kasalukuyang nag-se-senti ako ngayon.
eww, kadiri. ewan, di ba pwedeng malungkot minsan?
sinasabayan ko ang pag-se-senti ko ngayon sa ginawa kong playlist sa mga natitirang kanta sa netbook ko. tinatamad akong ilista ang mga kantang ito, pero sasabihin ko na lang kung anong kasalukuyang tumutugtog habang nag-ta-type ako dito at kung ano ang nararamdaman ko habang pinapakinggan yung kanta. oo, gawain ng babae o effeminate yun, pero baket ba? di ba pwedeng maging in touch sa feminine side ko? madalas naman akong makasakit sa mga sports na linalaro ko eh. quits lang.
partikular ako sa musika, maarte ako, gusto ko da best lagi, o kung ano man ang da best na kaya ng budget ko. kaya importanteng malaman na ang gamit ko para pakinggan ang mga kantang ito ay isang sennheiser ie8. sige, i-google niyo yun.
now playing: Azure Ray - The Drinks We Drank Last Night
mabigat kaagad ang kanta. sa katunayan nga, pinipilit ko lang magisip ng ilalagay dito dahil isa ito sa mga kantang natutulala na lang ako at nadadala ng kanta. napaka-lungkot ng kabuoang vibe niya, saktong-sakto para sa mga mag-syota na nag-away, kaso nga lang wala naman akong kaaway at ang mas importante pa dun, wala akong syota.
now playing: Azure Ray - Displaced
azure ray nanaman?! di bale, bagay naman sa mga ganitong pagkakataon ang musika ng azure ray, napaka-lambing ng boses nila at nadadala ang kanta gamit ang synthesizers at acoustic guitar.
now playing: Foo Fighters - Walking After You
maliit pa ko at ito na pinapakinggan kong kanta pag pauwi't gabi na. pang-friendzone na pang-friendzone ang kantang ito, o baka namang nag-tampuhang mag-syota, pero sabi ko nga, wala pa kong nakatampuhan at syota, kaya mas ramdam ko na para sa mga na-friendzone at pumapayag magpa-friendzone ang kantang ito. wala naman akong problema sa pagiging friendzoned, di naman talaga ako naghahabol ng romansa sa buhay, pag andyan, andyan. sadya rin naman ako yung taong magsasabi na "I'm on your back"
now playing: Smashing Pumpkins - Landslide
isa na siguro 'to sa mga kantang kahit anong okasyon, basta marinig ko siya, nalulungkot kaagad ako o di kaya't ginaganahang mag-senti. mapa si billy corgan o ang fleetwood mac ang kumanta, nadadala ako sa emosyon ng kantang 'to. o baka dahil naalala ko yung eksena ng mid-season finale ng south park kung saan biglang naging shitty ang lahat ng bagay para kay stan marsh. di naman sa nagiging shitty ang lahat ng bagay sa pananaw ko sa tuwing pinapakinggan ko yung kanta, kahit papaano naman ay di ako lubhang cynical. mahal ko ang buhay, at naniniwala rin akong pag minahal mo ito, mamahalin ka rin niya.
now playing: The Cardigans - After All
heartache, heartbreak, ito yung kantang pinakinggan ko nung lubha akong heartbroken. isipin mo ba naman na "after all you were perfectly right" na lyrics rin ng kanta, kung di mo man naintindihan kung baket ako nag-quote. kadalasan pag napamahal ka na sa isang tao, iisipin at iisipin mo na tamang-tama siya para sa'yo, pero di rin, nakakabulag ang pag-ibig... alalahanin mo yun.
now playing: Beck - Everybody's Gotta Learn Sometimes
alalang-alala ko ang kantang ito dahil ito yung ginamit ko sa award winning na proyekto ko nung hayskul na indie film, dahil ginamit ko rin kasi yung original soundtrack ng eternal sunshine of the spotless mind. magandang pelikula rin yun para sa mga nasa relasyon na nawawalan na ng spark, dahil minsan kailangan lang mapaalala sa'yo kung ano ang mga naging dahilan kung baket mo inibig ang isang tao.
now playing: The Cranberries - Linger
may mga kanta talaga na pag pinakinggan mo, may naalala kang tao. period.
now playing: Feist - Let It Die
di naman sa sawi ako, nagkataon lang na biglang nagkaroon ng pagkakataon na naalala ko ang mga bagay na nagpalungkot sakin dati. isa 'to sa mga kantang naging paraan ko para malaman kung may nakakapansin nga sa mga pinag-gagawa ko, at oo, napansin kong napansin niya.
now playing: The Dresden Dolls - First Orgasm
summer at tag-ulan at sawi, isa ito sa mga kantang nasa playlist ko nung lubhang sawi ako di dahil nagkaroon ako ng "first orgasm", kundi dahil tinulungan ako ng kantang ito para matauhan at malaman na "I think I could last at least a week without someone to hold me". at sa huli, naging pakiusap ko rin ang "won't you hold me?"
now playing: Jon Brion - Strings That Tie To You
isa nanamang kanta mula sa original soundtrack ng eternal sunshine of the spotless mind. minsan lang ako maging dependent sa mga tao dahil sadyang nasanay ako na mag-isa lang, at hinde, walang halong drama ang paratang na yun, mas natural lang sa akin at mas kumportable ako na maging mag-isa. pero kung nagkataon nga na umabot sa ganun at kailanganin ko ang isang tao, ito siguro yung magiging kanta ko.
now playing: wala na.
tapos na ang playlist, ang ikli lang pala at sa kalagitnaan nito di na ko nagse-senti at inaanalyze na lang ang mga kanta. sa susunod, di na ko magpapaka-ganito, mukha lang akong tanga eh. pero ayos lang, makakalimutan niyo rin naman 'to eh.
No comments:
Post a Comment