There are two things na hinde niyo siguro nalalaman. Birthday ko nung April 7 at birthday rin ng blog ko nung April 7. Pero kung pareho niyong alam yun, obligado kayong mag-tag!
Antagal ko na ring hinde nag-online. Lalo na sa YM, kung saan naroroon ang mga tao. Pero wala rin namang nangyayari sa akin sa YM eh. Mga gm lang madalas kong makuha. Dun sa mga nakahalata na hinde ako nag-oonline(meron bang nagbabasa nito?), hinde na ako masyadong nag-oonline kasi laro lang ako ng laro. Anong laro? Civilization III: Conquests, Neverwinter Nights: Diamond at The Sims 2: Family Fun Pack. Minsan naglalaro rin ako ng Pirate King Online. Oo, online game. Hinde naman talaga ako tumatagal sa mga online games eh. Masyado kasing repetitive ang power leveling. Lalo na dun sa mga MMORPGS! Shet! Nakakainis yung mga ganyan! Lalo na kung Pay-to-Play. Bibili ka ng load para lang pumatay ng monsters o ng kapwa mo players sa PVP rooms. Tae! Pero baka hinde ko lang talaga naiintindihan kung anong klaseng 'saya' ang makukuha mo sa mga MMORPGs. PERO TANGINA! BABAYARAN MO ANG ISANG KUMPANYA PARA LANG MAG-PA-LEVEL UP?!buti pa ang mga free to play games.. at ang mga MMOGs na hinde repetitive. Parang Pangya, O2Jam at Gunbound.
Alam nyo ba, napakasaklap nang hinde na-se-celebrate ang birthday. Kaya mga kids, wag niyong pabayaang lumipas ang araw ng kaarawan niyo nang hinde nag-se-celebrate. Kung walang pera, mag-dabog! Pilitin niyo ang mga mami at dadi nyo na magkaroon ng handaan at pilitin ang mga tito at tita na magbigay ng regalo! Lagi niyong isipin, ikaw ang importante tuwing bertdey niyo! I-set aside nyo yung respect at kahihiyan at kung ano man ang tinuturo sa'yo ng magulang mo! Sundin ang ninanais!
Kung mahahalata niyo ni-revamp ko yung blog ko ng tuluyan. May kulay na yung tagboard, naayos na yung links, at may meaning na rin ang introduction ko! That's amazing! Feeling ko kasi, kelangan magbago, ngayo'y kinse anyos na ako! GOD DAMN IT! NAKAKAINIS ISIPIN!
No comments:
Post a Comment