Sunday, July 06, 2008

be kind rewind

three good films in a weekend.. whew.. grabe.. this is the most fun I had since my last game of Guitar Hero on the Nintendo Wii..

kakatapos ko lang manood ng Be Kind Rewind mula sa isa sa mga paborito kong direktor na si Michel Gondry(na direktor rin ng Eternal Sunshine of the Spotless Mind at The Science of Sleep.. na nagustuhan ko rin)

ang nakakatuwa dito eh sya ang pinakauna kong na-download sa tatlong pelikula kong pinanood ngayon.. pero ito yung pinakahuli kong pinanood.. ewan.. siguro di lang talaga ako nagandahan sa first few minutes ng film kaya ipinagpaliban ko muna yung panonood..

pero kahit ito ang pinakahuling pelikula na napanood ko ngayon sa tingin ko eh ito ang pinakagusto ko.. ewan.. maganda yung Juno at Memento eh.. pero dito lang ako napaluha.. malakas kasi mag-invoke ng emotions ang piano.. or ewan.. kung madly deeply in love ako ngayon baka mas nagustuhan ko ang Juno.. yung Memento naman kasi universal kaya ayos lang.

ayaw ko na nga ituloy.. paputol putol internet namin eh.. putang ina naman kasi ng PLDT eh.. ayaw ko na.. baboo

No comments: