Sunday, January 03, 2010

complete starboard

ayaw ko talaga pumasok bukas...

gusto ko na lang maging tambay habambuhay...

or hanggang di na ko suportahan ng aking magulang...

sobrang walang kwentang itong linggo ko... puta... mag-simba ba naman kasi?! hello?! tatapusin mo ang bakasyon mo sa isang relihiyosong ritwal?

ansama ko naman... pero hello? relihiyon?! lalo na ang katolisismo?

parang... ang nangyayari sa katolisismo ay mas nagiging tungkol sa mga ritwal at sa mga mala-pantasyang nangyari kay hesus sa biblya.. at di na tungkol sa mga itinuro niya at sa mga values na dapat isabuhay ng isang katoliko...

ano ba naman kasing relihiyon ang sinesermunan ang mga deboto linggo linggo? ayos na sana yung isang sermon tungkol sa isang spesipikong moral defect.. pero di eh.. uulit-ulitin yan taon taon dahil ang sermon na yan ay base sa biblya.. at di naman gumagawa ng bagong chapters ang biblya ngayon.. nagiiba lang sa paraan ng pag-tuligsa sa ating mga pagkukulang...

nairita lang ako sa sermon ng pari... oo.. naniniwala naman ako na may tama siya.. at naniniwala rin akong may tama siya... dahil.. maging judgemental ba naman.. baket daw ang mga studyante inaantok sa klase.. pero gising na gising pag nasa kompyuter shop... ganyan ba ang herald ni kristo? isang mapanuligsang figurehead? oo na nga.. santo ka na para pagsabihan ang mga naniniwala sa diyos mo gamit ang mga hinde nabeberipikang impormasyon!

at isa pa sa mga kinaiinisan ko... ay kung paano tayo dine-demean ng mga pari sa buong buhay natin... okay.. sabihin na nating nagsisimba ako linggo linggo.. at bawat linggo na lang sinesermunan ako.. di ba parang.. ipinamumuka ng mga pari na tayo'y panghabambuhay na may sira? oo nga naman.. walang perpektong nilalang.. subalit maari naman nating pilitin maging perpekto.. dahil ba porque di ka pwedeng maging perpekto ay mabubuhay ka ng di mo inaayos ang iyong pagkukulang?

anyway.. imbes na tulungan tayo ng ating relihiyon.. na katolisismo.. ay tayo'y tinatapakan sa pamamagitan ng pagsabi sa atin linggo linggo na tayo'y may depekto..

kaya ako'y napapalihis sa paniniwala ni Sidharta Gautama..

pero hinde ko naman kelangan ma-affiliate sa isang relihiyon upang maging mabuting tao... basta't mahalin ko lang ang aking kapwa.. ng walang diskriminasyon...

kung tutuusin nga eh.. mas mainam na wala akong panigang relihiyon.. dahil pag sinabi kong ako'y isang hudyo o katoloiko sa mga ibang parte ng middle east.. ako'y maaring paslangin..

at minsan rin ay.. tila ba.. ang ibang tao ay gumagawa ng mabuti dahil sa relihiyon.. sapagkat sila'y maliligtas kapag sila'y gumawa ng mabuti... kelangan pa ba ng pangakong ganun para lang gumawa ng mabuti?

oo... china-channel ko ang mga pari.. at sinesermunan ko kayo...

pero sana man lang... mas tingnan natin ang mga mabubuting aral na nais ng Diyos na isabuhay natin.. wag ang guilt na iniimpose sa atin sa pamamagitan ng pagpapakita ng Kristong nakapako sa krus...

I AM THE WARLUS GOO GOO G'JOOB!!

1 comment:

Paolo Quimbo said...

PAREHAS TYO NG SINIMBAHAN. HAHAHAHAHAHHAHH