minabuti kong balikan ang mga kahiya-hiya kong blag entries (I can never say it enough) noong unang panahon, at may blag entry ako dati tungkol sa clichés ng mga pinoy aksyon films na nakuha ko siguro sa Bakit Baliktad Magbasa ang Pilipino ni Bob Ong, di lang ako sigurado, kahit nga sa title di ako sigurado eh. nakulangan ako sa pagpapaliwanag ko dati, kaya ngayong mas marami na kong alam sa buhay, naisipan kong bigyang liwanag muli ang mga cliché ng pinoy aksyon films... dahil oo, kailangan niyo ito.
cliché # 1: Umiikot and istorya sa paghihiganti.
reason: pinapairal ng mga pilipino ang kanilang crab mentality.
cliché # 2: Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamaganak n'ya(nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, syota, kulasisi, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno)
reason: sadyang mahilig ang mga pilipino
cliché # 3: Isa sa mga eksena e babastusin ang bida, o ang syota n'ya, ng mga nag-iinumang istambay.
reason: kailangan ng pilipino ng alak para kumapal lalo ang mukha at mambastos ng di kakilala
cliché # 4: Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).
reason: mas kapansin-pansin ang kaguluhan sa isang okasyon dahil puno ito ng tao at syempre, kailangan gumawa ng impact ng kontrabida't gumawa ng engrandeng entrance, kaya kailangan talaga niya ng maraming tao para ipaalam na andyan na siya.
cliché # 5: Hinde nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ng leading lady ang mga sugat n'ya.
reason: sa harap ng mga kaaway, kailangan ipakita ng bida na matibay siya't di natitinag, ngunit sa harap ng babae, kailangang ipakita niya na vulnerable siya... at siyempre corollary nito ang cliché # 14.
cliché # 1: Umiikot and istorya sa paghihiganti.
reason: pinapairal ng mga pilipino ang kanilang crab mentality.
cliché # 2: Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamaganak n'ya(nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, syota, kulasisi, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno)
reason: sadyang mahilig ang mga pilipino
cliché # 3: Isa sa mga eksena e babastusin ang bida, o ang syota n'ya, ng mga nag-iinumang istambay.
reason: kailangan ng pilipino ng alak para kumapal lalo ang mukha at mambastos ng di kakilala
cliché # 4: Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).
reason: mas kapansin-pansin ang kaguluhan sa isang okasyon dahil puno ito ng tao at syempre, kailangan gumawa ng impact ng kontrabida't gumawa ng engrandeng entrance, kaya kailangan talaga niya ng maraming tao para ipaalam na andyan na siya.
cliché # 5: Hinde nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ng leading lady ang mga sugat n'ya.
reason: sa harap ng mga kaaway, kailangan ipakita ng bida na matibay siya't di natitinag, ngunit sa harap ng babae, kailangang ipakita niya na vulnerable siya... at siyempre corollary nito ang cliché # 14.
cliché # 6: Pag narinig mong tumawa ang isang character nang "bwahahahahaha," automatic, kontrabida 'yon.
reason: tama nga naman si 2006 kenneth, di pwedeng tumawa ng "teehee" ang kontrabida... mali yon.
cliché # 7: Pag may gagawing masama, tumatawa ang kontrabida. Kahit habang nanggagahasa.
reason: dahil kailangang i-establish na ang kontrabida ay nakakahanap ng kaligayahan sa pag-gawa ng masama, at siyempre, dagdag creepy points yun.
cliché # 8: Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.
reason: dahil si hitler lang ang kontrabidang di mabisyo.
cliché # 9: Mahilig sa leather jacket and kontrabida. Kahit buwan ng Abril at tanghaling tapat.
reason: irasyonal ang pag-gawa ng masama, at para consistent sa karakter niya, magsusuot ng leather jacket ang kontrabida sa mainit na klima natin/
cliché # 10: Ang Structure ng mga kalaban: Ang Boss at ang kanyang "mga bata"
reason: third world country tayo, kaya nararapat lang na naayon sa antas ng ekonomiya natin ang struktura ng kalaban.
cliché # 11: Ang kuta ng kalaban e sa warehouse o malaking bahay.
reason: dahil dun madali mag-orchestrate ng eksenang bakbakan
cliché # 12: Lagi ding may eksena sa isang beer house.
reason: para maka-relate ang target demographic ng pelikula, at para maka-siksik ng advertisment ng alak..
cliché # 13:May seksing leading lady at may bed scene na pwedeng ikwnto sa Abante.
reason: dahil yun ang pampa-enganyo sa target demographic ng pelikula, at para makasiksik ng eksenang sumasabit sa x-rated.
cliché # 14: Pagkatapos ng nagbabagang bed scene ay mahinhin ulit ang leading lady.
