Sunday, June 01, 2008

tulang pang almusal

nakakainspire talaga ang mga bagay na di mo madalas gawin... tulad ng almusal, ang pag gising ng maaga at ang pagbabasa ng lumang dyaryo.. kaya nakapagisip ako ng tula.. tungkol sa nararamdaman ko ngayon.. pa-drama epek pa eh..

Tae
isa nanamang tula ni Kenneth Fernandez

May pulubi, sumakit ang tiyan
pumunta sa isang tabi
umupo..
nagbawas..

May magsasaka, sumakit ang sikmura
nagtago sa mga talahib
umupo..
nagbawas..

May studyante, sumakit ang tiyan
nagmadaling pumasok cubicle
umupo..
nagbawas..

May sosyalera, nanakit ang sikmura
dali-daling hinanap ang kanyang porselanang trono
umupo..
nagbawas..

May babae, sumakit ang kalamnan
pumunta sa MalacaƱang
umupo..
walang ginawa..

Bakit sila umupo?
dahil lahat tayo...
mahirap o mayaman
bata o matanda
ay may dalang tae sa katawan

I soooooooo love how my mind can instantly make bullshit like these..

No comments: