habang ginagawa ko 'to... ako'y nakikinig sa Bad Motherfucker ng Radioactive Sago.. jazz track na bagay sa mga film noir na eksena sa 60s Times Square...
malupet na experiment 'to.. dahil tinitingnan ko kung may epekto ang mood ng isang insturmental music sa style and tone ng pag-gawa ko ng basurang ganito...
naiirita ako sa isang pimple sa muka ko.. may obstruction kasi sa line of sight ko eh.. sarap putukin.. pero wag.. masama daw yun... kaya I guess we'll just play the waiting game...
toooooorooooooorororooooooooooot
ay oo nga pala.. di ko pa pala nakwewkento ang pers impressions ko sa mga klasmeyts ko ngayong taon.. or.. nagawa ko na siguro pero di gaanong detalyado.
anyway... 4-40 St. Bede the Pre-Med class.. although Pre-Med rin ang 4-45.. pero puro patay na bata sila eh.. pero kami rin siguro.. mga patay na bata rin.. ang buhay ay nasa 4-41 at 4-44!
maswerte ako't di ako na-45.. kasi mukang di ko magugustuhan ang mga nilalang dun.. di pa naman ako mahilig sa mga cheesy na nilalang at sa mga feeling cool.. dinescribe ko ba sarili ko? oh well.. ang makakasalamuha ko lang naman ata dun ay si Elmar, Anne at Villena.. pero at least dun tatlo.. sa 4-40.. ang nakakasalamuha ko lang ay si Jethro.. at medyo na-a-awkwardan pa ko sa kanya kasi kadalasan naman eh sila Chi at mga bata nya sa 2-24 ang kasama nun.. kumabaga parang body guard lang nya ko.. or whatever.. pero ayos naman mga kaklase ko.. di masaya.. pero di puro patay.. may sarili silang buhay pero di yung tipong buhay na matatagpuan sa 1-14 o sa 3-32.. buti nga at napunta sa 40 si Jethro dahil kung hinde.. naku po! di ko na alam kung matatawa pa ko sa klase..
isa sa mga ayaw ko sa lineup ng 40 ay karamihan ng mga studyante ay galing 25.. kaya parang nanood ka ng isang teleserye sa kalagitnaan na ng season na wala pang episode recap! kaya di ako masyadong maka-relate sa humor nila eh.. puro sila "PONCEEEEEEEEEE" tas tawanan naman sila.. kaya nag-mistulang new student ako.. huhuhu
pero all hope is not lost.. ang malupet sa klase namin ay madaling ma-determine ang top ten.. at siguradong sigurado ako na this is gonna be my best year yet.. in terms of class standing.. feeling ko nga pwede pang mapasok sa top 10 si Ryan eh.. basta't gamitin lang nya ang pandudoktor nya.. wala namang gaanong kompetisyon.. kaya tiba-tiba tayo sa cash mula kay nanay at tatay ngayong taon.. shopping spree na 'to! woooohoooo!
hangga't di ko pa nakukuha ang mga materyal na bagay na dinedesire ko ay di ko gugustuhing magkaroon ng kompetisyon.. farming muna kumbaga.. tas pabayaan ko lahat ng mga hero patayin ang isa't isa.. habang tinitira ko muna ang Satyr Hellcaller at kung sinu-sino pang neutral creeps.. oops.. pangit na reference
balik training ulet.. at ngayong wala na sila Chols.. wala nang sisigaw samin pag nagkakamali kami.. pero feeling ko sisigawan kami nung Daniel na bago.. pero ewan.. masaya maglaro ng football.. lalo na pag nakaka-kill ako.. masaya mag-kill! lalo na kung sya lang yung babagsak.. pero ayos lang rin kung pareho kaming bumagsak.. basta't mauna akong makatayo eh..
anyway.. nahahalata ko lang ngayon sa mga linalagay ko eh ayaw ko ng kompetisyon.. thus mahina akong nilalang.. siguro ganun nga.. di ako pang-big wigs.. hanggang JRU lang ako.. pero ayos na yun.. mas gugustuhin ko ng madaling buhay keysa sa pahirapan.. sino ba naman kasi ang gusto na pinapahirapan ang sarili nya diba? let's keep it simple at tuhugin ang fishball gamit ang stick..
naiirita ako pag inaayos ang gamit ko.. kaya napaisip ako.. ang pagiging burara ba ay dahil sa katamaran ng tao or katulad lang ito ng pagiging masinop without keeping things in order.. kasi parang pag di inaayos mga gamit ko.. alam ko kung saan sya hahanapin eh.. pero pag inayos naman.. biglang magkakandawala-wala mga gamit ko! kaya siguro it's a choice talaga.. kung saan ka mas kumportable.. kaya dapat di iniimpose ang pagiging masinop sa mga gamit.. oo nga di maganda tingnan.. pero gugustuhin mo bang i-compensate ang comfort para lang sa kagandahan? tulad ngayon.. inayos ng katulong namin ang computer room.. at ngayon.. DI KO NA MAHANAP ANG MASTER DISC NG INDIE FILM NAMIN! PUTANG INANG YAN! ba't pa kasi pinapakielaman mga gamit eh.. may dahilan kung ba't ako burara sa computer room.. at di dahil yun sa katamaran..
masaya ang facebook.. di tulad ng MySpace at prenster.. di mo pwedeng i-customize ang look ng site mo.. which is a good thing I guess.. or maybe a refreshing thing.. kasi malamang sa malamang baka naiirita na kayo sa mga magulong layout ng profiles ng kaibigan mo.. buti pa facebook.. simple and clean.. although parang kino-contradict ko yung huling paragraph ko.. pero.. hmmmm.. teka.. ayun! dhe.. sa mga websites.. ayaw ko ng makalat! kasi mouse at keyboard lang ang ginagamit mo para makipag-interact sa mga on screen chuva.. eh sa totoong buhay.. may paa ka, ilong, tenga, mata, kamay, balat, buhok at kung anu-ano pang pwedeng maka-sense.. kaya you have flexibility in what you can do.. kaya mag-send na kayo ng friend invite sa facebook! dahil di ko yan i-aaccept...
Shaq-Fu!!!!!
No comments:
Post a Comment