may kinse minutos na lang na nalalabi sa baterya ng netbook ko, kaya kung may sasabihin ako, kailangan kong sabihin ng mabilis. alas kwatro na ng umaga't marahil ay wala na ko sa tamang diwa, daig ko pa ata ang lasing. at least sila alam nila kung kelan na nila kailangang bumagsak sa kama't matulog.
napagtanto ko rin na ipagpatuloy ang blag ko simula nung medyo umasenso ako sa grammar at style ng blogging, uso pa blog nun. ngayon masyadong maikli na ang attention span ng mga tao kaya ang kaya lang nilang maproseso ay 140 characters or less, o di kaya't mga larawang na-reblog ng ilang beses.
di kaaya-aya sa mata ang layout ng blag na ito, kung tutuusin, kahiya-hiya pa ata ang mga pinaglalagay ko sa blag na ito. subalit minabuti ko na lang ipagpatuloy ang pagba-blag ko dito, imbes na gumawa ng panibagong blag. oo, magandang bagay ang panibagong simula (dahil syempre, mayroong makalumang simula) clean slate kumbaga, wala ng pagkakamali ng nakaraan, walang kahiya-hiyang katangahan, at walang pwedeng puntiryahin sa iyong abilidad bilang blagger. oo, blagger, para tagalog na tagalog talaga.
maraming beses na kong nagnais na magsimula sa clean slate, kaya sumubok akong mag-livejournal nung mga ilang buwan nang nakaraan, pero wala talaga sa puso ko ang piliting mag-ingles doon at magpanggap na intelehienteng nilalang. maraming beses na kong umuulit at nagbabago kapag may isang bagay na ayaw ko, marahil ay yun siguro ang pagkakamali ko. oo, maganda nga na mabura ang pangit mong nakaraan, pero di mo mapagkakaila kung sino ka at ang mga pinagdaanan mo para makahantong sa kinakatayuan mo ngayon. kaya siguro hirap akong mabuhay nang naalalala ang mga pagkakamali, dahil di na ko natuto kung paano akuhin ito. at buti pa sa blagspot, may degree of familiarity, kaya di na ko mangangapa. subalit medyo nahirapan akong alalahanin ang e-mail at password ko na huling ginamit ko dito noong 2008 pa, apat na taon! isipin mo yun, sa apat na taon na yun exclusively blogging ako sa multiply ko, na ngayon ay wala nang nagbabasa. pati ito na rin siguro, pero at least ito i-a-advertise ko sa mga tao para kahit papaano magkaroon man lang ng semblance ng relevance ang pinagsasabi ko.
kaya eto, andito ako magsasalita kung pakiramdam ko'y masayadong constricting ang 140 characters or less, o di kaya't kailangang umabot ng ilang paragraphs ang nais kong sabihin. marahil ay ingles o tagalog, depende na siguro sa mood ko at sa kung ano ang binabasa ko sa panahon na yun.
eto ang muling pagbabalik ng eat me henger
pano ko nagawa yun sa loob ng kinse minutos na baterya? hinalungkat ko yung charger ng netbook ko para lang matapos ito, ganado ako eh.
No comments:
Post a Comment