nakakainis talaga ang may router! Bumabagal internet connection ko dahil dito! Hinde naman nakakagamit ng wireless internet yung mum at dad ko. Ang normal na download na lang tuloy ay nasa 30KB/s lowest na ang 10KB/s at highest ang 60KB/s! Demmet! Nung wala pa kaming router, ang lowest na speed ng download ko ay 20KB/s at ang highest ay 200KB/s. At ngayon hinde na pwedeng gamitin ang 'ipconfig' sa command screen. Hinde daw permissible or something. Pero tae! Kaya lang rin naman may router ay para ma-share yung internet connection ko sa kabilang PC eh. PERO SANA NAMAN PWEDENG I-CONTROL ANG SPEED NA NABIBIGAY SA KABILANG PC! Yung tipong mala-dial up yung speed ng kabilang PC at normal na yung speed ng internet connection ko! GAAAAH! Nawawalan na ako ng patience...
pindot.. pindot...
bloggerbot on!
/awaiting commands/
hyperlink activate! pindot.. pindot...
/activation sucessful/
/source: wikipedia/
/test: feces, circumcision, handsome/
/test result: successful/
english entries activate!
press.. press..
/activation failed/
/reason: english vocabulary not sufficient/
/recommendation: read the dictionary/
continue with posts...
Sabi ng pinsan ko nung April 2 ay panoorin ko daw ang Death Note na anime series. Pahihiramin daw nya ako ng VCDs nya. Narnig ko na before yung Death Note kay Keno, Kat(z) at Pao. Hinde ko masyadong pinansin. At ngayong rinecommend na sa akin ng pinsan ko na manood ako nun, nagkaroon na ako ng interes. Ang pinsan kong iyun ay reliable pagdating sa mga bagay-bagay(At studyante niya ako). Ang mga naalala kong titles na rinekumenda dati ay Ringu, Ju-On, GTO, at Bleach. Pinanood ko ang mga iyun(hinde lang masyado ang Bleach). At ngayon, pinapanood ko ang Death Note. Nung una kong mapanood ang pilot episode, naisip ko: "shet, magkapareho kami ni Yagami Light ng buhok. shet". Pati na rin pala: "shet, ang bago kong istorya ay mukang naimpluwensyahan ng Death Note naku!". Ansaklap, oo. Di hamak na mas gwapo si Light keysa saken, pero pareho lang kami.. dahil mahilig rin ako mag-aral(pero bumabagsak pa rin ako sa Theology[which is my 2nd favorite subject, btw]) at matalino ako!I wish. Pero habang patagal ng patagal, nagustuhan ko rin ang Death Note. Para ngang Donnie Darko ang dating nito saken eh. Pero ansaklap, 11 epsiodes pa lang ang napapanood ko, tapos hanggang 24th ang kayang idownload ng torrent na nakuha ko. Oh well.. at least madadownload ko yung season 10 ng South Park.
special thanks to:
Wikipedia for my hair and make up
Ate Ellen for the wonderful adobo
and Oishi for my light snacks
No comments:
Post a Comment