's like a trip to girly land. Atska may na-realize ako nung pinanood ko ang Chobits(at hinde, hinde love ang importante sa isang couple ang tinutukoy ko)... ang narealize ko ay... masaya pala magkaroon ng robot na gelpren! Gusto ko rin magkaroon ng Chobit! Salamat sa Chobits, hinde gaano ka-saklap ang sitwasyon ko nung 1st week. Kasi nga, nagka-chickenpox ako.. so ayun. Umabot ng bertdey ko yung chickenpox. Naghe-heal na yung mga lesions ng time na yun. Pero ansaklap pa rin! Dahil 500 pesos lang ang natanggap ko nung bertdey ko! Geddemmit! Palibhasa.. hinde ko pinaalala sa mga tao na bertdey ko(at inoff ko rin yung bertdey alert ng prenster ko).
Ngayon naman...
Training lang ang inaatupag ko ngayon. Kelangan ng rest, kelangan kumain ng tama, kelangang mawala ang taba! Tska nung natapos na yung klase ay nag-aaral na lang ako. Ano inaaral ko? Kung anu-ano. Nasa Wikipeida ako eh. Oo, alam ko, makalat ang Wikipedia at hinde ganun ka-reliable na source yun para sa information. Pero kelangan kong paganahin ang utak ko ngayong summer! Alanganamang makipag-chat at sa mga contacts ko sa YM? o maglaro ng FIFA 07 o Civilization III? Atska ang kinaganda ng Wikipedia.. may mga related topics sa ilalim ng article! Kaya patuloy lang ako sa pagaaral! Currently.. ang mga nakaopen na tabs na nasa Wikipedia ay tungkol sa:
- Methamphetamine
- map of Canton
- German Bundesliga
- House of Orange-Nassau
- Mesolimbic Pathway
- Norepinephrine
- Dopamine
- Serotonin
- Benzodiazepine
- Narcolepsy
wala akong magawa kaya nag-aaral ako... tska dinadownload ko nga pala ang episodes 1-21(subtitles),22-25(english dubbed) ng Death Note(Desu Noto). Sabi kasi ng pinsan ko panoorin ko daw yun. So ayun, wala naman akong magawa.. sabi nga ni Lourd sa kantang Alak, Sugal, Kape, Babae, Kabaong: Walang masama kung walang magawa. Baka ngayong summer, puro japanese things ang i-da-dabble ko. Next na idadownload... GTO(Gureto Ticha Onizuka)!
No comments:
Post a Comment