Friday, May 16, 2008

ang adik ay hindi natutulog...

woaaaaaoooooooaaaaaaooooooah sweet child o' miiiiiiiiiiine..

ilang beses ko nang rinu-rub ang aking mga mata... ewan ko ba.. buti sana kung makakatulong ito sa aking kasalukuyang estado.. gumawa ako ng tula.. out of boredom.. lupet nga eh.. feeling ko mas creative ako pag inaantok na ko.. pero wala yun.. placebo effect lang yun.. di ako yung katulad ng iba na talagang gising pa rin hanggang alas tres ng madaling araw.. ang malaking sasakyan ay nangangailangan ng maraming gasolina.. kaya hanggang alas dos lang ako magpupuyat.. o baka hanggang alas dos lang ako magkokompyuter.. kasi pagkahiga ko magbabasa pa ko ng pugad baboy.. masyang pampatulog.. lalo na yung mga bagong kopya.. tulad ng 13.. pakorny ng pakorny mga jokes ni Pol Medina eh.. pero ayos lang.. I adore corny jokes...

ay nakalimutan ko pala may tula dapat akong ipapakita sa inyo.. isa kasi akong nilalang na di marunong gumawa ng tula.. walang rhythm o rhyme yung mga tula ko.. sa tingin ko nga eh di ko sinusunod ang poetry writing dogma.. or kung sinusunod ko man.. marami akong linalabag na faux pas.. pero I adamantly believe that art has no limits! kaya gawa lang ako ng gawa.. pag tinawag kong.. art.. art na yun! although di naman talaga sya mag-aappeal sa marmi.. pero ganyan talaga.. tingnan mo Cueshe' sabi nila they're a band.. eh sa tingin mo ba music ang ginagawa nila?

Ang Adik ay Hindi Natutulog
isang tula ni Kenneth Fernandez

ang bulag ay hindi nakakakita
ang bingi ay hindi nakakarinig
ang pipe ay hindi makapagsalita
ang manhid ay hindi nakakaramdam

ang suplado ay hindi namamansin
ang sugapa ay hindi namimigay
ang bobo ay hindi nagiisip
ang malibog ay hindi rumirespeto

ang tatay ay hindi umiiyak
ang nanay ay hindi lumalaban
ang anak ay hindi sumasagot
ang sanggol ay hindi malaya

ang kapitan ay hindi nakikinig
ang mayor ay hindi gumagalaw
ang governor ay hindi tumutlong
ang congressman ay hindi nagpapakita

ang mata ay di dapat nabubulag
ang tenga ay di dapat nabibingi
ang bibig ay di dapat napapatahimik
ang kamay ay di dapat nakakadena

ang matatanda ay di dapat pinagpapahinga
ang magulang ay di dapat pumoprotekta
ang kabataan ay di dapat matulog
ang magiging anak mo ay di dapat maging katulad mo

ang puta ay hindi madumi
ang kriminal ay hindi masama
ang durugista ay hindi tarantado
ang adik ay hindi natutulog

yun ang tula na ginawa ko ng ilang minuto lang dahil inaantok ako.. maganda? pangit? wala akong masyadong pakialam.. pero matatamaan pa rin naman ako kahit papaano..

mabuhay ang mga may kaliwang kamay!

3 comments:

Lemon R said...

Yez naman. Submit mo sa Cub!

Kenneth Francis Fernandez said...

wahaha... mangangalahati yan sa kakabawas para maging general patronage ang rating nyan!

Lemon R said...

Di ah. Mga bobo lang ang mag-iisip na hindi GP yan.