ayaw ko nang magpuyat hanggang alas kwatro ng umaga dahil sobrang sakit sa ulo nun... nakakairita lang.
ginawa ko ang huling blag entry ko sa maliit kong netbook at kanina ko lang nabuksan muli ang blag ko sa desktop kompyuter ko na widescreen ang monitor. pano mo malalaman kung widescreen ang monitor mo? kung pa-rectangle ito. inside joke yun.
kung tinitingnan mo nga ang blag na ito sa widescreen monitor na malamang ay karamihan na ng mga kompyuter sa panahong ito ay usong-uso, mapapansin niyo yung kulay grey sa kanang bahagi ng blag ko, inaako ko ang pagkakamaling yun. di pa uso noong 2008 o 2007 ang mga widescreen monitors, square pa ang mga monitors na pinag-gagamit ko noon, CRT pa nga ata gamit ko noon eh, at noong ginawa ko ang layout na ito gamit ang adobe photoshop at notepad para mag-html, di ko sinugradong future proof ang layout ng blag na ito.
ikinalulungkot kong tanggapin na nawala na ang kadalubhasaan ko sa html kaya wala na talaga akong ideya sa kung paano ko gagawing pang-widescreen ito. pinag-experimentuhan ko na kanina yung pag-e-html at kaya ko naman tanggalin yung kulay grey, pero ampanget pa rin tingnan kung nasa kanang dulo ng monitor mo lang ang binabasa mo... mukhang tanga lang.
maliban sa pang square na monitor na layout ng blag kong ito, nais ko rin sanang baguhin yun larawan kong mukhang tanga na naka-tali ang bangs ko. ilang taon nang nakalipas nung kinunan yun, kapanahunan pa ata ng friendster yun at sagot ako ng sagot ng mga surveys sa bulletin board, panahon na ba para baguhin ito? di ko naman ipinagkakaila na, oo, weirdo talaga ako at kung anu-anong kaweirduhan ang pinaggagawa ko kaya na-e-encapsulate ng larawang yan ang ugali ko. weirdo.
pero sabi nga nila, di umaasenso ang mga taong di marunong umadapt sa pagbabago. pero kailangan ko ba talagang umasenso sa blag na ito? may malalim na nakaraan na kong naka ambag dito at nais ko sanang mag bigay pugay sa katawa-tawa't kahiya-hiyang nakaraan. siguro sa susunod na buwan o taon ay babaguhin ko rin ang layout at larawan ko at magiging out of context ang kasalukuyang pinagsasabi ko, ewan, tingnan na lang natin.
tutal paniguradong may magbabago't magbabago, kung di ikaw, baka ako.
No comments:
Post a Comment