Thursday, August 27, 2009

I guess so...

I could learn from you...

that I shouldn't feel bad when you don't eat what I was expecting you to eat

I could learn from you...


Sunday, August 23, 2009

torn between films and disk

late night online window shopping..

yehes...

mahal na bisyo ang gaming at ang photography...

lalo na kung di tinutustusan ng magulang ang iyong bisyo...

baka bumili na lang ako ng bagong camera... yung parang Vivitar UW&S... iiwanan ko na ng tuluyan ang Diana F+ ko... I'd rather get 36 shots for the 280 pesos I'll be paying.. than 12 shots for 200 pesos... say hello to the recession...

pero I'll have to buy a new camera.. 2,500.. sa ganung presyo eh makakabili na ko ng Prince of Persia o Metal Gear Solid 4 o Street Fighter 4...

I guess it all comes down to...

do I want to be a producer or a consumer of art?

Thursday, August 20, 2009

I hate choy

the PinoyPS admin...

that admin is such an asshole.. wala lang...

sure that person is doing his/her job.. pero.. his such an ass...

di parang Greogry House na ass.. parang ass na... CIA disinformation agent ass..

that person talks as if he/she works for Sony! alam pa niya na di pa officially in production daw ang PS3 slim.. whatever... ngayong he's proven wrong...

HA HA! go ahead and ban me from your forum

Tuesday, August 18, 2009

not happeh

I need a Jethro Cacho...
 
parang sa buong talambuhay ko.. eto yung pinaka-kasuklam-suklam na section... mas talamak ang plastikan at backstaban keysa 2-20... at mas korny ang banat keysa 4-40... wala talagang redeeming facotr eh... my classmates are mediocre at best... except for some...

ang pinaka-interesting na kaklase ko siguro eh yung mga foreigners... sila Zai Sang Kaew(Burma), Jali Lazing(Burma), Richmond Akalugwa(Nigeria)

ang masaklap eh.. parang walang gusto kumausap sa kanila... siguro kasi duduguin sila pag iningles nila yung mga yun? haha

pero yeah.. cool sila.. or baka sadyang mahilig lang ako sa mga people of other culture (ie. Jonas Meza, Nils Meza, Mirjam Verkleij, Femke Hovinga)

sa tatlong foreigners sa klase eh si Zai Sang Kaew yung maayos kong nakakausap... dahil shet! marami rin siyang alam... pero the way he presents his knowledge eh yung di nakaka-inis.. parang di know-it-all ang dating..

normally.. tungkol sa politics and forms of government ang pinaguusapan namin... FINALLY! someone na makakausap ko ng maayos sa klasrum! parang tungkol sa mababaw na bagay lang ang alam ng mga kaklase ko eh..

pero hanep ah... may natututunan ako kay Sang Kaew... tulad ng ineffeciency of Communism as a form of government in practice... or how sucky their Military government is... ang problema lang eh.. parang pag kausap ko siya eh.. puro lang ako salita ng salita about how sucky the Philippine government is... kahit maganda naman talaga.. compared sa predicament ng bansa nila...

basta everything about the Philippine and Burmese government... shet! I have met someone interesting in UST!

ang masaklap na bagay lang eh... yung mga taong nakakausap ko tungkol sa mga bagay-bagay about sa government... eh mas matanda saken! si Sang Kaew 23 years old na... si Mirjam.. I dunno.. 28? tapos parang.. yung mga ka-age ko eh... di ako nasasatisfy sa mga conversations with them...

pero di pa naman ako mature eh... sobrang isip bata nga ako eh... or ewan... di na ko makarelate sa pinaguusapan ng mga ka-age ko eh... am I growing old?

gusto ko mag-battle royale kaming mga kaklase ko... bloody hell... I'd bust a cap on each one of 'em!


Monday, August 17, 2009

friendly for sale

dahil tinatamad pa ko gumawa ng lecheng kahon para sa literature(na ginawa ko nung first year kay Fronteras) at mas nakakatamad mag-aral tungkol sa consumer behavior at kung anu-anong utility...

napansin ko eh ngayon umuuso ang friends for sale... at parang facebook... early adopter ako... kaya nung unang panahon eh mga kamaganak lang binibili ko.. tapos ang pinakamahal na pet na nabibili ko eh si RA Rivera... tapos pinagagawan pa siya ng iba't ibang tao... pero ngayon 300 million na ata siya.. at wala nang ibang bumibili...

at ngayon.. yung mga dating 100,000 lang ang value.. eh milyon na... at di ko na ma-afford... kaya mga taong di ko close ang mga binibili ko..

at nauuso na rin ang whore-ing.. haha.. hanep sa term... kung saan nagpapabili ka sa mga strangers na nag-o-offer na bilhin ka... ayos naman... easy way to earn money... kumbaga ang real life equivalent niya eh.. direct foreign investments... or something along that lines... personally wala akong planong mag-ganun... dahil I'd rather na friends ko talaga ang bumili saken... tapos aagawin rin ni Boyet Poblacion...

pero friends for sale taught me something important... friends for sale taught me the virtue of letting go... dahil eventually ang mga pets mo eh mag-ta-taas ng value... and ang pera mo'y di na magiging sapat para i-buy back sila... parang diminishing marginal returns.. and eventually... you'll settle with people you can afford... which normally aren't your good friends...

pero pwede ka rin mag-all out buy-out... ang problema lang dun eh... konti lang ang magiging pets mo.. ergo, it will yield smaller returns pag nag-work siya... nagkakatalo lang sa quality over quantity dito... at kung titingnan niyo ang profile ko sa friends for sale... I basically went for quality... at ang average value ng pets ko ay $10,831,584... ayos na siguro.. considering the fact na I have 14 pets...

and eventually.. magiging 3 or 4 lang yan... thanks to inflation and shit...

Friday, August 14, 2009

super resibo

wala na kong plano mag-basa ng pula.. o mag-suot ng pula...

history, or at least the victors, will tell you that the eagle is powerful...

I am fine with the status quo... I am not going against it...

but that does not necessarily mean that I will support it..

change is for the superior of minds...

I will forever be a slave of the system...

as with everything else... I have given up...

I see no hope... but I do see a future... a spot in the congested masses... forever tuned to the same radio station... forever sitting on the same jeepney... forever stuck in an office cubicle... typing the same papers over and over and over again... I do not have the utensils to take a bite off any great manifestos...

no... I am not fine with the status quo...

but I have no other choice...

no... I do not see a seat for me to fit in...

but the halls I am treading are too narrow...

no... I am not saying that I am too big...

but I just do not fit in the puzzle of everything...

... me as an artform is a lie, I will not humor anyone else... anymore

Wednesday, August 12, 2009

distance

kelangan kong makahanap ng paraan para makalipad...
 
...dahil I need the sun

atska I don't want to be dependent on cheeseburgers...
 
masaya na ko sa kinakain ko... at kelangan ko ng one way ticket to the Netherlands...

di ko na kelangan tapusin ang aking edukasyon.. tutal eh wala naman akong future sa kahit anong vocation... papa-distribute na lang ako ng red book at sasamahan ko si Sison mamuhay ng maginhawa sa orange country...

because it gives me the illusion of a better tomorrow... and fewer movies with cheesy titles like "the rise of the cobra" and "revenge of the fallen"

so I'm left with a strawberry field or a penny lane... all I need is a magical mystery tour... and I can start saying my goodbyes... and my hellos to the walrus... because all I need is love

dahil hinde ako mawawala

pag nauna ako...

pero pag nasobrahan sa gravy... nawawala ang tunay na hugis at lasa ng kanin... kaya mapipilitan kang umorder ng extra rice... yun eh kung di ka contented sa paubos mong kanin...

ayos naman ako sa lagay ng kanin ko eh... laman tiyan rin yan... tska may mashed pa namang kasama eh...

hay buhay... sana spareribs ka na lang...

hinde naman bagay pag linagyan mo ng mashed o ng gravy ang sisig...

tatalsikan ka niya ng mainit na mantika bago mo muna ito matikman... pero ayos naman... masarap naman yung sisig... lalo na kung mas gusto mo mamatay ng mabilisan lang.. kasi siyempre... best death na ang heart attack sa panahon ngayon.. kasi sheeeeeet.. sobrang mahal pag nagka-cancer ka... tska sobrang sakit... buti sana kung pwede ako turukan ng morphine o ng MDMA...

no mats!

pero mahirap rin kasi makahanap ng tamang serving ng kanin... pa-iba iba talaga eh.. minsan matigas.. minsan malambot.. minsan swak.. minsan palpak... at sana sa susunod na mag-aabot ako ng sampung piso... tumagal naman...

sana lang

Monday, August 10, 2009

economies of scale on friends for sale... is the best!

geography prelims: oh so lucky

Eric: "ano Kenneth? mag-exam na tayo?"
Kenneth: "teka lang, yung mahaba nasa 4 pa lang eh"
Eric: "edi 40 minutes na lang tayo mag-eexam"
Kenneth: "ano mas gusto mo? maraming oras para makapag-exam o maraming oras para malaman ang sagot sa exam?"
Eric: "o sige"

at pumasok kami sa examination room at sinagutan ang exam...

ang resulta:
Kenneth: 91/100
Eric: 92/100

OH YEAH!!!!! won by a hairline!

Kenneth: "puta pare! di mo na kelangang bumalik ng Palawan!"
Eric: "puta sana lahat ng exam parang CWG lang"

kaming dalawa pa naman din yung huling pumasok sa exam room... at nung umaga lang nakapag-aral si Eric Gabayan... dahil naglaro lang siya nung weekend at nanood ng tournament ng dota... at ako naglaro lang ng Mass Effect..

eh pano sa Sociology? sa English? sa Philo? sa Eco? at sa Management?

Thursday, August 06, 2009

math, I missed you...

finally! normal na ulet ang buhay iskwela ko!

andyan na ang math para ipamuka saken na wala akong kwenta pag-dating sa numbers!

bumalik ang math sa buhay ko in the form of Elasticity.. sa economics namin... yehes! di namin inaral yun nung hayskul! dahil math.. and ser Sigua does not seem to like math.. ewan ko ba...

pero ang napansin ko eh... at home ako sa uste pag dating sa math competence... shet! halos ka-level ko na yung mga kasama ko sa math!

parang sa beda eh... olats ako lagi sa math... at na-ge-gets agad ng mga kaklase ko yung tinuturo ni Miranda at ni Gamatero... o baka sadyang tinatamad lang talaga ako? ambilis bilis ko sa mga math quiz eh... parang ako ata laging nauuna pag gagamit ng calculator... pero syempre... mali mali ako... hahaha

at shet! enjoy sa uste! o baka sa AB.. wala gaanong math genius! meron siguro diyan.. di pa nag-eemerge... pero shet! yung inaasahan kong magagaling sa math (read: mga Koreano).. eh mga slightly better than me! sheeeeeeeeet! no mats mga 'to kila Yeol Lim Park... o kay Jethro Cacho.. or saken pag Physics! bwahahahaha!

I miss Physics... dhe... I miss scoring high on Physics exams and whatnot... haha

pero ang malungkot na bagay ngayon eh... I am at an operating loss... sa Friends For Sale... di ko ba alam kung ano nangyari.. pero ang pera ko ay biglang lumagapak sa 9 million nung isang araw.. at ngayon eh 6 million na lang ang pera ko! I am at an all time low! di ko ba alam kung baket bumababa ang pera ko.. samantalang yun pa rin naman yung mga pets na binibili ko! shit yan... pwede ko na lang siguro ma-recoup ang losses ko sa pamamagitan ng bonus coins at sa pagtrabaho ng best asset ko na si Paolo Chua.. which yields around 500 thousand dollars.. so in 2 days.. eh mababawi ko ang average cost ng pets ko... at mukang matatagalan pa ko bago makapag-break even sa cost ng pagbili kay Paolo Chua...

asan ba napupunta ang pera ko sa friends for sale?!

Tuesday, August 04, 2009

still nc

di ko feel manood ng UAAP... naiiksihan ako sa cheers ng uste eh... hahaha

pero seryoso... mas feel ko panoorin NCAA ngayong season.. dahil number 1 ang Baste sa seniors... at number 1 ang Letran sa juniors... at parehong 6-1 ang JRU at Beda sa parehong divisions...

ayon sa mami ko na collegiate basketball fanatic... linuto daw sila nung ref sa game ng JRU-Baste.. kung saan panalo ang Baste... na-aawa ako sa kinahinatnan nung laro...

pero mas naawa ako dahil pag Beda na ang kalaban ng Baste... nasa side namin ang mga ref!

JRU ang pinaka-malinis na good team sa NCAA ngayon... sa opinyon ko... naniniwala ako.. na ang Beda, Letran at Baste... nag-lalagay yan sa mga ref para gandahan nila yung mga tawag nila... kaya this season medyo maka-JRU ako.. dapat sa UAAP naglalaro ang JRU eh... pero baka sa UAAP eh may lagayan rin.. tska sa pagkaalam ko eh may sindikatong involved sa UAAP... lalo palang talo ang JRU dun...

pero oo nga... magagaling ang players ng JRU... mas magaling lang makipag-negotiate sa referees ang ibang teams! ;)

sabi nga ng mami ko.. kung Beda daw yung kalaban nung Baste at ganun ang tawag ng mga ref.. "baka may lumipad na mga bote sa court"

sobrang gusto ko tuloy lutuin ng ref yung baste pag kalaban na nila ang beda.. putang inang yan!

pero syempre.. nanonood pa rin ako ng UAAP... masaklap lang talaga ang kinahinatnan ng uste against la salle...

feeling ko eh napagod lang ang uste... at nag-capitalize ang la salle sa opportunity na yun.. dahil parang di ganun ka-high power ang la salle nung early stages ng game... angaganda ng drive nila Ababou o baka si Mirza yun.. o baka si Camus? o baka si Teng? tae kasi puro kalbo players ng uste eh! pati Yellow Jackets kalbo! pati ROTC kalbo!

I'm not expecting UST to win the basketball championship... siguro hanggang final four lang... andyan kasi ang Ateneo eh.. at andyan si Salva... na proud atenean...

halikinu!

Sunday, August 02, 2009

jersualem king rull part 2

no match kayo sa pag-introduce ng kaklase ko sa sarili niya...

reminds me of a good friend of mine... na di ko na alam kung nasan...

itong introduction sa sarili niya ay para dun sa forum ng Geography namin... idescribe daw ang sarili.. kaya very important school stuff yun! haha.. imagine.. may website pa para sa ganito ganito lang! eto yung saktong instructions:

Welcome to CWG. Please introduce yourself by stating your name. Using the first letter of your first name, use an adjective to best describe yourself. Attach your photo.

Use no more than 3 sentences. React to at least one posting made by your classmate.

at eto ang ginawa ng kaklase ko...

IM DWIHT DOMINIC SANTOS BUT YOU COULD CALL ME AS DWARTION,16 YRS OLD AND FROM NIUGAN ANGAT BULACAN. IM STUDYING RIGHT NOW IN UST AND STAYING IN THE KB LEPANTO BLG II, ITS IN THE LEPANTO ST. CORNER P.CAMPA. I LOVE ANIME AND INTERESTED IN MARTIAL ARTS EVEN THOUGH I DIDNT HAVE A CLUB OR ANYTHING. MY HOBBY IS TO WATCH ANIME AND MOVIES ,PLAYING IN COMPUTER ETC. MY CRUSH?HMM, SECRET^_^ I DIDNT HAVE GF. IM A SHY TYPE ,BUT I WILL ALWAYS HELP IF SOMEONE NEEDS ME. I FEEL A LITTLE DIFFERENT IN MY COLLEGE LIFE TO MY H.S LIFE. THERE'S SO MANY THING'S THAT I CANNOT DO NOW THAN BEFORE.HEHEH ALSO I DIDNT HAVE A GOOD DABARKADS NOW THAT'S ALL. IM A SAD TYPE BUT NOT EMO AH..I HATE EMO BYE.ITS SO LONG NA

no match kayo...

Saturday, August 01, 2009

batty boat

Mata: "bagay kayo nun... emo ka eh"
Kenneth: "di ako emo... sadyang suplado lang talaga ako"
Mata: "di ko naman masabi na suplado ka"
Kenneth: "lalaki ka eh... pag ang lalaki suplado sa kapwa lalaki.. bading na yun!"
Mata: "haha ay oo nga 'no di pa ko nakakakita ng ganun"

ewan ko ba kung baket ko nasabi yun... pero madali naman mapaniwala ang mga bisaya.. kaya ayos lang

kadalasan mga babae kasi nagsasabi saken na suplado ako eh... at di ko sinasadya yun.. sadyang socially retarded ako at nahihirapan akong makipag-socialize sa mga babaeng nilalang... except sa text o sa YM...

itlog ako eh...

kaya sa klasrum lagi na lang akong naka-headphones... para makaiwas sa pag-interact sa mga kaklase kong babae... siguro di ako mahihiya pag may iba na kong kasama na nahihiya sa babae... pero dhe eh.. lahat ng mga tao sa klasrum friendly... ako lang ata yung laging naka-headphones at... ayun... emo...

emo daw ako sabi ng mga kaklase ko eh... di ko naman kaya i-refute ang mga claims nila dahil syempre... ikaw ba naman eh makakita ng lalaking mahaba ang buhok at laging naka-headphones at tahimik lang... di mo ba sasabihing emo yun?

pero sa beda kasi.. ang emo.. yung Noni whoever...

anyway...

I MISS ALMER'S SISIG AND SPARE RIBS!!

Thursday, July 30, 2009

globe trotter

mataas ang probability na mag-babago ako ng major...

I realized na what I will study in economics... is.. against my principles...

sobrang nawalan ako ng gana mag-basa tungkol sa Globalization... dahil... parang... I am against the New World Order... and... Globalization will lead to the exploitation of 3rd world countries like the Philippines... I know its archaic.. but I'd rather live this way than see the Philippines be a neo-colony of some capitalist country...

and speaking of capitalism... I am aware of the beauty of being capitalist... and capitalism has been the status quo for years... I know it works.. pero capitalism hurts the working class... in a way... I am a socialist... matagal na kong against the elite... at di lang dahil sa ayaw ko sa mga conyo... yeah sure.. I do believe they should all be thrown to Tondo... but they are the reason why the poor remain so poor...

and I have always been against any form of bureaucratic government.. I know it sounds stupid... gago ako eh... naniniwala ako sa society kung saan walang heirarchy... a society where everyone are equals... pero that'd be impossible dahil if human beings were to be equals... that'd mean na lahat tayo dapat maging mass manufactured robots... soooooooo in a way... equality goes against the development of talents and uniqueness... para magkaroon ng world na may equality eh.. dapat mawala ang mga Kobe Bryant, Lance Armstrong, Stephen Hawking, Jesus, Michael Jackson, Donald Trump, Barack Obama nyo... because they are exceptionally talented and skilled people... and in a team... no one will ever treat them as equals.. because they are better than most of us...

so I guess I am anti-equality.. because it disturbs the nature of things.. look whos talking...

I AM FOR UNEQUALITY!! I AM FOR THE UNEQUALITY BETWEEN THE POOR AND THE RICH!!! which is already happening by the way... PERO WHAT I WANT IS UNEQUALITY IN FAVOR OF THE POOR!!

wasak ako ah

Wednesday, July 29, 2009

after all

ngayon lang ulet ako sinipag mag-type ng blog... dahil lately naglalaro ako ng World in Conflict.. at nag-eenjoy ako sa pagiging sundalo.. pero nung una eh... may konting aversion ako.. dahil medyo anti-america ako... and stuff...

anyway

pumunta kami ni Kevin Bayona sa building ng CFAD kahapon... kasi nakita namin si Gesmund Ballecer habang nasa office kami ng ROTC...

kachika ko pa si Julian Andrew DaCosta.. na isang sican liutenant! tapos andun ba yung corps commander nila.. na babae.. tapos pag kinakausap nung babae.. sobrang tuwid ang tindig ni Jules at parang robot magsalita... "opposed to the affirmative ma'am!"

buti pa si Jules.. nag-evolve.. dating Marshal... na may combat jacket... isa nang officer na magsusuot ng full battle regalia..

parang anjologs na tuloy mag ROTC.. feel ko pa naman din mag-Intel o mag Medic... iniimagine ko na yun o.. pag Intel ako.. mag-re-recon mission ako sa ibang iskwelahan.. tapos makikipag-gerahan kami sa infantry division ng UE.. o ng FEU... sheeeeeeet.. kaklasek o pa naman din yung nagaaral ng Sniper Rifle sa ROTC! tapos pag tinopak ako.. magooperate ako ng Heavy Artillery! pauulanan ko ng mga shells ang FEU!! puro physics yung pag-ooperate nun.. may mga parabolic curves, angles, wind direction at kung anu-ano pang shit!

anyway...

naniniwala na ko sa sinasabi ng ibang tao...

NA MARAMING MAGAGANDA SA CFAD!!

sinasabi ko sa inyo... pag trip niyo lang mag-people watch... sa CFAD kayo! bawat klasrum na masisilip mo eh.. may magandang dilag! at kung titingnan mo ang mga lalaki.. di ganun ka-gwapuhan...

kumbaga eh... mahina ang competition sa CFAD!

pero syempre.. wala akong plano manjowa ng tao mula dun... kahit alam mong magaganda sila at talentado sa pagdrodrowing.. sigurado naman kasi akong di sila mahilig sa mga ermitanyong katulad ko... na hinde naliligo...

baho

Monday, July 27, 2009

soma

di ko nasimulan ang sona.. yun pa naman ang dahilan kung baket walang klase.. pero at least napanood ko ang huling parte...

di ako magiging kritiko sa blag entry na 'to dahil masayadong marami kritiko ang pangulo.. and my opinion really wouldn't make a difference... pero meron akong beef against sa mga prinesent niyang data... obvious naman kasi na ganun ang mangyayari pag 'event x' is happening.. and obvious rin naman na ganun ang mangyayari pag nagsimula ang administrasyon mo during 'event y'...

pero natuwa ako dun sa mga blind item niya ah.. maganda ang medium kung saan niya sinabi ang mga ganun.. jologs kasi pag naging headline yun ng mga tabloid eh..

sheeeeeeeeeet...

andami ko palang kelangang aralin...

Sunday, July 26, 2009

The Unlimited Rice Paradox

gumagastos ako ng 120 pesos sa Tokyo Tokyo... para dun sa chicken thingy nila at bottled water.. at syempre.. 40-60% of the price goes to the unlimited rice... waw.. magkarhyme yun..

99 pesos ang isang meal sa Mang Inasal.. unlimited rice.. wala pang drinks... sabihin na nating bente ang tubig.. soooooooo.. medyo magkalapit lang sa presyo ng Tokyo Tokyo...

mautak ang pricing scheme ng dalawang kainan na ito... dahil pinipiga nila ang wallet ng mga patrons nila!

sabihin na nating 10 pesos ang extra rice... at sabihin na nating 60 pesos ang presyo ng isang meal na may rice na.. kasama na ang profit sa mga presyong binigay ko...

