Sunday, January 31, 2010

tsinelas

ampanget ng pakiramdam ng kawalan ng direksyon...

tulad ng weekend pagkatapos ng exams...

di mo alam kung ano ang aasahan sa klase... o ewan... baka sadyang sawa na ko sa monotony ng pagiging college student... nung hayskul di naman ganito eh..

siguro di ko lang talaga minamaximize ang aking libreng panahon... may apat hanggang anim na oras lang ako sa klase... at ang natitirang limang oras ay ginagamit ko lang sa mga walang kwentang bagay tulad ng pagkompyuter.. ay di... apat na oras lang pala.. dahil mahigit isang oras ang commute pauwi...

kawalan ng direksyon...

kelangan ko ng pagkakaabalahan... parang araw-araw na lang half day ang iskwelahan... at sa mga ganung pagkakataaon bumibilis ang takbo ng oras... kapag walang pangyayaring espesyal.. kaya pakiramdam ko nasayang ang 2009 ko... pero kahit papaano eh maganda ang mga pangyayari sa mga unang buwan ng 2009... ngunit ang kabuuan ay isang pelikula ni Takeshi Kitano...

I need something to make this year worthwhile... because if I go through college like this, the rest of my life will have the same monotony...

I've been mainstreamed, I need a new bottle of shampoo, and my life is well wasted... but not in a good way

2 comments:

MITCHIE murillo said...

Parang ako lang. Haha. Nakakasawa na minsan. Paulit ulit na lang lahat.

Mikko dC said...

Amen to that.