Sunday, May 20, 2012

mega maul

matagal na kong di napapadpad sa mall, kaya medyo nag-atubili ako nung paalis na kami. matagal na rin akong di nakakapunta sa matataong lugar, ang pinaka huling mataong lugar na napuntahan ko ay yung championship game ng local team namin, at least dun nakaupo ka lang at nanonood, sa mall naglalakad ka't naghahanap ng damit at magagandang mukha.

maraming magagandang babae sa pilipinas, sobrang dami, o ewan, baka mababaw lang kaligayahan ko o mababa lang standards ko... pero kilala ang bansa natin sa pagiging magaling sa larangan ng beauty contests, wag ka nang magulat kung kahit ang regular na babae dito ay maganda nga. ewan ko na lang sa mga babae kung pakiramdam nila'y nagkalat ang mga gwapo sa bansang ito, o baka sobrang taas naman ng standards nila at gusto lang nilang maging boyfriend si justin bieber. kung kinaya ni arnel pineda maging bokalista ng journey, kaya niyo rin sigurong syotain si justin bieber, sige, gumawa lang kayo youtube videos baka sakali.

kababwan ko lang maituturing ang pag-tingin sa magagandang babae sa mga mall. ang mas malalim na dahilan kung baket ko ginagawa yun ay dahil natutuwa akong magbasa ng tao. akala ko dati alien ako at imposible kong maintindihan kung pano gumana ang utak at puso ng mga tao sa paligid ko, pero makalipas ng ilang taon, alam ko na ang ibig sabihin ng iba't ibang klase ng eye contact, iba't ibang klase ng facial expressions, iba't ibang klase ng tindig at postura, at iba't ibang klaseng iba't ibang bagay pa. umasenso na ko't ginawa ko nang libangan ang pag-basa ng tao. at oo, nababasa ko rin kung may gusto saken ang isang tao, maaring di laging tama ang pagkakabasa ko, pero ganun naman talaga ang tao eh, walang siguradong formula para intindihin o basahin ang mga tao.

kung may formula para maintindihan natin ang isa't isa, edi sana nagkakasundo tayong lahat at wala nang syotang nagtatampuhan o mga presidenteng nag-ge-giyerahan. kung tutuusin pa nga, tayo lang ang nagpapahirap sa sarili natin eh.

No comments: