Ayaw ko magpost ng dalawang beses sa blog ko sa multiply. Ankorny eh... parang atat magpost.
Kaya dito ko na lang gagawin ang mga blog entry ko pag nakapag-post na ko sa multiply! :D
natatae ako... ayun.. wala na.
kumuha ako ng application form sa 'teneo kaninang umaga. at maganda yung office of admissions nila ha... parang reception area ng mga spa. Tas may fifillupan ka pa! Parang sa spa nga talaga! Di katulad ng sa peyups na isusulat mo lang ang pangalan mo at kuha ng form. Andami pa kasing chechebureche sa pagkuha ng form sa 'teneo eh. May bayad pang 500! langya! pero in fairness, maganda naman yung application form nila. Gusto ko sanang i-laminate. pero mahal eh... sayang sa pera :D
exam ko na sa peyups sa sabado. Swerte ako at pang hapon ang iskedyul ko! tamang tama... tulog ako ng ala una ng umaga. Tapos gising ako ng alas nuebe ng umaga. Almusal, ligo, bihis, alis... tas dating sa peyups ng alas onse. Punta sa College of ******* tapos kuha ng exam. Sana di ko makalimutan ang permit ko at kung anu-ano pang churva.
grabe puro tungkol sa kolehiyo ang kwinekwento ko ha. hayskul pa lang ako... masyado akong excited.
mukang di ko magugustuhan ang huling buwan ko sa hayskul. Integration pa lang pangit na... pano pa kaya yung ibang events ng Beda? naku pow! Sana naman po mas maganda ang mga susunod na happenings at nang di masayang ang ochenta mil na matrikula namin! langya! sarap batukan eh. anlaki ng itinaas pero parang di rin naman nag-bago ang iskwelahan. ang mahal na nga ng mga libro tas mamahalan pa yung tuition! tae! tas dalawa pa libro namin sa english... isang literature book at yung hardbound na UBD book. Pero maganda naman yung mga libro eh.. di ko lang talaga nauutilize ng mabuti. :D
namiss ko kayo! oo kayo... kayong mga readers ng blog ko. kung sino man kayo... alalahanin nyo lang na minamahal ko ang bawat nilalang na binabasa ang blag ko.
No comments:
Post a Comment