Saturday, July 26, 2008

what I am very thankful for..

nagpapasalamat ako sa mga magulang ko at ginawa ako bago mag 1997..

ayaw ko sana lumaki sa 2000s.. anjojologs ng mga taong lumalaki sa taong ito eh.. buti't lumampas na ko sa poser phase ko nung nauso yung emo.. my god ilang laslas na siguro nagawa ko kung 11 years old pa lang ako ngayon..

nababaduyan rin ako sa mga taong kala nila alam na nila ang emo.. lalo na yung mga posero.. sinasabi nila Punks Not Dead tas emo sila.. tae.. magkaiba ang subculture na punk at emo! mga mahilig maglaslas ang mga emo kids eh.. at ang mga punks ay.. well.. rebelde.. pero pwede nating sabihin na mga nagrerebelde ang mga emo kids sa paglalaslas nila.. whatever..

tska sa tingin ko talaga ay punks truly are dead.. parang lahat na lang ata sa mundo eh kino-commercialize na.. siguro may onting punks pa dyan.. pero malabong magkaroon pa ng punk sa pilipinas.. kasi nugn time na nauso ang punk sa Great Britian eh si Marcos pa presidente.. kaya siguro pwede natin masabing may punks ang pinoy.. pero they don't make punk music.. mas malaki ang ginagawa ng mga "punks" ng pinoy keysa mga punks ng Great Britain.. kasi napatumba ng mga "punks" na pinoy ang diktador eh.. pero yung mga punks sa Great Britain di natanggal ang kanilang reyna.. pero lubhang mas extreme naman ang sitwasyon sa pilipinas keysa london nung 70s at 80s.. buti pa mga amerikano.. naluluong sa acid at kung anu-ano pang hallucinogens..

masaya siguro lumaki sa 60s o 70s.. pero mukang di naman nauso ang hallucinogens sa pilipinas kaya lalaki siguro ako sa bansang hawak ng isang striktong diktador.. pero kahit ngayon uso pa naman ang paggamit ng cannabis.. pero may batas na nagbabawal sa paggamit nito.. di kasi marunong gumamit ang mga adik eh.. tuloy pati yung mga mas marunong i-handle ang kanilang sarili naapektuhan..

--naputol ang train of thought--

pabata ng pabata ang itsura ng mga nagiging freshman ngayon.. naalala ko tuloy dati nakakita ako ng mga makalumang permit ng mga mendiola bedista nung 1997.. grabe! muka nang tatay ang mga incoming freshmen! grabe! ano nangyayari sa mundo? pero kayo na bahala mag-decide kung it's a good thing or not.. kaya siguro mas youthful ang itsura ng kabataan ngayon ay dahil sa diet nila.. or baka sa mga aktibidad nila ngayon.. kung dati uso pa ang mag-laro sa lansangan.. ngayon puro dota at kung anu-anong laro sa kompyuter o PSP ang paraan ng paglilibang nila..

grabe naman.. parang ako lumaki sa panahon na sa lansangan ako naglalaro..

pero isa ako sa mga huling bata na nakaranas na maglaro ng tagutaguan o patintero.. tumatalon na nga kami sa ibang village pag nagtatago kami sa tagutaguan eh.. those were the days.. kung saan di lang utak ang pinapagana.. kundi ang paa't kamay..

ngayon kasi kamay at utak na lang eh.. tas magbabayad ka pa! buti pa nung grade school pa ko.. libre ang paglilibang.. imagination mo lang ang limit.. pero siguro kasama na rin ang katawan mo at ang courage mo kasi mahirap na kung habulin ka ng aso sa village na di mo alam..

IBALIK ANG MGA LARO NG LANSANGAN!!!

3 comments:

Lemon R said...

Mukha nang matatanda ang mga incoming freshman sa Mendiola ay baka dahil may grade 7 pa noon. So, like, 14 years old na sila nung 1st year sila. Ewan. Haha. Eh kasi ako, well, yun. Naputol na din train of thought ko.

Bryski Agron said...

sang'ayon ako dito.. hindi na alam ng mga kabataan ang mga laro ng lansangan ngayon.. puro kompyuter, celpon o PSP na ang hawak nila, minsan pa ay pati solvent.. magastos na ang libangan ngayon.. hindi tulad ng dati, basta may makita ka lang na sirang lata, pwede ka na mag'laro ng tumbang preso.. tansan, pwede ka na maglaro ng ummmm... ewan ko kung anong tawag dun, basta parang teks.. mga stick o kahoy, pwede na maglaro ng siyato.. tsinelas, pwede na mag'laro ng paway (iba ang tawag sa ibang lugar).. gumagana ang buong katawan, hindi tulad ngayon na magdamag kang nakatingin sa monitor na kung minsan ay may pop'up na porn pa, balang araw lalaki ang mga daliri at pwet ng mga tao.. am'panget nun..

Paolo Chua said...

Lansangan parteeeey. God. :)) Emo kids are banned in other countries.