Sunday, July 06, 2008

juno

napaka-late ko talaga makapanood ng mga pelikula.. kahit di pa uso yung pelikula gustong gusto ko nang panoorin pero mas mauuna yung ibang kaibigan ko na makapanood nun... ang problema talaga sa mga pirata...

pero ayos lang.. at least widescreen monitor ko! sila CRT na telebisyon! no match!!!

kakatapos ko lang manood ng Juno.. kung kelan di ko hilig ang mga lab stories.. parang an-cheesy tuloy ng dating kahit di cheesy yung karakter nung babae.. natuwa na lang ako sa mga cultural references nila eh.. at least sa pelikulang 'to alam ko yung mga pinagsasabi nila.. di tulad ng sa House at sa Sandman.. although di naman pelikula yung mga sinabi ko.. nasa media pa rin naman sila!

di ko lang talaga siguro trip ang mga lab stories.. or napangitan talaga ako sa pelikula.. or impluwensya ng Memento na napanood ko nung umaga..

ayos lang yung Memento ni Christopher Nolan(na direktor rin ng huling pelikula ni Heath Ledger).. magaling.. pero di amazing.. siguro kung napanood ko yun bago yung Cidade De Deus o Mind Game baka naelibs ako ng todo at di ko magugustuhan ang Cidade De Deus.. pero ewan.. wala syang aftershow impact tulad ng Donnie Darko.. or sadyang mas nakakarelate ako kay Donnie keysa kay Lenny.. at mas maganda yung jowa ni Donnie keysa kay Lenny.. pero the film caught me offguard.. parang sa kalagitnaan ng pelikula iniisip ko na linoko lang si Lenny para patayin si Teddy.. pero sa ending.. ayun.. nautakan pa rin ako ng auteur.. si Lenny rin pala ang may pakana ng pagpatay kay Teddy.. parang Death Note baga..

wow.. movie review.. pa-cheeseburger ka naman! burger! burger!

almusal ko double cheese burger eh.. di ko talaga gets kung ba't double cheese burger.. eh isa lang naman yung cheese.. soo.. di dapat double cheese yun.. double burger? dhe eh.. isang sandwich pa rin yun eh.. dapat double patty cheese burger na lang! pero mukang di kasya sa menu eh.. kaya ayun.. inommit yung patty.. para.. ayun.. kaya bobo yung mundo eh.. pinapabobo kasi tayo ng mga fast food chains!

No comments: