nakakamiss talaga ang mga gabi ng pagpupuyat dahil sa walang kwentang PC na crash ng crash sa kakaedit... kung meron lang akong pwedeng gawing artista eh.. handa ang camera ko, bibig ko at ang utak ko... sayang di ako makapag-upload ng indie film ko dito sa Multiply.. kasi 10 minutes lang ang limit.. eh mga 11 ata o 12 yung sa amin.. at ang masaklap pa dun, nawala yung master copy! binigay ata ni ma'am dominguez kay ramon batista yung master copy..
langya..
pero walang kwenta rin naman mga digital films ko eh.. or.. baka ako lang yun.. pero kahit na.. kahit ako nandidiri sa mga ginagawa ko sa mga videos ko.. pero kelangan nyo talaga mapanood yung mga videos ko! they're the most culturally significant videos evaaaaaaaaaaah!
linalamok ako sa kwarto ko ngayon kaya iinterbyuhin ko sarili ko tungkol sa pag gawa ko ng mga basurang pelikula..
Q: Mr. Fernandez, sino po ba ang naging dahilan kung bakit ka nahilig sa pag-gawa ng pelikula?
A: well.. simple lang yan.. ang talagang nag-udyok saken na gumawa ng mga pelikula ay si Ma'am Joan Margaret Manda.. ma'am! alam kong galit pa kayo saken pero pag tatanggap ako ng award pangalan mo ang isisigaw ko!
Q: at bakit naman po Mr Fernandez?
A: well.. kasi.. simple lang yan.. nung sican yir kasi ako.. may proyekto kami na cooking video.. digital camera pa gamit ko nun.. yung canon ixus 55.. tapos nung nag-simula na kong mag-edit sa Movie Maker.. I suddenly fell in love with the art...
Q: galing ha..
A: oo nga eh..
Q: ah eh.. how about your influences?
A: well.. my influences? well.. ummm.. I'm influenced by.. ummm.. photography! yeah yeah.. kasi nauna akong nahilig sa potograpiya.. kaya kadalasan mga shots ko puro mga still shots very evident naman yun sa cinematography ng mga pelikula ko.. kung napanood mo na.. pero kung mga direktor ang pag-uusapan.. influences ko would include: Michel Gondry and Quentin Tarantino..
Q: ano paborito mong kainin sa proeso ng pag-gawa ng pelikula?
A: well.. simple lang yan.. pag shooshoot.. paborito ko yung voice combo sandwich.. tas pagkatapos mag-shoot.. yung chicken o pork chop na maraming mang tomas.. tapos pag post-production.. mahilig ako kumain ng lucky me instant pancit canton..
Q: mukang pang-elite yung hilig nyong pagkain ha..
A: kaya nga eh..
Q: kung bibigyan kayo ng isang pagkakataong gumawa ng music video, kanino kayo makikipag-collaborate?
A: well.. simple lang yan.. gusto ko gawan ng video si Tropical Hut.. gagawa ako ng music video commercial!
Q: balita ko masarap spaghetti dun eh
A: kaya nga eh..
Q: kung magpapaturo ka sa isang tao sa film industry.. kanino ka magpapaturo at bakit?
A: well.. simple lang yan.. gusto ko magpaturo kay.. shet mahirap pala.. either si Quentin Tarantino at sa non-linear storylines nya o si Takeshi Kitano at sa mga fast paced action sequences nya
Q: bakit Purpleink Films ang pinangalan mo sa production line mo ng mga pelikula?
A: kasi yung bolpen ko purple..
Q: salamat sa pagsagot ng mga katanungan ko..
A: di yan tanong.. pero nasa 'Q'.. kanina ka pa ganyan eh..
hunger strike tayo mayang hapon
No comments:
Post a Comment