Saturday, April 28, 2007

colorful colorful... the world is very colorful!

haaaaaaaaaai... namimiss ko na ang itsura ng dati kong mga entries. May sense of humor pa ako dati eh, ngayon puro basura na lang ang lumalabas sa aking bibig. Kaya ayun, binisita ko nanaman ang Ariraland. Hinde ako makapag-laro ng Civ 3 o ng Sims 2.. dahil nakakatamad! Geddemet! Isa nanamang slow na araw 'to... wala bang mangyayari na espesyal?

Waking time(oras ng pag-gising): alas dose
Sleeping time(oras ng pag-tulog): alas tres... ng madaling araw

Hinde ko na maintindihan ang mga nangyayari sa iskedyul ko. Magigising ng alas dose ng tanghali, makikitang nanonood ng Wowowee ang katulong, magluluto ng almusal(Ligo Sardines, Nesvita at scrambled eggs), kakain... kompyuter... tulog. Wala masyadong nangyayaring maganda sa mga araw ko... sad. Tumigil muna ako sa pag-babasa ng mga Wikipedia articles, tumigil na rin muna ako sa pag-lalaro sa PC. Nasa seminar pa mami ko, paano kami makakakain sa labas nyan?! Tapos missing in action pa ako nung friday, sa Taytay at sa Mendiots. Wala tuloy partner in crime si Kumpareng Caburat. Pero sinisiguro ko na sa lunes, back in action na ako! Dudurugin namin yung mga espanyol sa mga exhibition games! Pakshet yang mga espanyol na yan! Sinakop na tayo dati ng mga Espanyol at minaltrato nila tayo... KAYA SA FOOTBALL FIELD NA LANG NATIN GANTIHAN ANG MGA ESPANYOL! VIVA PILIPINAS!

Tae, mataas pa rin daw ang blood pressure ko. Paano kaya ako mamamtay? Kanina lang umaga, nung nasa banyo ako, nahihirapan na akong huminga eh. Asthma? Pero sad naman kung mamatay ako ng maaga, hinde pa ako nagkaksyota at hinde pa ako nakaka-gradweyt ng high school. Siguro pag nagkasyota na ako at naka-gradweyt na ako ng High School.. dun.. pwede na akong mamatay! charos! eh! ayaw ko pa nga! Gusto ko pang makita kung makakatira ba ang mga tao sa ibang planeta, o kung may iba pa bang lifeforms sa napakalawak at napakalaking universe. Hinde ko pa rin nakikita ang Nuclear War sa space, wala siguro tayong signal at wala rin siguro tayong radyo nun. Gusto ko rin ng isang hover-bike, tapos mala-fenrir yung itsura(yung motorsiklo ni Cloud sa FFVII: Advent Children). Okay... tama na ang pag-papantasya... baka magunaw ang mundo.

No comments: