nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa...
nakakatamad talagang gumawa ng mga assignments pag nasa bahay ka na.. or... nakakatamad lang talaga...
or... ewan.. kung magpapaassignment man sila gusto ko mag-aral lang tungkol sa isang topic o mag-dala ng isang pakete ng index card.. tulad ng ginawa nila ngayon.. tska problematic ang mga assignments na sasagutan.. kasi malay mo iba ang gumawa ng assignment na yun.. edi di rin sila natuto.. diba? buti pa si Jason Lorenzo eh.. ang assignment lang eh magaral tungkol sa topic bukas at magsosocratic method na lang sa kalahati ng duration ng klase.. it's so amazing
kulang ako sa tulog at mag aalas siyete na.. di pa ko nagpapagupit at wala akong planong magpagupit.. pero kelangan ko talagang malaman ang assignment ko...
isa akong dakilang tamad.. buti pa nga yung mga athletes eh.. kumokopya pa ng mga assignments sa iba.. dakila si Gerard Nick P. Chu
masaya ang di pagkokopya ng assignments.. dahil natre-train ako sa pageextract ng information... pero dahil wala na ko sa golden days ng YM nung online pa lahat ng mga 2-20 klasmeyts ko.. di ko na masyadong nahahasa ang mga mad skillz ko..
finally at natapos ko na rin ang Season 4 ng House.. too bad maghihintay pa ko hanggang September para mapanood ko ang Season 5.. sa lahat ng mga season finales ng House.. eto na siguro ang pinaka-gusto ko.. parang transition episode lang ang season finale ng 1st.. may kagandahan ang season finale ng 2nd na dinirect ni David Shore.. at di ganun ka-dramatic ang pag-alis ng staff ni House sa 3rd season.. nagustuhan ko talaga ang pagkakagawa ng huling dalawang episodes ng season 4.. sayang at kelangang mamatay ni Cutthroat Bitch sa huli.. dahil isa pa naman sya sa paborito kong characters.. mas gusto ko pang mawala si Kutner dahil ampangit nya.. at medyo kumorny ang role ni Thirteen.. or baka kasi kamuka nya yung Filipino titser ko dati? si Maribel Lim.. pero hanggang ngayon napapaisip ako sa relasyon ni Cutthroat Bitch at ni Wilson.. di ako naniniwala sa motives ni Cutthroat Bitch eh..pero whaddahey.. maganda yung season finale.. almost made me cry due to it's sheer beauty.. although nakakairita lang yung ibang parts na mukang siniksik lang.. tulad ng storya ni Kutner kay Thirteen tungkol sa buhay nya.. pero baka sa Season 5 magkaroon ng Indian patient si House at magkakaroon ng special scene si Kutner.. o baka magkakadebelopan na lang sila House at Cuddy sa Season 5 at yun na ang magiging katapusan ng series.. mukang nagbabadya na 'tong magpaalam eh.. kasi bumaba na yung viewership ng season 4.. pero siguro kasi konti lang yung mga naging episodes.. pero kahit na ba! kelangan magkaroon ng love life ulet si House at bumalik ang dati niyang team! or baka magkaroon na talaga ng malalang sakit si House at maging katapusan na ng mismong series.. wag naman sana.. gawin na lang nila yun sa Season 15..
No comments:
Post a Comment