Monday, February 01, 2010

sun king

lalo ko lang naramadaman ang kawalan ng direksyon ng buhay ko...

walang klase... at ang nagiisang klaseng pinasukan ko ay logic... kung saan ika'y absent pag late ka...

nagkaroon ng misang di ko pinuntahan sapagkat sinabi kong buddhist ako... kaya ako'y sumama sa mga mabisyo kong kaklase at pinanood sila mag bilyar... at nang bumalik kami sa klase ay nalaman naming walang prof...

nakita ko ang aking kras kasama ang mga babae habang papuntang p noval.. ako'y nag lunch mag isa sa mang tootz.. pumunta sa org room para makinig sa mga initsik na nag iintsik.. humiram ng libro tungkol sa fashion design sa library at umuwi...

nagluto ng dalawang extra hot spicy pancit canton... nanood ng dalawang episodes ng simpsons... natulog... nagising... at gumawa ng blog entry habang nakikinig sa mga musikang kinalakihan ko tulad ng rivermaya at sugarfree..

dapat sa mga ganitong pagkakataon ay ineenjoy ko ang libreng kong panahon eh... pero hinde eh... anhedonic nanaman ako...

I don't have frustrations to vent out anyway... I am pretty okay.. everything just feels bland in comparison to other things I've experienced before... I dunno... nothing ever feels sunny anymore..

even the sun doesn't feel sunny at all

1 comment:

obedodo . said...

narda by kamikazee is playing on the radio while i was reading this. wala lang, just so you know.