reason: sa harap ng publiko, kailangang maging mahinhin ang babae... parang mga pilipina ng sinaunang panahon, ngunit sa harap ng lalake sa kama, o sa kung saan man nila ginagawa ang bed scene, kailangang ipakita ng babae na game siya... at kung naghahanap lang naman ang bida ng mahalay na babae, edi sana nang-table na lang siya ng babae sa eksena sa beer house.
cliché # 15: Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isa ng lalake lang naman e kayang-kaya nitong patumbahin.
reason: kahit paaano eh may respeto ang mga lalake sa babae dito sa pilipinas, kaya hangga't sa maari ayaw nilang saktan ang babae... pero wala eh, di pantay ang turing ng mga babae sa lalake at todo bigay sila sa pambubugbog ng lalake.
cliché # 16: Kung mako-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang at papahirapan, dahil lagi s'yang gustong mahuli nang buhay ng big boss.
reason: sentimental ang mga pilipino, kahit kontrabida ka pa.
cliché # 17: Pagdating sa big boss, papatayin din s'ya, pinatagal lang ng konti.
reason: di fulfilling ang pag-paslang sa tao nang di mo makikita ng harap harapan.
cliché # 18: Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nagtututukan ng baril... mahabang pag-uusap, parang balagtasan, tila baga mag-syotang nasa telepono.
reason: napaka-diplomatic ng mga pinoy, kung pwede lang sana, di na nila ilalagay ang baril sa eksena't magtatalo na lang ang bida at kontrabida... pero dahil aksyon film, kailangan ng baril.
cliché # 19: May malakas na pagpapasabog kahit hinde naman kailangan.
reason: aksidenteng napindot lang ng crew yung trigger ng explosion.
cliché # 20: Walang malakas na pagsabog kahit na kailangan.
reason: sinayang ng crew yung pampasabog eh, di bale ibabawas naman yun sa sweldo niya.
cliché # 21: Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.
reason: china made.
cliché # 22: Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.
reason: lagi naman talagang may baril na nakakalat, di lang niya pinapansin ang madalas na pagkakataong may baril dahil di naman niya kailangan ito. tulad ng bed scene niya kasama ang babae, ibang magnum ang dala niya dun.
cliché # 23: Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa s'ya nakakahawak nito sa buong buhay n'ya.
reason: tama si 2006 kenneth, beginner's luck.
cliché # 24: Kaya ng dalawangpung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang nagsasayaw.
reason: baka magkamali ang kalaban at mabugbog ang kapwa dahil sobra sobra na sila't nagkakagulo, di niyo lang alam, may utak rin ang mga kalaban, alam nila ang principle ng diminishing marginal returns. sige, i-google mo.
cliché # 25: Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlumpung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.
reason: kasama yun sa training ng bida academy
cliché # 26: Tamaan man s'ya ng bala ay laging daplis lang... bawal sa ulo o sa puso.
reason: kasama ang pag-mintis sa training ng kontrabida academy
cliché # 27: Siyam ang buhay ng bida.
reason: tama si 2006 kenneth, mahilig sa siopao ang bida
cliché # 28: Doble pa nito ang buhay ng leading lady.
reason: ayon sa unicef, mas mahaba ang life expectancy ng mga babae.
cliché # 29: Kung mamamatay man ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago malagutan ng hininga.
reason: siyempre huling minuto mo na lang sa mundo, susulitin mo na ito.
cliché # 30: Pagkatapos pakinggan ang farewell speech, titingala ang naulila at isisigaw ang pangalan ng namatay.
reason: baka kasi marinig ng namatay yung sigaw niya habang pataas siya ng langit.
cliché # 31: Pero hindi lubusang nagiging ulila ang bida dahil kadalasan itong merong spare na partner.
reason: prueba lang yan na wala talagang lonely na pilipino, mga nagiinarte lang dahil sobrang dami ng oportunidad para magkaroon ng partner.
cliché # 32: Huling darating ang maraming pulis at didiretso agad sila sa pag-aaresto sa mga kalaban. Oo, parang may palatandaan sila kung sino ang mga kalaban... at wala silang pakialam sa bida, kahit na sangkot ito sa riot!
reason: basta nabugbog, kalaban na yun. di naman mahuhuli ng punta ang mga pulis sa eksena kung di magtatagumpay ang bida. pag nananalo ang kontrabida, sakto ang dating ng mga pulis.
pero sa kapanahunan ngayon, na ang pelikulang pilipino ay puro romantic comedy o drama at ang huling lehitimong pinoy aksyon film ay yung asiong salonga, di niyo na rin siguro ito maiintindihan. kahit na ba, naging parte ito ng kasaysayan ng pelikulang pilipino at nakakatuwa minsan mag balik tanaw.
No comments:
Post a Comment