on average.. nakaka-apat na extrang kanin ako sa isang meal ng Tokyo Tokyo.. so that's 40 pesos worth of extra rice... so limang kanin lahat lahat... that plus 60.. is 100.. plus 20 para sa drinks... kaya tama lang na 120 ang binabayad ko sa Tokyo Tokyo...

pero teka lang... di naman kasi lahat ng tao nakaka-apat na extra rice.. minsan hanggang tatlo o dalawang extra rice lang sila... ibawas mo yung presyo.. at makikita natin na lugi sila sa theoretical price ng kanin at meal sa Tokyo Tokyo...

wala lang... naisip ko lang... gutom ako eh...

pero syempre.. kaya ganyan ang presyo ng meals ng Tokyo Tokyo at Mang Inasal eh para maka-earn sila ng profit... sino bang gagong restaurant ang di peperahan ang customers nila diba?

baket ba puro money matters pinagsasabi ko.. ni hinde nga vaild yung argument ko eh.. andaming butas...

gusto ko talaga ng hamburger

sisig day

puro sisig lang ang kinain ko kahapon...

marami kasi akong pera kahapon pambili ng libro.. at unfortunately... di ko talaga ma-control ang urges ko.. at bumili na lang ako ng pagkain...

unang sisig ko ay sa Ed's Eatery.. sa dulo ng Asturias.. katapat ng Tapsi... ayos lang naman yung sisig.. for 45 pesos.. ma-buto.. at di gaanong ma-lasa... kasama ko sila Luis Alberto Mata, Abulkhayr Macabato at Eric Gabayan.. ang lunch buddies ko sa klase...

matapos nun ay tumambay ako sa pad ni Luis Alberto Mata sa P Noval at nanood ng Evan Almighty sa HBO... pero nung nasa part na gumagawa ng ark si Evan.. nag-text si Gesmund Ballecer..

kain daw kaming Almer's...

inisip ko... "malabong sasabay saken si Jelyn.. mauuna na lang ako sa Almer's!"

kaya dali-dali akong umalis at dumiretso sa Almer's... along the way eh nakasalubong ko ang tropa nila Joker.. at nag-hello goodbye lang at dumiretso na kong Almer's...

umorder ako ng isang sizzling sisig at extra rice.. dahil ako'y isang tunay na lalaki.. pero mas tunay nalalaki sila Micah Timothy Pe at si Gesmund Ballecer sapagkat sila'y umorder ng dalawang extra rice... they are twice the man as I am...

punong puno na ko matapos ng meal na yun... at nag-text rin si Jelyn na nagsasabing di na daw siya makakapag-lunch dahil may practical exam siya... I smell treason..

nag-yosi muna si Gesmund Ballecer at nag-pabango si Micah Timothy Pe... di katulad nila.. wala akong ginawang manly na bagay.. dahil ako'y di tunay na lalaki..

at halos buong hapon kaming tumambay sa museum->tapat ng eccle->CFAD pav... at maraming magaganda sa CFAD... di lang maputi.. pero epal si Micah Timothy Pe dahil pinutok niya yung isang pimple ko habang unaware ako.. at nag-se-senti si Gesmund Ballecer habang nakikinig sa mp3 player ko...

matapos nun eh nag-zagu muna kami.. napaka-enticing ng pricing methods ng zagu.. kaya napa-bili ako ng grande.. eh putcha.. anlaki naman pala talaga... tapos matabang pa! I'm better off with black pearl.. nakita ko rin si Luis Alberto Mata na palabas ng computer shop.. kaya tinawag ko na siya para sabay na kaming pumunta sa AB pav para sa freshman walk...

at long last ay nakita ko rin si Patricia Cruz... ang ruizianong di ko naging close at eco rin.. antagal rin naming naghintay sa AB pav.. at napansin ko eh maligalig ang 1eco2... kaya nag-rant lang ako ng nag-rant kay Apolonio Renz Villanueva.. ang ka-block ko na polar opposite ko pagdating sa opinyon at pananaw sa buhay...

nakakatuwa kausapin ang mga taong kasalungat ko mag-isip pero kaya pa rin ako kausapin.. minsan kasi may mga taong kasalungat mo pero ayaw makipag-usap sa'yo.. kasi parang masyadong makitid ang kanilang pag-iisip... buti naman at di ganun si Apolonio Renz Villanueva... masyadong mahaba ang listahan ng mga bagay na di namin pinag-aagreehan.. basta to sum it all up.. he's an optimist and I am the pessimist...

anyway...

di ganun ka-pabuloso ang freshman walk.. parang "wala lang" ceremony... or sanay lang talaga ako na may nababasa at nagmumukang tanga para ma-welcome ang mga freshman.. di na kami nag-mass ni Abulkhayr Macabato at ni Luis Alberto Mata.. kasi muslim si Abulkhayr Macabato... kaya naki-join kami... haha... medyo ayaw ko pa sumama sa kanila nung una... pero nung sinabi nilang kakain daw sila sa Mang Tootz... how could I say no diba?

sisig number 3... pero umutang ako kay Luis Alberto Mata dahil sobrang short ako.. ginastos ko na lahat ng pera ko sa pambili ng theology book, sisig sa Ed's at sisig sa Almer's.. pero singkwenta lang naman inutang ko.. kaya keri naman.. at ma-pera naman si Luis Alberto Mata dahil syempre.. ang probinsyanong nag-aaral sa maynila ay isang maharlika!

iba ang sisig ng Mang Tootz.. di siya sizzling o crispy.. pero bumabawi siya sa flavor at richness.. putcha.. naglalaway ako as of the moment habang iniisip ko ang sisig... muka nga daw akong sisig sabi ni Micah Timothy Pe.. grabe.. gusto ko ng sisig ngayoooooooooooon...

anyway...

ang problema ko lang sa sisig sa Mang Tootz eh napaka-tongue numbing ng sili niya... na-overload sa capsicin ang dila ko kaya di ko na nalasahan ang sisig... oo nga pala.. umorder pa ko ng extra rice... na di ganun ka-lambot... gusto ko ng malambot na kanin eh.. yung parang lugaw-esque...

at umorder nga pala ako ng apat na banana rama(rhum'a).. hanep na dessert ang banana rama sa kahit anong pagkain sa may uste! sobrang... it completes any meal!

napansin ko talagang puro sisig na lang ang kinakain ko sa uste... ang huling pagkakataon na di ako kumain ng sisig eh nung kumain ako ng cheeseburger at mcflurry sa mcdo sa mall.. kasama ko rin yung mga lunch buddies ko nun.. at napagastos ako ng 100.. at dun ko na-realize na I'd rather suffer hypertension and stroke on a sisig diet than spend lotsa money on fast food chains... that sell processed food that will inevitably kill you...

so I guess love for sisig and other 50 peso-karinderya meals are somwehat like bandages.. they keep me relatively sane... and relatively happy...

Thursday, July 23, 2009

eating around P Noval and Dapitan...

taught me that with 60 pesos.. by the time I leave the premises of the eatery.. I should be full and very satisfied...

at di na ko sanay kumain sa McDonald's.. kung saan rine-rape ka ng mga corporate giants sa binibili mong cheeseburger... na 72 pesos at sobrang liit!

kaya if ever magkaka-syota man ako... she should expect me to be cheap and frugal as hell... dahil as much as possible I will not support those god damned capitalists in their mission to squeeze all of the hard earned cash from our wallets...

but I do applaud them for their... ability to do so... if I were given the chance to be a huge company CEO... I'd rape the people as well... because in this society.. to earn profits is to rape people... without the intention of raping your customers.. you won't earn as much money as you would otherwise...

and people who do not rape their customers are... socialist firms... and... they do not earn as much money as the huge players in the industry... but they earn more love and respect from their patrons who really know that when they pay 50 pesos for sisig and rice.. they are well aware that every peso they give goes to someone who deserves it for the right reasons...

shit I learn from college...